ikinatatangap ng Diyos sa tao. Anopa't sa gayong pananalig sa kanya ay hindi laman ang
kanyang asawa't mga kaibigan ang sumampalataya
kundi pati na ng kanyang mga kababaya't kalupain, hangang sa siya'y nahalal na pinakapangulo sa kanyang bayang tinubuan. At sapagka't ang
kanyang munakala'y papag-isahin ng religión ang
tanang kinapal ayon sa sinaysay sa kanya ng angel,
ay hindi lamang ang kanyang lupain ang sinakop
at hinikayat niya't ng mga humalili sa kanya,
kundi pati ng mga lupain sa Europa, Africa,
sa Asia at bangang dito sa Kasilanganan na dili
iba't siyang pinanánaligan pa hanga ngayon ng
ating mga kalupaing taga Mindanaw at taga Huló.
Ang religinóg ito ay umabot hangang sa Mindoro at dito sa Maynila at kung hindi dumating rito ang mga kastila ay naging moro marahil ang lahat ng tagarito. '