Jump to content

Page:Dating Pilipinas (microform) (IA aqj5844.0001.001.umich.edu).pdf/43

From Wikisource
This page has been validated.
— 38 —

Sa Nakamatay.

Aug nakamatay ng isang alipin at humingi ng tawad ay hindi pinarurusahan ng lubhang mabigat, kungdi pinapagbabayad lamang sa panginoon ng halaga ng aliping napatay saka hinahatulan ng hukom ng iba pang parusang kanyang magalingin.

Ang nakamatay ng isang timana ay kamatayan rin ang parusang inilalapat; ngunit kung humingi ng tawad ay iniuurong ang gayong parusa at ipinaaalipin na lamang sa namatayan. Di umano'y kung sakaling salapi ang naging kahatulan ay kalahati lamang ang ibinibigay sa namatayan at ang kalabatí ay sa hukom.

Datapua't ang nakamatay ng pangulo ó maginoo ay pinapatay ng walang patawad at ang mga kaalam ay pawang inaalipin sampû ng kanilang mga anák.

----

Paghuli sa magnanakaw.

Upang hulihin ang mga magnanakaw ay tinatawag ang mga pinaghihinalaan, at mga pinapagsasalansan sa isang dako ng mga balaba ng dahon ó ng mga damit kaya, at kung pagkatapos nito'y