na nalalatag at tuloy gumagalang sa araw, sakâ isinusuot nila ang nabangit na kayo. Kung magkagayon ay nagtatali ng panyô sa ulo ang isa sa mga ito na sa noo ibinubuhol na pinagsisikapan na magkaroon ng dalawang parang sungay at pagkatangan ng ibang panyo ay sumasayaw at humihihip ng kanyang pakakak at tuloy gumagalang sa araw.
Ang isa namang matandang babae ay dumadampot ng isang dahon ng palma at gaya rin noong isa na sumasayaw at humihihip ng kanyang pakakak. Ang pagsayaw nilang ito at paghihip ng kanilang mga pakakak ay nagluluat ng kaonti at kanilang sinasabayan ng pagsasaysay araw ng sarisaring bagay.
Matapos ito ay binibitiwan ng isang matandang babae ang panyô niyang hawak sa kamay at dinadampot ang dahon ng palma at kapwa humihihip ng kanilang pakakak at sumasayaw na matagal sa palibot ng isang baboy na nakahanda sa lupa. Ang isa'y nagsasaysay na marahan sa araw at ang isa naman ang sumasagot. Ano pa't ang araw at ang dalawang matandang babae ay parang may pagkakaunawaan.
Pagkatapos naman nito ay dumadampot ang isang matandang babae ng isang copang alak at iniaalay sa kanyang kasayawan, at habang ipinagpapatuloy nila ang kanilang pagsasaysay sa araw ay makaapat ó makalimang