Jump to content

Page:Buhay na pinagdaanan ni Juan Tamad.pdf/49

From Wikisource
This page has been validated.


— 46 —

Naringig na ninyo mahal na iná co
Dios ma,i, sacsihi,i, totoong totoo,
lahat cong casama ay tanongin ninyo
cun may masasabi cahiman at sino.

Sa sinabing yaon ng bunying princesa
ang mahal na hari,t, ang mahal na reina,
hindi umiimic linilining nila
ang manga sinaysay nangyari sa canya.

Manga dibdib puso nila,i, alinlangan
at dili maisip ang pag papacanan,
tumauag sa Dios na sila ay bigyán
lubos na payapa at caliuanagan.

Ang hari,t, ang reina,i, 'ng macapag-isip
gayari ang uica,t, canilang sinambit,
sa tahanang ito.i, di cana aalis
layao ay di mo na ngayon masisilip.

At tuloy umalis nang ma uica ito
tumungo na sila sa real palacio,
magmulá na noon loob nila,i, guló
hinayang sa anác ay di mamagcane.

Tinasahan nila sa canyang pagcain
sampong ala-ala,i, pinaram pinouing,
nauala sa loob toua at pag-guilio
di na alintana anomang marating.

Ano,i, nang sumapit yaong cabouanan.
na capanĝanacan nang princesang mahal,
sa aua nang Dios at Vírgeng maalam
nacaraa,i, ualang sacunang anoman.