Jump to content

Page:Buhay-na-pinagdaanan-ni-P.-Burgos-Mariano-Gomez-Jacinto-Zamora-at-ng-Capitan-Patricio-na-ama-ni-Adela compressed.pdf/10

From Wikisource
This page has been validated.


- 9 -


  Nasahapong ito ang ibig co sama
tayo ba ang anim ma laro ng sipa
ang sagot ni Pedro aco ay talima
sa ninanais catoto con sinta.

  Aco ay gayonuin uica ni Macario
ani Luis may sumusunod aco
lihis an acla tugon ni Francisco
sugamot si Juan Maximo dinguin mo.

  Caarauan ito dapat ipag saya
natin tagarito na magcacasama
ualang malay cayo ngayon ay pinista
ang bunying dalagang butihing Adela.

  Maxino di lihin ito y novia mo
catampaten naman sila,i, mag sidalo
ani Pedro naman o mga catoto
sa ibinalita anong sagot ninyo.

  Ang tugon Luis tayo,i, mangagdala
ng Bajo at saca banduria,t, iguala
uica ni Macurio aco ay quiquita
na maçacama mabuting cantora.

  Si Francisco naman ang siang nangusap
aco,i, hug nilang isama sa lacad
baquit caya gayon ang tugon ng apat
sumagot si Juan cami mahihirap.

  Uica ni Maximo di cayo maghihis
sumama sa amin sa canta,i, maquinig
ang tugon ni Juan hindi macacapit
at cami quilalang mga tagabuquid.

  Ani Luis tunay Maximo,i, matapat
hingi ng dalawang mga hinahangat
talastas na natin itong ualang pilac
yaguit na mistula ang nacacatulad.

  Ihahalayhay co pagsusundin-sundin
ang ayos ng taong may caloobang naling
masalubong mo man sila,i, cung batiin
muc-ha,i, itutungo parang di ca pansin

  Ang isang mahirap sa lahat ay capós
lalo,t, na sa handa bihirang mabusog
marami mang ulam alangan dumampot
ang ina-asahan lamang ang magdulot.