Jump to content

Page:Buhay-na-pinagdaanan-ni-P.-Burgos-Mariano-Gomez-Jacinto-Zamora-at-ng-Capitan-Patricio-na-ama-ni-Adela compressed.pdf/20

From Wikisource
This page has been validated.


- 19 -
  Con mapangayaya ang puring inimpoc
cacalat sa bayan baho,i, mananabog
ano pa,t, ang balang damit na isuot
di mababagayan at maguiguing capos.

  Dahilan sa duming nag si panambulat
ang nacacapangit sa quinis ng balat
cauangqui ng isang lagas na bulaclac
na luoy sa init culay ay cumupas.

  Na cun magen gayon maguiguing capusna
sa caugalian na naguing halaga
balang maquitongo pa tauad pa,i, mura
dahilan sa ayos bulaclac nalanta.

  At aco,i, ualang dapat na sabihin
na sa binibining may poring inangquin
Sa maguiguing bacod pagca titibayin
ng di macapasoc ang culoobang tacsil.

  Caya,t, ang bilin co na sa naquiquinig
na mga dalaga na aquing caparis
puri pag ingatan ng di magca dungis
ng mataniyag dito mag pahangang langit.

  Canta ng matapos nang sabay-sabay
ang hiyao ng madla na sali-salimbay
vivang ualang pugnat vivang walang humpay
viva si Adela hangang nabubuhay.

  Lugod ni Maximo ay walang capara
na sa cay Adelang binitiuang canta
si Pedro,i, gayon din ang isinasaya
Sa tining ng voces mahusay leletra.

  Tua ni Macario ualang macauangis
at gayon din naman ang catotong Luis
sa caligayahan ibang naquiquinig
sa quina uupoan parang quiniquilig.

  Casayahan iyong na paui ring agad
pagca,t, si Patricio ang siyang nangusap
mga catulong co.i, inyong italatag
cacanin ng taus na naguiguing dapat.

  Ang tanang catulong na may sumunod din
na ilinalatag ang tanang cacanin
at ng maayos na,i, pagdaca,i, nag turing
itong si Patricio sa tauang panonin.