— 112 —
tutol. ¿Alám mo bá? Si Makaraig at ilán pang kasama
ay humihinḡing magbukás nḡ isáng akademia nḡ wikàng
kastilà, bagay na isáng malaking kaululán......
-¡Siyá, siyá! kasama, mamayâ na sapagkâ't nanḡagsisimulâ na ang sabi ni Plácído na nagpupumiglás.
--Nguni't, hindi namán bumabasa nḡ talàan ang inyong propesor!
––Oo, kung minsan ay bumabasa. ¡Mamayâ na! mamayâ na! At saka.... ayokong sumalunḡát kay Makaraig.
––Nguni't hindi namán pagsalunḡát, lamang ay.......
Hindi na siyá nádinğíg ni Plácido, malayò na't nagtutumulin sa pagtunḡo sa klase. Nakádinḡíg nḡ iba't ibang ¡ad sum! ¡ad sum! ¡putris, binabasa ang talàan!.... nagmadali at dumating sa pinto nḡ nasa letrang Q pa namán.
-Tinamàan nḡ.... ―ang bulóng na nápakagat labi.
Nag-alinlanḡan kung dapat ó hindi dapat pumasok; ang guhit ay nakalagáy na at hindi na maaalís. Kayâ lamang dumádaló sa klase ay hindi upang mag-aral kundi upang huwag lamang magkaróon nḡ guhit; walang ginagawâ sa klase kundi pagsasabi nḡ lisyong sinaulo, basahin ang aklát at malaki na ang manḡisanḡisáng tanóng na malabò, malalim, nakalilitó, wari'y bugtóng; tunay nḡa na di nawawalâ ang munting pag aaral ―ang dati rin––na ukol sa kapakumba bàan, sa pagka-maalinsunod, sa paggalang sa mḡa parì, at siyá, si Plácido, ay mapakumbabâ, masunurin at magalang. Aalís na sana nḡuni't naaalaalang nálalapit ang paglilitis at hindi pá siyá nátatanóng nḡ propesor at warìng hindi siyá napupuná; mabuting pagkakataón iyón upang siya'y mápuná at makilala. Ang mákilala ay katimbáng nḡ pagkaraán ng isáng taón, sa dahiláng kung walâng anomán ang magbigáy nḡ suspenso sa isang hindi kilala, ay kailanḡang magkaróon nḡ pusòng matigás upang huwag mabaklá sa pagkakita sa isáng binatà na isinisisi sa araw-araw ang pagkaaksayá ng isáng taon niyang buhay.
Pumasok nḡa si Plácido na hindi patiyád na gaya nḡ dating ugalì kundi pinatunóg pá ang kaniyáng mḡa takón nḡ sapatos. At labis na tinamó ang ninanasà! Tiningnán siyá ng katedrátiko, ikinunót ang noo at iginaláw ang ulo na waring ang ibig sabihin, ay:
––Walâng galang, magbabayad ka rin sa akin!