Jump to content

Page:Buhay na pinagdaanan ni Juan Tamad.pdf/68

From Wikisource
This page has been validated.


— 65 —

Naala-ala co at nagunamgunam
nangyari sa atin niyong isang arao,
cami,i, nag daraan na mag caibigan
sa tapat ng torre icao,i, nanunungao.

Natingala quita,t, nagpanamang titig
sa iyo ay aco,i, comindat ngomibit,
humalachac icao tumauang malabis
siyang naguing dahil mulang pagbubuntis.

Sa iyong sinabi esposo cong sintá
cung aquing lihimin husto ang prueba,
sintang esposa co houag cang mag duda
talagang totoo aquing ibinadyá.

Calooban ito,t, pacaná nang Dios
na bigay sa iyo planeta mo,t, signos,
houag mamamangha ang puso mo,t, loob
dagdagan ang iyong pagtauag sa Dios.

Ano,i, sa matanto niya,t, maalaman
sa dalauang bata daang pinagmulan,
escrupulong dala sa loob naparam
manga anác niya,i, lalo nang minahal.

Nang-quinabucasa,i, niyong maumaga
napasa dungauan si Doña Leonila,
at pinagmamasdan ang manga maceta
caparis nang jardin niya sa España.

Malaquing totoong dalang catouaan
alin mang bintana na canyang dungauan,
ay jardineria,t, sari-saring bagay
nanga mamacetas sadyáng cabanguhan.

JUAN TAMAD.

5