ay ang mga kababalaghan at mga malalalim na
kahulugan; sa griego ay ang mga artikulo at ang
dali ng pagbangit ng ano mang ngalan, sa latin
ay ang kayabunga't karikitan; at sa kastila ay ang
pagkamagalang, pagkamapagpitagan at pagkamapagbigay-loob." Siyang totoó sapagka't ang wikang tagalog ay isang wikang naipagbabadya ng tanang soloobin at damdaming sumasapuso't isip ng tao. Nariyan ang ating mga awit, dalit, salawikain; ang ating mga padalahan, novena't dasalan; ang ating komedia, dupluhan, panawagan at bugtungan, ang ating kundiman at kumintang; ang ating mga palabas-dulaan, mga aklat, manga
pahayagan at iba't iba pang nagtatanghal ng kayamanan ng tingig ng wikang tagalog. Gayon din ang pagtula na sa wikang tagalog ay katutubo at
lubhang mayamang gaya ng wikang árabe, at malinaw nating namamalas sa mga awit, salawikain at babasahin ang gawi't sadyang pananalitang tagalog na patula. Sa tulang tagalog nga ay mapuno puno ngayon ng mga korrido ó awit ang
ating mga tindahan ng aklat. At sa tulang tagalog
ay sumilang ang mga bantog na sina Francisco
Baltazar G, Pilapil, at ibp.
Datapua't ang wikang tagalog, baga man mayaman at sagana sa tingig ay haluan din na gaya ng inglés at iba't ibang wika, palibhasa't ga ling sa kamalayahan, saka nakapamayanan ng mġa tagá iba't ibang lupa: ano pa nga't sa wikang tagalog