Jump to content

Page:Dating Pilipinas (microform) (IA aqj5844.0001.001.umich.edu).pdf/9

From Wikisource
This page has been validated.



— 4 —


P A U N A W A .
—————

Ang aklat na ito ay pinagtiyagaan kong sinulat upang maging tulong ko kahit kaunti sa mga di pa nakababatid ng dating kasaysayan niring Lupang Tinubuan na ngayo‘y halos nalilibing sa himot. Marahil ay di na isinasaloob ng iba na lingunin pa ang nakaraan; nguni't kung ating didilidilihin ay lubhang mahalaga, sapagka‘t ang nakaraan ang siya nating pihagbabakasan ng ngayon sampu ng hinaharap, siyang bumubuhay ng mga bagay na nangyayari, siyang kumakandili n& ating alaala sa ating mga kanunuan na ating pinagkautangan ng buhay at bala na, at sa madaling sabi ay siyang pinakasalamin ng madla sa pamumuhay, na dahil dito ay pinagsikapan ng halos lahat ng lupain ang pagsiyasat at pag-aaral ng kanikanilang kasaysayan.

Sa kasaysayang ito ay di ko muna inilakip ang sa mga taong gubat at ang sa kamorohan, sapagka‘t ang una ay di pa lubhang kilala ang wika sampti nang boong paraa‘t ayos ng pamumulay, saka kapua may kahabaang salaysayim lalong lalo na ang sa kamorohan na may kilala‘t sariling: kasaysayang naingatan; at dahil sa mga dahilan ito ay minagaling kong unahin itong pinakamahalaga sa atin upang huaglubhang humaba at tuloy makaya ng lahat ang halaga, sapagka't kung papagsasabaysabayin ay mamabigatin ng karamihan ang halaga sa kamahalan ngayon ng pagpapalimbag.