Jump to content

Page:Dating Pilipinas (microform) (IA aqj5844.0001.001.umich.edu).pdf/94

From Wikisource
This page has been validated.


— 93 —


ang nagsisisama; nguni't ani Colin, ay may mğa tagapanaghoy na nagsisipanangis.

PAGLILIBING:
_____

Tungkol dito sa paglilibing ay iba ang sa mga taga Bisaya at iba ang sa mga taga Hulo at Mindanaw.

Ang mga Tagalog ay naglilibing ng kanilang bangkay sa kanikanyang sariling bahay, na iniingatang malaon sa mga kaban ang mga buto (1) at iginagalang ang mga bungo (2) na parang buhay at kaharap.

Ang mga kabaong na ito ay inilalagay sa tatlong dako, ayon sa ibig at pasya ng namatay: sa itaas ng bahay na kasama ng mga hiyas (3) ó sa ibaba kaya sa lapag ó kun dili ay sa silong na inilalagay sa hukay na di tabon at nababakuran, saka sinisipingan ng isang baul na punô
_________

(1) Ang pag-iingat ng mga buto ó abo kaya na pinakaalala ay ugali ng maraming bayan at sa akala ko ay upang madala nila saan mang lupain ó bayan sila malipat, gaya na nga ng ibinilin ni Jose sa kanyang mga kapatid na kung tamuhin nila ang lupaing sa kanila'y ipinangaco ng Dios ay huag iwan ang kanyang mga buto sa lupain ng Egipto.

(2) Ani Rizal ay makapupong magaling na igalang ang mga bungot butó ng kanilang mga magulang at kanunuan na siya nilang pinagkakautangan ng buhay, bait at ng halos lahat, kay sa igalang ang buto't buhok (reliquia) ng mga di umano'y santo na di man lamang nila nakilala ó nakaulayaw at marahil ay di makaalala sa kanila kailan man.

(3) Ito'y naaayon sa ugali ng mga dating taga Hebreo, Persa. at India, at gayon din sa kanluran ng Arabia noong panahon ni Job na ang yama't hiyás sa libingan ay marami pa kay sa na sa bahay nila.