cung sacali man ay bihirang gamitin ng bayan.
Ang pagdalangin ay idinaraos cailan ma't may cailangan silang hilingin sa anitong kinauuculang tawagan, na cung halimbawang sa pagcacasakit upang gumaling ó sa pagnanais na ang nasa hirap doon sa cabilang buhay ay mahango at sa ibang bagay pa, ay ang mga nuno nilang anito ang tinatawagan na di umano'y siyang mga nacacaalám ng calagayan ng nangandoon sa cabilang búhay at mga sumasagot sa dalangin ng catalona, cung halimbawa namang sa pag-paroon sa digma ó sa pagsalakay at upang magwagi ay ang hubog ng langit ang dinadalanginan na canilang pinanganganlang bataubaw; at gayon din sa iba't ibang dahilan. Bucod dito ay nagsisidalangin sa Diyos Inaginid at sa Diyos Amakawdak na dinidiyos din nila at marahil ay sa ibang bagay naman.
Ang nangangasiwa sa pagdalangin ó lumalagay na pinacaparê ó pinacapastor ay ang catalona na siyang nanunungcol nito. Ang paraan naman ng pangangasiwa ó pagdalangin nito ay mababasa sa Dating caugalian tungcol sa Paghihinġaló at gayon din sa Dating caugalian tungcol sa Pag-aasawa pati ng canilang bihis at sangcap. Ang mga katolonang, ito, ani Colin, ay mayayaman ano pá't nanánamit ng maririkit at nag hihiyas ng maiinam (1).
(1) Aní Rizal, ay mapagkikitang saa't saan man ay pinakikinabangan ang ganitong tungculin o hanap-buhay.