Jump to content

Page:Dating Pilipinas (microform) (IA aqj5844.0001.001.umich.edu).pdf/41

From Wikisource
This page has been validated.


— 36 —

Sigalot ng mga pangulo sa dalawang balangay

Kung ang mga pangulo sa dalawang balangay (na magkasundo marahil ay magkaroon ng ano mang sigalot ó usap ay pumipili sa ibang balangay ng isang pangulo na mailalagay nilang pinakahukom upang humatol sa kanila ng walang hilig; sa pagka't bagá man sa iba't ibang balangay ay may iba't ibang tuntuning pinanununtunan ay halos magkakaayon di umano. (1)

— — — —

Pag-aasawa sa taga ibang balangay.

— —

Kung ang isang maharlika ó timawà (maging, lalaki maging babae) sa isang balangay ay mag- asawa sa taga ibang balangay ay hindi makalilipat sa balangay na tinatahanan ng magiging


(1) Aní Rizal, ay napagkikilalang may malabis na kasunduan kay sa digmaan dito sa pagkakaayon-ayon ng mga tuntunin, at di malayó. anyang, may isang malaking pagkakasunduan dito; sapagka't ang pinakapangulo rito sa Maynila ay pinakapunong-hukbo ng Sultan sa Borneo. Anya'y may mga kasulatan noong siglo XII na nagpapatotoo nito.