Jump to content

Page:Dating Pilipinas (microform) (IA aqj5844.0001.001.umich.edu).pdf/90

From Wikisource
This page has been validated.


— 85 —

gugugulan ng lalaki, ayon sa canyang caya't calagayan.

Datapua't bucod sa bigay-kaya ó bugey, na cabuoan ng kalabgayan at ng ligay ó dahik, ay tungculin ng lalaki na magcaloob nitong mga sumusunod, na lahat ay pawang may canicanyang tawag ó pangalan: ang caloob na ibinibigay sa pagpanhic sa bahay ng biyanan ay pinanganganlang pasaka, ang ipinagcacaloob ng lalaki upang maca upong casiping ng cacaisahing-dibdib ay patupar; ang ipinagcacaloob sa biyanang babae dahil sa mga puyat na dinanas at sa gatas na naipasuso sa panahon ng pag-aalaga, ay himaraw o himurair at sa tagalog ay panghimuyat (galing sa salitang pagpupuyat) at di umano'y ang karaniwang ipinagkakaloob ay halagang walong piso; ang ipinagkakaloob sa bumilang ng kalabgayan ó ipinagpauna ng bigay-kaya ay binarian at ito'y binibilang sa tugtog ng kampanang ginagamit at di tinitigilan ang tugtog hangang di matapos ang pagkakasal; ang ipinagkakaloob sa lumakad ng pag-aasawa ay himukaw; kung bao ang babae, ay pinagkakalooban din ang kapatid ng kinabauhan at pinanganganlan himalo ang kaloob na ito; ang ipinagkakaloob sa mga alipin ng biyanan ay pankol; ang ipinagkakaloob są natigatig sa bagay bagay ng pag-aasawa ay pahinankol; ang ipinagkakaloob upang maisama ang babae sa bahay ng lalaki ay padara ó patabuk