Daglian
Appearance
Kung sa iyong pag-iisá
O sa iyong pagbabasá
Ay may matutunghayan ka
Na tunay na sumisintá,
Yaón ay wala nang ibá
Kungdi akong nagbabatá.
Akin na ng̃ang naiulat
sa iyo, ang aking palad,
Ng̃uni’t ang aking panulat
Ay di makapagsisiwalat
Ng̃ layon ko at pang̃arap.
Kakambal ko kaya’y hirap?
Tinding: ikaw’y maniwala
Na ang aking puso’t diwa
Sa iyo’y sangla kong pawa;
Ang puso ko’y humahang̃a,
Ng̃uni’t umíd itong dila,
Ito kaya’y malikmata?
Ang may pagsintang malabis
Ay umid at nahahapis,
Ligaya na ng̃ang masilip
Yaong kanyang nilalang̃it,
¿Tubsin mo kaya sa sakit
Ang pagkasi kong malinis?
This work is first published in the Philippines and is now in the public domain because its copyright protection has expired by virtue of the Intellectual Property Code of the Philippines. The work meets one of the following criteria:
|