Ikalabing anim na Pangcat.
Dating Pagsamba't Pananampalataya ng mga tagarito.
Sa pagsamba't pananampalataya sa Kalusunan ay mapagmamalas ng sino mang mapag-aral ng iba't ibang religión na yao'y isang religiong haluán: at sapagka't hindi ang nasa ko rito'y saysayin ang dahil ng pagkakahalohalong yaon, kundi isaysay lamang ang dating ugali ng mga Tagarito, ay ipatutuloy ko ang tungkol naman sa Kabisayaan.
Ang mga taga Bisaya ay sumasampalataya rin ng halos kagaya ng mga taga Luzón, dahil sa ganang kanila, ang Bathala nating lumalang ng sangsinukob at lumikha ng tanang kinapal ay kinikilala rin at kanilang pinamamagatang Laon.
Kumikilala rin sila sa mga anito na sa kanila'y diwata, na dili iba,t ang kanila ring mga kanunuan na pinipintakasi't tinatawagan sa bala ng kailanganin, maging sa kati't maging sa tubig, maging sa buhay na ito at maging sa kabila.
Nangagsisikilala ring gaya ng mga taga Lu-