lalaki at ang babae, ay tumatayo ang isang matanda at sumisigaw na tumahimik ang lahat, saka sinasabing: Si Gat Maitan ay nakikipag-isang-dibdib kay Dayang Mati; nguni't kung kanyang pababayaan at hindi niya kakalingain, ay iiwan siya at di sasauili sa kanya ang "bigay-kaya", at si Dayang Mati ay mag-aasawa sa iba. Datapwa't kung si Dayang Mati naman ay masamang asal ay babawiin sa kanya ni Gat Maitan ang "bigay-kaya", iiwan siya at mag-aasawa sa ibang babae", saka pinasasaksihan sa mga kaharap. Pagcatapos nito ay kumukuha ng isang pingang kanin, lumalapit ang isang matandang babae at hinaha- wakan ang mga kamay ng mga nag-iisang dibdib, na idinuduop muna sa tapat ng puso saka pinapagkakamay at kung magkayo'y tinatagnan ang pingan ng kanin at isinasabog sa lahat, saka sumisigaw ng malakas ang matandang babae na tinutugon naman ng gayon din ng mga kaharap at sa ganito'y mag-asawa na ang lalaki't babae.
Ang timawa cung mag-aasawa sa capwa timawa ay di na nagdidiwan ng ganito, cundi pinagla- lapit lamang, pinapagsasalo ng panginoon sa isang lumbó, saca sumisigaw ang matandang babae at mag-asawa na.
At ang mga alipin (sagigilir, marahil), palibhasa'y nangamamanginoon ay di na nagdidiwan ng ano pa man, cundi súcat na lamang sa pagcacasunduan ay mag-asawa na.