Jump to content

Page:Buhay na pinagdaanan ni Juan Tamad.pdf/44

From Wikisource
This page has been validated.


— 41 —

Nalis na nga sila na nag madalian
at noui na naman sa canilang bahay,
magmula na noon bagama,t, napasial
di napaparoon cundi noon lamang.

Di naman nalauo,t, ang bunying princesa.
loob ay pumanglao at nagca balisa,
hindi magca uasto loob ala-ala
catauan ay hindi capara nang una.

Misterio nang Dios na sucat pagtac-han
princesa Leonila,i, nag laman ang tiyan,
ang loob at puso ay di mapalagay
sa dagsang sacuna na cahambal hambal.

Puso,i, nalugami at tatangis-tangis
sa dalauang matá luha,i, nabalisbis,
ang loob ay guló puputoc ang dibdib
sa di maulatang signos na sinapit.

Di icacatulog sa gabi at arao
at pinapanimdim ang cahihinatnan,
baquit caya baga yaring capalaran
palad na quiquitil nang tangan cong búhay..

Hindi co malirip ang bagay na ito
cun ano,t, sinapit nang imbing palad co,
ualang masasabi cahiman at anó
cundi ito,i, signos nitong catauan co.

Paano ang aquin ngayong calagayan
puri co,i, uala na anong casaysayan,
ang libác at pula nang tauo,i, cacamtan
di ano pang aquin na capapacanan.