Ikalimang Pangkat.
Dating Pananamit At kalinisan sa katawan ng mga tagarito
Noong unang dako ang mga tagarito ay magkakaibá ng pananamit: na anó pa,t, sa Luzón ay iba sa Bisaya'y iba at gayon din sa ibang dako.
Ang pagkakáganitó marahil ay sapagka't galing sa iba't ibang dako ng Kamalayahan ang mga tagarito at inugali ng isa't isa ang pananamit sa kanikanyang bayang pinangalingan.
Dito sa Luzón sa ilang lalawigan marahil) ay nananamit ang mga lalaki ng kanyan (barong azul) na lagpas ng kaunti sa baywang, isinasara sa harap, walang liig at maikli ang mangás; nguni't may nagsusuot din ng kulay itim. Ang sa mĝa maginoo'y kulay-pulá at sa India pa nangagaling. Bukod dito'y nagbibigkis sa baywang ng isang kumot na tuloy ibinabahag; ang hita'y litaw, ang mga paa'y walang suót at ang ulo'y walang takip maliban sa isang makitid na panyo na mahigpit na itinali sa noó at kimót-kimutan na pinanganganlang potong ó putong. Ang putong na ito ay iniiíkid ng sari-saring paraan, na kung minsa'y wari turbante ng mga moro na walang bunete, at kung minsan nama'y nakapulupot na parang kubóng ng sombrero. Ang nagmámatapang ay nag-