Jump to content

Page:Buhay-na-pinagdaanan-ni-P.-Burgos-Mariano-Gomez-Jacinto-Zamora-at-ng-Capitan-Patricio-na-ama-ni-Adela compressed.pdf/16

From Wikisource
This page has been validated.


- 15 -


  Sa ualang magaua ang dunong ng fraile
na sa nacalaban nga Estudiante
cayá nga sa gayong bagay na nangyari
quinausap niya caniya ring sarili.

  Ualang magagaua sa isang nag-aral
cung di ang nagturo ang may casalanan
iyong mga lector na di binayán
ang catagalugan na sa pagca hangal.

  Hindi naman dapat sisihin ang gayon
dahilan sa isip nang nagsisisibal
tunay ang sinabi nang haring Salomon
pastoral ay daig turo nang marunong.

  Ang gayon ay hindi na di mangyayari
na pag mamalac-hán caming mga fraile
cung pag pipilitan ang punlang inani
sa maguiguing bunga pauang pagsisisi.

  Na di magagaua ang anomang tigas
ang alin mang fraile nacababalancas
di macacalayo di macalilitás
na sa pagauing cong magaling na bitag.

  Ang guinaua nilang calapastanganan
sa aquin ay pilit nilang babayaran
tanong ninanasa ay magagampanan
macaraan lamang ang pista ng bayan.

  Aco,, lalacad na maglilibot-libot
upang mapayapa sama nitong loob
na paca asahan pista ay cung matapos
ang binabanta co pilit masusunod.

  Fraileng sinalità aquing lilisanin
ang sasalitin co ang binatang anim
uica ni Maximo mga guiniguilio
itong ninanasa inyong uliniguin.

  Francisco Juan na catotong irog
cami ay gayac na ano ang inyong sagot
tugon ng dalaua na ang aming loob
sa sayang hinangat hindi na susunod.

  Caya paalam na mga catoto
cumusta na lamang sa dadatnan ninyo
Dios ang sumama tugon ni Maximo
may arao din muling mag quiquita tayo.