Ikalabing limang pangkat.
Dating Pagsamba't Pananampalataya ng mga Tagarito.
Kung paanong ang mga tagarito ay may dating sariling ayos ng pamamayan at pag-uugali ay may dati ring sariling religion ó ayos ng pagsamba't pananampalataya.
Ang pagsamba't pananampalatayang ito ng mga Tagarito ay iba't iba, dahil dito sa Luzón ay may kaibahan at gayon din sa Bisaya at Mindanaw.
Ang religion dito sa Luzón ay ang pananampalataya sa Diyos na Maykapal at Lumikha ng boong sangsinukob na pinanganganlang Bathala (1) ng mga Tagarito.
Itong Diyos Bathala na kadakidakilaan at nasa kaitaas-itașaan ay hindi ipinagtatayo ng simbahan ó inaalayan man ng ano mang hayin (2).
(1) Itong salitang Bathala anáng maraming mairugin sa sarili natin wika ay hango sa Sanscrito at nábabasa sa isang aklat ng ating calupaing manunulat na si G. P. A. Paterno, sa dahong ica 36.
(2) Ani Gat Rizal ay dahil sa inisip marahil ng mga Tagarito na ang Dios na Maycapal ng sangsinucob ay hindi nangangailangan ng gayong tahanan ó ng mga pang-libang at pangpalupag-loob, dahil sa Siya'y laging matuid at pantas at hindi nagbabago dalá ng canyang pagka Dios,