Mulit muling taghoy na inihihibic
sa Dios na Amá na Hari sa Langit,
cahimanauari ang anác cong ibig
bigyan nang liuanag carununga,t, bait.
Saca cun matapos magtatanao tanao
anác na si Juan ay ibig matingnan,
cun hindi maquita,i, mananaog nàman
hahanaping pilit ang quinalalagyan.
Sa manga cahangan ay titingnan niya
ipinag tatanong cundi naquiquita,
nalang macasabi ooui na siya
mapanglao ang loob náluha ang matá.
Cun siya,i, dumating sa canilang bahay
puputóc ang dibdib iráng mapagmahal,
ang loob at puso,i, hindi mapalagay
sa di pagca quita sa anác na hirang.
Ano pa,t, sa touing gustong cumain na
siyang pag paroong pag haráp sa iná,
ináng nalulumbay cun siya,i, maquita
maguiguinhauahan pusong may balisa.
Saca uiuicaing ¿ano caya ito?
saan nangagaling itong aquing bunsó,
sa touing cacain lamang paririto
ni anoma,i, hindi paquinabangan co.
Matapos cumain guinaua nang iná
inabangan niya cun saan pupunta,
iná,i, sumusunod na sa huli niya
natanto,t, naalman ang tahanang sadyá.