papel, na bahagyang kinatatalâán ng ilang talatàng madalian ang pagkakatitik, na may ilang lamas at di lubhang ayos ang pagkakasulat, mga bagay na hindi nakahadláng upang sila'y pakaingatan ng binatang nangingibig na higit pa kay sa sila'y nagíng sulat ni Safo ó ng musa Polimnia.
Ang pagtalagang itó na pawiin ang pag-ibig sa ngalan ng karangalan, ang hangád na magtifs makatupád lamang sa katungkulan, ay hindi nakapigil na sumalakay kay Isagani ang isang matinding kalungkutan at makapagpaalaala sa kaniya noong magagandang umaga at mga gabfng lalò pa mandíng magagandá, na siláng dalawa'y nagbubulungan ng matatamís na kahanğalá n sa mga pag-itan ng saláng bakal ng entresuelo, mga kahangalang sa ga nang binatà, ay may kahulugan at katuturán na waríng sila ang mga tanging salita na dapat pakinggan ng lalong mataásna pang-unawà ng tao. Iniisip ni Isagani ang mga paglalakarán, ang mga gabing may buwán, ang peria, ang mga madaling araw ng Disyembre matapos ang misa de gallo, ang agua bendita na karaniwang kaniyang iniáabót at pinasasalamatan namán ng binibini sa pamagitan ng isáng tinging puno ng isang boông pagsintá, at kapuwa sila nanğíngilabot pagtatamà ng kanilang mga daliri. Matutunóg na buntónghiningá na waring maliliit na kuwitis ang pumupulas sa kaniyáng dibdib at sumásalagimsim sa kaniyá ang lahát ng banggit ng mga makatà't manunulat na ukol sa pagka-Balawahan ng babai. Sa loob niyáng sarili'y isinusumpa ang pagkakatayo ng mga dulàan, ng operetang pransés, ipinangangakong gagantihan niya si Pelaez sa lalong madaling panuhón. Lahát ng nasa paligid ay waring malungkot at maiitím ang kulay sa ganáng kaniya ang dagatan ay ulila't nag-iisá, lalò pa mandíng wari'y nag-iisá dahil sa kadalangan ng mga daóng na nakahinto roon; ang araw ay lulubog sa likuran ng Mariveles nang walang anománg kagandahan at karik tán, wala ang mga ulap na sarisari ang ayos at mayaman sa kulay ng mga hapong magagandá; ang monumento ni Anda, na walang kaayos ayos, marálitâ't bagól, na walang anyo, walang kalakhán: wari'y isang sorbetes ó mabuti na ang maging isáng pastel; ang mga ginoong nangagliliwaliw sa Malecón, kahit na may mga anyông nasisiyahang loob at masasayá, ay waring masusungit, mapagmataás at mga