Ikaanim na Pangkat.
Kaugaliang pinanununtunan sa mga Kapaslangan at Sigalutan.
Palibhasa't ang mga Tagarito ay nangamamayan at may mga tatag na pamahalaan ó balangay ay may mga hukom at tuntunin ring pinanununtunan.
Itong mga tuntuning pinanunutunan sa kanikanilang balangay ay pawang alinsunod sa kanilang mga alamat at kaugaliang kinagisnan (1) na di binabago at mahigpit nilang tinatalima. Datapuat di umano'y may mga pangulo rin namang nagsisipaglagda ng mga kautusan, saka itinatanyag sa bayánbayán nang isang mánanawag na pinanganganlang Biubahasan. Sa pagtatanyag, di umano, ay nagdádalá ng isang batingaw na tinutugtog upang mapag-alaman ng mga tao.
Ang mga hukom sa mga usapin nila ay ang
(1). Ani Rizal ay siyang lalong mabuti, dahil sa siyang nakapagpapayapa sa mga tao, sapagkat, anya'y may higit na tibay ang ugali kay sa isang kautusang masusulat o nalilimbag, lubha pa't itong kautusang nasusulat ay naipananaksil ng mga may kapagyarihan. Ang katibayan, anya ng isang kautusan ay wala sa pagkakalimbag sa isang dahon ng papel, kung di na sa pagkalimbag sa ulo ng magsisiganap, málaman mula sa pagkabata, maayon sa kangalian at lalong lalo ng kailangan na matatag ng walang pagkabago. Ang Tagarito ngá, anyá, mula sa pagkabata ay nakatatanto ng kanilang mga alamat, namumuhay at lumalaki sa panganorin ng kanilang mga kaugalian, at hindi gaya ngayon na nagtatatag ng mga kautusan sa bayan na di man lamang nalalaman ó nauunawa at madalas pang binabago.