Mayoboc petition (9 May 1681)
Ang wika namin, kami sina Don Luis Catindig, Don Bentura Cagio, Don Domingo de la Cruz, mga cabeza ng barangay, at kaming ibang maginoo: Don Sebastián Capindan, Don Diego Santiago, Don Jullán de la Cruz, Don Bentura Dimarasigan, Don Ignacio Alvarez, Don Mateo Disamala, sa ngalan at pahintulot ng lahat ng namamayan dini sa bagong bayan ni San Pablo Mayoboc, ginawa namin itong conocimiento de obligación na ibibigay namin sa convento na gagaling tuwing taon sa pagkain ng aming magiging Padre Guardián.
- Ang kauna-unahan, dalawang puong pesos na salaping tunay.
- Ang ikalawa, dalawang libong salop na palay.
- Ang ikatlo, isang dumalaga at isang sisiw, at anim na itlog ang maghapon.
- Ang ikapat, sa mga araw ng Adventus at mga Viernes at Sabado at vigilias ng buong taon, ang isda ay ang kasisiyahan ng aming Panginoon.
- At ang mga despachos ng aming Padre Guardián at pagdapit sa pagbibisita ng Padre Provincial at Padre Comissario ay hindi uupa sa mga tao. At ito'y obligación ng bayan.
Ito ang aming pinagkayariang buong bayan: na sukat ipilit ipaganap sa amin ng alinmang justicia ng Haring Panginoon natin na mapagsakdalan nitong aming conocimiento de obligación, datapwa't kung ikaawa ng Panginoong Dios at magkaestipendio na magkasisiya na na gagaling ng convento ay ikaawa naman sa amin ng Panginoon naming Padre Provincial na walin sa aming obligación ang dalawang puong pesos, sampon ng dalawang libong salop na palay.
Ang pagkatotoo nito ay aming finirmahan ng aming mga ngalan ng sulat tagalog sa harapan ni Don Domingo, puno teniente, may baras dini sa bagong bayan ni San Pablo Mayoboc, visita ng Gumaca, kahukuman ng Calilayan, ng ikasiyam na araw ng buwan ng Mayo ng labi sa libong anim na daan, walong puo at isang taon.
Don Diego Sandiago | ᜇᜓᜁᜈᜐᜒᜌᜓ ᜶ ᜀᜊᜇᜒ ᜶ |
ᜇᜓᜎᜓᜁᜃᜆᜒᜇᜒ ᜶ | ᜇᜓᜊᜒᜆᜓᜇᜃᜄᜌᜓ ᜶ |
ᜇᜓᜋᜆᜒᜌᜓ ᜶ ᜇᜒᜐᜋᜎ ᜶ | ᜇᜓᜊᜒᜆᜓᜇᜇᜒᜋᜇᜐᜒᜄ ᜶ |
ᜇᜓᜇᜓᜋᜒᜄᜓ ᜶ ᜇᜒᜎᜃᜓᜇᜓ ᜶ | Don Jullán dela Cruz |
ᜇᜓᜐᜒᜊᜆᜒᜌ ᜶ ᜉᜒᜇ ᜶ |
Transliteration
[edit]Don Diego Santiago | Don Ignacio Alvarez |
Don Luis Catindig | Don Bentura Cagio |
Don Mateo Disamala | Don Bentura Dimarasigan |
Don Domingo de la Cruz | Don Julián de la Cruz |
Don Sebastián Pindan |
This work was published before January 1, 1930, and is in the public domain worldwide because the author died at least 100 years ago. |