Jump to content

Page:Dating Pilipinas (microform) (IA aqj5844.0001.001.umich.edu).pdf/86

From Wikisource
This page has been validated.

—81—


maaaring makapag-asawa ó makalakip sa may mahal na uri.

Bago ipagdiwan ang pag-aasawa ay pinagkakayarian muna ang ipagkakaloob na bigay-kaya (dote) na sa Bisaya ay bugey.

Ang nagbibigay ng bigay-kaya (1) o bugey ay ang lalaki, (2) na hindi gaya sa Europa na babae ang nanunungkol nito (3).
——————

(1) Ang bigay-kayang ito, ay sinapantaha ng mga ibang manunulat na pagbili sa babae; nguni't sa akala ko ay dahil sa di nila pagkabatid ng kahulugan ng salitang ito na dili iba't kaloob o handog na ayon sa abot ng nagdudulot at hindi bayad: kaya't kay Rizal, ang asawang tagalog ay hindi babaeng insik aliping mahometana na nabibili sa magulang ó sa bazar upang pagtamuhang lugod ng asawa ó ng panginoon; at hindi rin babaeng taga Europa na sa pag-aasawa ay nawawala ang pangalan, (kundi ang asawang tagalog ay malaya at pinakukundanganan, siyang sinasangunian ng lalaki sa ibang gagawin: siya ring tagapag-ingat ng salapi at siyang nangangasiwa sa mga anak na ang kalahati ay kanya ano pa ngat ang bigay kayang ito ay hindi bayad, (ani Rizal) kungdi isang alaala sa pagod at puyat na ginugol ng magulang sa pag-papalaki sa kanya.
(2) Lalong mabuti, ani Rizal, na lalaki ang manungkol ng pagkakaloob ng bigay-kaya kay sa babae, dahil na sa ganitong paraan, ay hindi nagkakalalayo ang magmamagulang, samantalang sa Europa, kung magkaasawa ang lalaki ng mayaman at magkasalapi ay nagkakalalayo na.
(3) Matwid, ani Rizal, na ang babae ang pagkalooban ng bigay-kaya (dote), sapagka't ang babaeng pilipina ay hindi isang pasan maging sa asawa at maging sa magulang, kundi tulong, at sa ganito'y kailangang alalahanin ng ano mang kayang kaloob ang kanyang nilisang magulang sa pagkahiwalay niya. At ang gayon pa mang magulang na ng babae ang tumatangap ng bigay-kaya at hindi siyang nagkakaloob, ay namamalas pa rin ang malabis na kapanglawan, na kaiba sa Europa na wari ipinagmamadalian ng magulang na iliwalay ang anak na dalaga hangang sa lumalabas na katuwan hitsura kung minsan ang ina.
Bukod dito, ani Rizal din, kung nag-aasawa ang lalaki ay hindi nagtataglay ng mabigat na pasan sa pag-aasawa, kundi bagkus nakakasumpong ng kasama't katulong sa pag-aayos ng kanyang pamumuhay kaya't ang babaeng pilipina ay hindi namamalakaya ng asawa, kundi pumipili ng kanyang ibig.

6