Jump to content

Page:Dating Pilipinas (microform) (IA aqj5844.0001.001.umich.edu).pdf/37

From Wikisource
This page has been validated.


— 32 —

nangduduro hangang sa lumabas ang dugo, saca binubúdburan ng pulbós, ó kung dili ay usok ng sahing na maitim, na kailan ma'y di na mangungupas. Hindi pinipintahang bigla ang boong katawan, kundi bahabahagi, at datiha'y hindi muna nagpipinta hangang hindi makapapamalas ng anomang katapangan. Ang mga bata'y hindi nagpipinta, nguni't ang mga babae ay nagpipinta ng Isang boong kamay at ng bahagi ng ikalawá. Dito sa pulo ng Luzón ay nangagpipintá rin ang mga taga Iloko, hindi lamang lubós na kagaya ng sa mga taga Bisaya. Sa paghihiyás ay nangaghihikaw ng malalaking hikaw na ginto at garing at nangagkákalombigas; sa ulo'y nangakakulubóng ng ukáng wari turbante na may batikbátík na ginto; nangagbabaro ng makipot at mahaba na walang liig, at sa harapán isinásará. Hindi nangagsasalawal, kundi bahág lamang na ibinibigkis sa harapán. Ang mga babae'y may magagandang anyo't kilos, malilinis at makikisig na lumakad; ang buhok ay maitím mahaba at nakapusód, nangakatapi sa baywang ng kayóng sari-saring kulay at nangakabaro ng walang liig; hindi nagsisipagsuot sa paa, nguni't nangaghiyas na nagsisipagkuwintas ng ginto, nagsisipaghikaw at nagsisipagkalombigas.

Bagay naman sa kalinisan, lalakit babae at lalo na ang mga máginoo, ay totoong malinis sa kanikanyang katawa't bihis; nangagpapaitim