Jump to content

Page:Ang "Filibusterismo" - (karugtong ng Noli me tangere) (IA angfilibusterism00riza).pdf/357

From Wikisource
This page has been validated.


—851—


máng pagkakagulat ang nagpapakumpisál at bíbihirang pinatlangán ang may sakit. Gabí na nang si P. Florentino, ay tumindig na pinapahid ang pawis sa mukha at nag-isip. Mahiwagang kadilimán ang naghahari sa loob ng silid, na pinúpuno ng sinag ng buwán, na pumapasok sa mga durungawan, ng liwanag na malamlám at panganganinag nawari'y singáw.

Sa gitna ng katahimikan, ang tingig ng pari ay nádingig na malungkót, banayad, nguni't mahimok:

—Patatawarin kayó ng Dios, ginoong.... Simoun,—ang sabi: —batid Niyang tayo'y anák sa pagkakamali, nakita. Niya ang inyong tiniís, at sa pagpapahintulot na mátagpuán ninyó ang kaparusahan ng inyong mga sala sa pagtatamó ng kamatayan sa kamay din ng mga iniabóy ninyó, ay nakikita natin ang Kaniyang walang hanggang awà! Siya ang sumiràng isá-isá sa inyong mga paraan, ang lalong mabubuti ang pagkakabalak, ang una sa pagkamatay ni María Clara, makaraan yaón ay dahil sa isang pagkakálingát, at pagkatapos ay sa isang paraang lubhang mahiwagà.... isundín natin ang kaniyang kalooban at pasalamatan natin Siya!

—Sa ganang inyó, ang mahinàng sagót ng maysakit,—ang kalooban niya ay, na, ang mga pulông ito'y...

—Magpatuloy sa kalagayang kinasasadlakán? —ang dugtóng ng klérigo nang makitang ang isa'y huminto. —Hindi ko maalaman, ginoo; hindi ko mataho ang inaakalà noong Hindi malirip! Batid kong hindi pinabayàan sa mga mahihigpit na sandali ang mga bayang nananangan sa Kaniya at Siya ang ginawang hukom ng kanilang pagkasil; alám ko na ang Kaniyang bisig ay hindi nawalâ kailan man kapag niyuyurakan na ang katwiran at ubós na ang lahat ng paraan, ay humawak na ng sandata ang sinisiíl at nakipaglaban nang dahil sa kaniyang tahanan, dahil sa kaniyang asawa, dahil sa kaniyang mga anák, dahil sa kaniyang mga di maitatakwil na karapatán, na, gaya ng sabi ng makatàng alemán, ay kumíkinang ng walang pagkaagnás at matibay doon sa kaitaasan ng mga walang pagkapawing mga bituin! Hindi, ang Dios na siyang katwiran, ay hindi mangyayaring magpabayà sa kaniyang layon, ang layong kalayaan na kung walâ ay wala namang katwiran!

–¿Kung gayon ay bakit ipinagkaft sa akin ang ka-