Jump to content

Page:Buhay-na-pinagdaanan-ni-P.-Burgos-Mariano-Gomez-Jacinto-Zamora-at-ng-Capitan-Patricio-na-ama-ni-Adela compressed.pdf/28

From Wikisource
This page has been validated.


- 27 -


  Na ang cabagayan dahil din sa inyo
na naguing panaohin sa pista,i, dumalo,
na cung caya siya,i, di ipinasuodo co
na baca gumamit siya ng abuso.

  Tingni cung ito,i, muy isip na uasto
napurito dito,i, ualang sumusundo,
at talastas nila muling inianiyo
pagcaing marapat siya,i, pinaupo.

  Uala namang siyang dapat na uicain
sa naguing handa co na pauang magaling.
may lichon at hamon capon at inahin
ang lahat na iyon munti ng ubusin.

  Ng magpasasa na ang fraileng marilag
Sa manga pagcain bituca,i, naunat,
nagtindig sa upo at iniyong talastas
aco,i, sinarili se paquiquiusap.

Ang cadahilanan cay Adelang mutia
may pag-ibig pala siyang inadhica,
aco ang pinita bilang mamahala
na bagay sa sintang nasoc sa acala.

  Panong hindo mo caya mapapatay
na ang fraileng ito sa nasang mahalay
aco pa ang siya na gagauing tulay
na sa cay Adelang carugtong ng buhay.

  Tugon ni Maxino, capitan Patricio
nasasapanganib ang camahalan mo
at ng malictasan ang mga simbuyo
ngayon din ay dito magsialis tayo.

  Mangyayari yaong cay Patricion uica
pano si Macaria ni Adelang mutia
sumagot si Pedro ay lalong masama
na cung dito tayo datnan ng sačuna

  Sapagca,t, ang fraile talastas natin
ang uica ni Luis gaua,i, puro lihim,
na sa macatalo na sino ma,t, alin
pamatay na ganti pauang pailalim.

  Caya,t, hindi dapat na maqui pagtalo
sa alin mang fraile uica ni Maximo,
lalo na,t, ang usap ay na sa juzgado
cung calaban sila uala cang panalo.