Jump to content

Page:Dating Pilipinas (microform) (IA aqj5844.0001.001.umich.edu).pdf/57

From Wikisource
This page has been validated.
— 52 —


Katungkulang ng alipin.
----

Ang aliping namamahay ay nakapagbabahay ng sarili, nguni't kailangang maglingkod sa kanyang panginoon sa panahon ng paghahasik at pag-aani sa bukiran, gumaod sa sasakyan kung may paroroonan, tumulong sa pagtatayo ng ba hay at maglingkod sa bahay niya kung may panauhin

Ang aliping sagigilir ay hindi nakabubukod ng bahay at may katungkulang gumawa ng ano mang ipagawa sa kanya ng panginoon sa tanang buhay niya.

Ang kakalahati ang pagkaalipin ay naglilingkod ng salisihang buan. At sa buang ikinalalaya ay maaaring ipaghanap niya ng sa ganang kanyang sarili ó kung sa panginon din niya ay may matuid na maipakabig sa kanyang utang ang dapat niyang kitain sa panahon ng kanyang kalayaan na ipinaglilingkod niya. At ang halaga ay isinasan-ayon naman sa kanyang pagkaalipin kung namamahay ó kung sagigilir.

Ang tatlong ikapat na bahagi ang pagkaalipin ay tatlong araw na naglilingkod sa panginoon at isa'y sa kanyang sarili. Ang asawa nito ay naglilingkod din sa kanyang panginoon ng kapara niya.