Ang di lubhang malaking pagkakaalitan ó pagmumungkahian sa isang nayon ay matatanda na lamang ang pinagsasakdalan ng nagkaalit at siyang humahatol ayon sa patotoo ng mğa saksi at alinsunod sa minanang kaugalian sa kanilang mga kanunuan (1). ang hatol naman ng matatandang ito ay lubhang pinakagagalang at ginaganap nila.
Ang karaniwang palakad sa pag-uutangan ay patubuan. kung ang ay may utang ay may tinatankilik na sasanlain ay inilalagak na sanla sa pinagkakautangan ang kaláhati sampu ng pakinabang noon hangang hindi nakababayad ng utang. Kung walang ano mang tinatangkilik at sa katampatang panahon ay di makabayad ay nagiging alipin, at karaniwa'y sa tanang buhay dahil sa lakad ng tubo.
————————
(1) Ito'y minagaling ni Rizal, dahil anya, tao rin sa kanikanyang umpok ang humahatol at sapagka't halal kapua ng nagkakasira ay sapat makabatid ng usap, ng ugali at lubhang mabuti kay sa hukom (ngayon) na humahatol ng usap na di niya talos, at sa mga taong ang kilos, pangungugali at wika ay gayon din. Dito nga, ani Rizal, ay napagkikilala ang pagkaurong natin sa pagkakaroon natin ngayon ng lubhang maraming kautusan at pasiyang kung ano-ano, hangang sa kung minsan ay kailangang magsakdal sa kata astaasang hukuman kung sakaling di nasiyahan sa hatol ng hukon, at ang mga usapin ay nagluluat ng di ano lamang na inaabot tuloy ng mga anak, apo at pinagkakailanganang paggugulan ng lubhang maraming salapi ng naapi upang magtaglay ng kaukulang hatol.
- 4