Jump to content

Page:Dating Pilipinas (microform) (IA aqj5844.0001.001.umich.edu).pdf/70

From Wikisource
This page has been validated.
— 65 —

ng bumabasa ang letrang kulang at di umano'y nilalakipan din ng mga tanda na gaya halimnbawa ng || na aní Mass ay inaaring m, n, t at ibp,; ano pa't gaya rin ng wicang pahlabí ó pehlebi ng mga persa noon Edad media.

Ang paraan naman ng pagsulat ng tagarito ay minumulan sa itaas na paibaba at pinasisimulan ang hanay sa dacong kaliwa at niwawakasan sa dacong kanan, na kaiba sa mga insik at mga hapón na minumulan sa kanan at niwawakasan sa caliwa. (1).

Ang karaniwang sulatán ay kawayan ó mğa dahon ng halaman na siya ring inugali ng mga taga ibang lupain ng di pa natutuclasan ang paggawa ng papel at ang panulat na ginagamit ay matulis na bakal ó patpat at di umano'y tinatawag na sipol. Ang mga susulatín naman ay ang canilang mga tula at awit na siya nilang gawió kung dili ay ginagamit sa pagtatala ng bilang ng canilang mga hayop at mga kalakal at gayon din sa pagsulat ng liham.
---
(1) Tungkol dito sa ayos ng pagsulat ng mga tagarito ay pinagkaroonan ng iba't ibang isipan ng mga mananalaysay. Ani Marche ay pahalang, ani Jambaulo na nakikita mandin ng kasulatan dito malaong panahon bago ipinanganak ang Panginoong Jesu-Kristo ay gaya rin ng sabi ni Chirino na paibabang mula sa itaas, at ang sabi naman nina Colin at Esguerra ay patiwali sa nabangit, dahil sa anila'y paitaas na mula sa ibaba at ang pabalang ay inugali na lamang ng dumating ang mga taga España.