Jump to content

Page:Dating Pilipinas (microform) (IA aqj5844.0001.001.umich.edu).pdf/121

From Wikisource
This page has been validated.

—120—


langang sila'y mag-isang dibdib upang magkaroon ng mga tao sa sanlibutan, at sila'y nag-isang dibdib at nagka-anak. Ang unang naging anák nila ay lalaki at pinanganlang Libo, at ang sumunod ay babae, at pinanganlang Saman, at ang dalawang magkapatid na ito ay nagkaanak ng isang babae na pinanganlang naman nilang Lupluban. Itong si Lupluban ay nakipag-isaug dibdib sa isang anak na lalaki ng mga unang tao (marahil ni Sikalak at ni Sikabay) na ang pangala'y Pandaguan at ang mga ito ay nagkaanak ng isang lalaki na kanilang pinanganlang Arion. Si Pandaguan, di umano'y siyang unang kumatha ng mga palaisdaan upang mamalakaya sa dagat, at ang unang nahuli ay isang pating, at pagkahuli ay iniahon sa kati, na sa akala niya'y hindi mamamatay; nguni't pagkaahon sa kati ay namatay:, ng makita niyang patay ay pinasimulang alayan ng mga hayin at tuloy tinangisan, at tumawag sa mga Diyos, na may namamatay, dahil sa wala pang namamatay noon; pagkarinig naman di umano ng Diyos Kaptan ay sinugo ang mga langaw upang tignan kung sino ang patay, at sapagka't hindi makapangahas lumapit ang mga langaw ay bukbok ang si- nugo na siyang nakakita na ang patay ay pating, at sa ganito'y nagalit ang Diyos Kaptan dahil sa pagkakaalay ng mga hayin sa isang isda. Sa pagkagalit na ito ng Diyos Kaptan ay