Jump to content

Page:Buhay-na-pinagdaanan-ni-P.-Burgos-Mariano-Gomez-Jacinto-Zamora-at-ng-Capitan-Patricio-na-ama-ni-Adela compressed.pdf/18

From Wikisource
This page has been validated.


- 17 -
  Alila,i, umalis si Patricio naman
na ang quinausap an asauang mahal
esposa ang cura ay di na nahambal
na sa ayos nating mga calagayan.

  Maguiguing totoo tunay ang balita
sa tauong sabihin di nagca-cabula
tungcol mga fraile bihirang-bihira
ang mapipili mo na may mga hiya.

  Di mumunting pilac ang na ibibigay co
sa Cura at bucod pa ang aquing cabayo
sa aquing hiniling ang halaga nito
aquing pagcabili isang daang piso.

  Tigni cong may munting mga cahihiyan
itong naguing Cura na sa ating bayan
pilac at cabayo di nalalaunan
ipina caloob co,i, hihiling na naman.

  Macaria cong gùilio papano na caya
itong lagay natin sundin mo ang nasa
sa pagcat ang fraile dugong alizaga
diuo maialis ang mag-asal linta.

  Salita,i, natiguil sa pagcat nanaog
itong si Adela na ina,i, dumulog
nahan po an aquing mga isosoot
handa na po caya oo bunsong irog.

  Manhic ca ng bahay doo,i, maquiquita
na sasa ibabao ng ating lamesa
hayo cana bunso Patricio,i, na ito na
ating salubungin ang tanang bisita.

  Itong mag-asaua malaqui ang galac
sa mga punohin sa bahay nanaquiat
ang balang pumanhic quinamayan lahat
ina bayan nila na hangang sa salas.

  Nagsi-upong lahat sa piling luclucan
iyon nagsidalong piling mga mahal
ng na aayos na tumugtog pagcuan
niyang abenerang sonatang mainam.

  Si Adela naman ay nagpaca ayos
maringal na cayo damit na isinoot
na siya na lamang na pina nonood
nitong si Maximo na sintang inirog.