Magpamula ngayon magbago nang loob
at dumalangin ca sa Poong cay Jesús,
sa amá,t, iná mo,i, magsilbi nang lubós
nang ang aua niya sa iyo,i, idulot.
Isilid sa loob houag calimutan
sa umaga,t, hapon icao ay mag dasal,
pintacasinin mo ang Vírgeng maalam
ng caauaan cang gracia ay pacamtan.
Houag cang aalis dito,t, pumirme na
sa arao at gabi ng macasama ca,
ang mahal mong iná,i, nag-iisa isa
ualang masusugo cun dito,i, uala ca.
Tuloy namang icao ay ibibilí co
ng isang cartillang mapag aralan mo,
di man macapasoc icao sa maestro
ay tuturuan ca guilio na iná mo.
Ani Juan Tamad na sagót sa amá
lahat ninyong hatol aco,i, tatalima,
susunod sa utos aco po nang iná
at saca sa Dios mananalangin pa.
Malaqui po amá yaring catouaan
sa inyong sinabing aco ay mag-aral,
at haringarin po na aco,i, casihan
na matutuhan co gauang cabanalan.
Bumilí ang amá ng isang cartilla,
at si Juan Tamad ay tinuruan na
niyong sarisaring pangalan nang letra
sa A nag pamula,t, pinaquiquilala.