— 110 —
mapanata; dadalaw sa Birhen del Rosario sa kaniyáng pini
ling arawːang mḡa matá ng nanonood ay handâng lahát
upang tanawín ang anyô at lakŁí nḡ paa nḡ mḡa binibini
sa pag-ibís sa sasakyánː minsán ay isáng nag-aaral na lumálabás sa pintúan na tagláy pá sa mukhâ ang pagkakapanalanḡinː dumaan sa simbahan upang idalanḡin sa Birhen
na mangyaring maliwanagan niyá ang lisyón, upang tingnán
kung nároroón ang kaniyang nilalanḡit, makipagsulyapan at
tumunḡo sa páaralán na tagláy sa alaala ang mḡa matáng
magiliw na iyon.
Nḡuni't námatyág sa mga pulutóng ang galawan, isáng waríng pagaantabáy, at si Isagani ay nápatigil at namutlâ. Isáng sasakyán ang humintō sa pintùan: ang magkaparis na kabayong puti ay kilaláng-kilalá. Yaon ang sasakyan ni Paulita Gómez na nakalundág na agád sa lupà, na mabilis na wari'y ibon, na hindi binigyáng panahóng mákita ng mḡa nanónoód ang kaniyáng paa. Sa isáng mainam na kilos at isáng haplós ng kamay ay naayos ang mḡa tupi nḡ kaniyáng saya, at sa isáng matuling sulyáp na wari'y hindi kinukusà ay nakita si Isagani, bumati't nğumiti. Bumabâ namán si aling Victorina, tuminḡín nḡ paimbabáw sa kanyang salamin, nákita si Juanito Pelaez, nḡumiti at binatì itó ng magiliw.
Si Isagani ay sumagót nḡ bating takót, na namumulá dahil sa lugód; si Juanito ay nagpakayukôyuko, nag-alis ng sombrero at ikinilos ang mukhâ na kagaya nḡ bantóg na kómiko at karikato Panza kung tumatangģap nḡ pagakpakan.
- Mecachis! ¡Kay gandáng dalaga!--ang bulalás nḡ isá, na humandâ sa pagyao-sabihin ninyó sa katedrátiko na akó'y malubhâ.
At si Tadeo, itó ang kaniyáng panḡalan, ay pumasok sa simbahan upang sundán ang dalaga.
Si Tadeo ay pumaparoon araw araw sa Unibersidad upang itanóng kung may pasok at tuwi na'y nagtataká kung bakit may pasok: mayroon siyáng hinalàng may isáng cuacha na panáy at walâng katapusán at ináantáy niyang dumatíng sa bawà't sandali. At bawà't umaga, matapos na hindi mangyari ang mungkahi niyang magliwalíw, ay áalís na nagdádahilang may malakíng kagipitan, ó gágawin, ó sakít, sa sandali pa namáng ang kaniyáng mḡa kasama ay papasok sa klase. Nḡuni't sa dî mabatíd na kaparaanan ay na-