— 63 —
Manga nagsisilbi pulós na castila
manga dama nama,i, magagandang lubha,
nangagsi upo na at cumaing paua
apat na mag-anac na ualang bahala.
At nang macacain ay nagsi pasoc na
sa salas ng bahay nagpapasial sila,
ang mga cuarto,i, pinapasoc nila
minamalas yaong cariquitang sadyá.
Si Doña Leonila,i, ang uinica,i, ito
esposo cong sinta sa itatanóng co,
houag maglilihim pagtatapatan mo
ng di alinlangan ang puso,t, loob co.
Aco pagca tauo,i, laquí sa guinhaua
palibhasa i, hari ang mutyá cong amá,
ang ating quinain na handang comida
gayong cagayaca,i, di pa nag quiquita.
Pati itong bahay sa diquit ay sacdál
na ualang susulit cahit sa reino man,
sa aqui,i, sabihin ngayo,t, maalaman
ang may ari nito cun sino,t, alin man.
Ang sagot ni Juan na casi,t, esposo
ang bahay na ito,i, maguiguing canino,
ito,i, ating tunay pinagmulan nito
ay aquing hiningi sa ingat cong bató.
Comida,i, gayon din ang pinangalingan
sa bató ring ingat perlas ang cabagay,
at ang batóng yao,i, encantadong tunay
anomang hingin co,i, agad gaganapan.