nay na alipin na ang iba'y sa tanang buhay at sa akala ko'y tinatawag na sagigilir, dahil sa di nakalalayo sa gilid o paligid ng panginoon.
Ang mga alipin ng mga ito ay siyang pinakamalaking yamanng mga tagarito, dahil sa nakakatulong nilang malabis sa kanilang nga bukira't hanap-buhay, at ang mga ito'y naibagbibili't naipagpapalit ng isang panginoon sa ibang panginoon, ng isang bayan sa ibang bayan, ng isang lalawigan sa ibang lalawigan at ng isang pulo sa ibang pulo. Gayon man, ani Argerzola (sabi ni Rizal), ay hindi lubhang hamak ang pamumuhay ng mga alipin ito, dahil sa kasalong kumakain sa dulang ng kanilang panginoon at hangang sa naaaring mag-asawa sa kabahay ng panginoon, maliban na sa ilang masamang panginoon, na saa't saan ma'y di nawawala. Nguni't ayon sa salaysay ng iba (wika rin ni Rizal) ay lumubha ang kalagayan ng mga aliping ito nang masakop ng Espana ang mga tagarito hangang sa ang iba'y nangagpakamatay sa gutom at ang iba'y nangagpakamatay sa lason, at ang iba'y nangagpakamatay sa lason, at pinatay ng ibang ina ang kanilang anak sa panganganak
(Basahin ang paaninaw ni Rizal sa dahong 295 ng aklat ni Morga).