Jump to content

Page:Buhay na pinagdaanan ni Juan Tamad.pdf/77

From Wikisource
This page has been validated.


— 77 —

Manga nag sisilbi sa pagcain nila
ay nangag tatacá silang para para,
pulós na castila,t, tagalog ang iba
at saca ang dama ay labing dalaua.

Salitaan nilai, cayamanang iyan
ang pinangalinga,i, sa encantong laláng,
alin caya baga sa mundong ibabao
ang magcacaroon nang ganitong bahay.

Manga cagayaca,i, nanglalong totoo
sa mundong ibabao ualang capareho,
nangapapamuti mutyá at carbungco
rubít, esmiralde sa ningning ay husto.

Cas ingcapang gamit ay napacainam
guiató na at pilac sino caya naman,
aling tauo r to sa mundong ibabao
macapag g gayác casapgcapang ganyan.

Cundangan ang ito,i, may iuing encanto
na pinageucunan nang lahat nang ito,
ang uica nang hari ay tila nga totoo
sa encantong laláng cayamanang ito.

Saca nang matapos salitaan nila
tinauag nang hari ang mahal na reina,
cun umaayon ca,i, isalin na nata
sa atang manugang ang cetro,t, corona.

0o ang uinica nang reinang marangal
diyata,i, cun iyong gusto,t, caibigán,
lalo nama,t, icao ay may catandaan
di nga,i, isalin na corona cay Juan.