Jump to content

Page:Buhay-na-pinagdaanan-ni-P.-Burgos-Mariano-Gomez-Jacinto-Zamora-at-ng-Capitan-Patricio-na-ama-ni-Adela compressed.pdf/32

From Wikisource
This page has been validated.


- 31 -


  Ito po teniente at wala ng iba
ang pinangalingan pagtatalo nila
tugon o causap sucat na Adela
aco ang bahala naman sa canila.

  Cung sa bagay aco,i, dugo rin castila
ang lahat ng iyo,i, di co guinagaua
lalo na,t, sa,i, ang nagpapacababa
di guinagamitan ng uicang gahasa.

  Cay cahalayhalay gaua,i, nababantog
nitong mga fraileng masasamang loob
cahit magpasasa sa carne ma,t, iclog
hindi rin maalis ang ugaling hayop.

  Acoy uurong na cayo,i, malilisan
bilin co sainyo,i, pagcatatandaan
Adela ang puri caingat-ingatan
at ng malathala matanyag sa bayan.

  Matapos ang bilin iniwan na sila
ang pinto ng cuartel ang siyang pinunta
na siyang pagdating naman nitong Cura
sa bunying teniente sinalubong siya.

  Saca quinamayan ang Curang dumating
ng bunying teniente at saca nagturing
anong hinahangad anang Cura,i, dinguin
na sa Facturia doon aco galing.

  Na bagay sa hocom sa nangyaring usap
namin ni Patricio aco ang natanyag
siya,i, di guiguitao lulubog sa hirap
saca sa distierro dadalhin na bucas.

  Tugon ng teniente baquit caya baga
lumabas na hatol bigat ng parusa
mabuti nga iyon ng di mamihasa
na lapastanganin caming manga Cura.

  Yaon baga lamang uica ng teniente
marangal na Cura ang ipinarini
hindi,t, may isa pa na ipagsasabit
sa saganang dangal na cung mangyayari.

  Ang cadahilanan bagay cay Adela
ipinarito co at uala ng iba.
na cung mangyayari iyong ipadala
sa aquing convento aantayin co siaya.