Jump to content

Page:Buhay na pinagdaanan ni Juan Tamad.pdf/51

From Wikisource
This page has been validated.


— 48 —

Sagót nang dalaua dito cay Ursula
sabihin mo,i, oó sa bunying princesa,
yaong mga bata,i, inyong ipasoc na
doon sa simbaha,t, cami susunod na.

Nasoc na nga sila,t, canilang dinatnan
yaong daluang batang aanaquing tunay,
hinauacan nila, at nang masangcapan
nang mahal na padre, ang ulo,i, binusan.

Isa,i, ang panğala,i, Antonio de Risa
icalua,i, ang ngala,i, Fel z de Carcaja,
lumabás na sila,t, nouing para-para
manga bata nama,i, sa torre dinala.

Loob nang princesang na sa capanglauan
manga anác niya,i, niyong mabinyagan,
naisban nang munti,t, ang uicang tinuran
Ursula ay ano ang manga pangalan.

Panginoong mahal princesa Leonila
ang manga pangalan anác ninyong dalua,
isa po,i, ang ngala,i. Antonio de Risa
ang isa po nama,i, Feliz de Carcaja.

Ang dalauang bata,i, capoua maquisig
ang pangangataua,i, pareho ang tindig,
ang tabas ng mucha ay paris na paris
nag tataglay toua balang macamasid.

Lacás nang paglaqui nang batang dalaua
parang binubunot ang paghaba nila,
maguing limáng taón ang edad na dalá
ang loob nang hari totoong balisá.