Banaag at Sikat/Paunawa
PAUNAWA
HINDI lihim sa kaibigan kong Lope K. Santos , na ako'y di lubhang sang - ayon sa nilalayon ó ináadhika ng BANAAG AT SIKAT . Mula pa nang mapuná ko ang pakikipagtalo ni Delfín at ni Felipe kay Don Ramón , sa " Batis ng Antipulo " ; ay akin nang nasabi sa iláng kamánunulat sa wikàng tagalog , na , sa ganang akin , ay totoong napaka- sulong ó totoong napakaaga ang " pamamanaag at pagsikat " ng nakákapa- sòng init ng " Araw ng Sosyalismo " dito sa mga bayang silanganan . Ang lahát ng ito ay pawàng talastás ng aking kaibigan .
Dátapwâ't ¡ isáng kataká - taká ! walâng nápilì , walâng nápitang hingán ng kaunting pagod , upang málagdâán ng Paunawa ang kanyang BANAAG AT SIKAT , máliban na sa akin . Dahil dito'y sumilíd sa gunam - gunam ko na wala ngâng makakapangahás sumulat ng BANAAG AT SIKAT kung di si G. Lope K. Santos . Karaniwang ugali ng mğa mánunulat ang pumili ng isáng bunyî at lantád na ginoó upang lagyan ang isang katha ng isá namang pau- nawang ipagkakapuri ng kumathâ Si G. Lope K. Santos ay lumihis sa dati ó lumà nang tuntuning iyán , at siya'y lumihís , marahil , sapagka't ang BANAAG AT SIKAT ay ibang ibá sa “ mga aral at sulit , mulâ pa sa utus ni Moisés " , kung dito rin lamang sa Sangkapulûáng Pilipinas . At dahil dito namin , nang malubús ang kabaguhan ng palakad , pinili niya't pinakiusapang magbigay paunawà , akóng maramut magkaloob ng walang wastông papuri .
Tútupdín ko ang pangakò , pangakòng matibay na isiwalat ang boông katotohanan , - -sa sarili kong pagmumuni - munì - na mápupuná sa BANAAG AT SIKAT.
Nápansin ko agad ang pangalan ng kathâ . Pagkábasa ko na ng una pang lathalà ó labás sa páhayagáng Muling Pagsilang , ay naalaala ko ang maraming banság na kathâ namán sa Europa , katulad ng Aurora Social , Aurora Roja , Trabajo atb . , sa makatwíd , ay ipinalagay kong may inihahayag na ritong " salitang - kathâ ” ó novela , na bagong - bago ó di pa kilalang gawin sa kapilipinuhan : ¡ Novela Socialista !
Dî ako nagkamali . Ang BANAAG AT SIKAT ay isang pagbubukáng liwayway ng " Araw ng Sosyalismo " , dito sa Pilipinas . Ang anománg aklát ay isang pagkain ng pag - iisip at damdamin , na iniháhandóg sa mangbabasa , at palibhasa'y bagong pagkain ang BANAAG AT SIKAT , akin munang pinag- malas - malas , sakâ tinikmán , tuloy nilasa at pinakirandamán sa aking sarili at sa ibang mangbabasa , kung nakakabusóg at dî namán nakakasirà . Ang kawikàán ko bagá'y dî ganóon ganoón lamang ang maghayág ó kumathâ ng isáng sálaysaying sosyalista . Kinákailanga'y bihasá at matalinong pilésopo , masurì at mawilihín sa Istorya , at lalò pa sa lahát ng bagay na itó , kailangang ang kumakatha'y maykabatiráng ukol sa pasulok - sulok ng buhay , pag- uugali at pangangailangan , una una , ng sangkatauhan , ikalawa't higit pa , ng bayang kináaaniban ng mánunulat . — ¿ Ang lahát na hiyás na ito ng pag- iisip , ay mapapanood kayâ natin sa BANAAG AT SIKAT ? Kayó , mga mang- babasa , ang bahalàng magmasid at magkurð - kurò . Walâ akong ipahahayag kung di ang sarili kong palagáy , palagay na imbí sapagka't bunga ng kaunti kong kaya .
Mahusay at maliwanag ang pagkakalathala ng mga buhay - buhay at sálitâín sa bawà't bahagi ng kathâ ; dalisay ang mga pangungusap ; maayus ang pagkakapanig ng mga tugmâng ukol sa mga personahe . Bawa't bahagi ay nasáзabugan ng masasamyông bulaklák , ng maaayus na pananalitâ , at nahihiyasán ng mahahalagang pagkukurò at pagninilay - nilay . Sa akala ko , ito'y isang halimbawàng ipinakita ng kumathâ , at dapat tularan . Ang BANAAG AT SIKAT ay hindi masásabing isang pagkakátagnî - tagnî lamang ng sari - saring sálaysayin ; hindî ngâ , ang bawâ't bahagi niyá ay isáng pamukaw ng damdamin at paliwanag sa isip , kayâ ngâ't dî nag- kásiya ang kumathâ na pawilihin lamang ang mga mangbabasa sa mari- rikít na pananalitâ , 6 sa pagsasalaysay ng mga maligayang udyók ó handóg ng buhay , kundi naman iniháhanay ang mga mahalagang súliraníng dapat litisin at bigyang pasiyá upang maging palátuntunang dapat sundín sa ikapagtátamó ng lalòng maginhawa , kung di man ng maligayang pamu- muhay .
Isang bagay , sa akala ko , ang nakalingatán ng kumathâ . Wari'y sa pagkawili niya ng labis sa mga bago at maririkít na damít at hiyás niná Delfín , Felipe at Meni , ay dî pinakabuti ang pagbanháy sa kaní - kaniláng pagkatao at katáyûan . Nakákaligayang malasin ang karangalan ng ugali at kadakilaan ng mga damdami't pangangatwiran ni Delfín at ni Felipe , dátapwâ't dî ipinaliwanag na mabuti sa atin ang kanilang inugalì pagkabatà na't magkaroon ng pag - iisip , hindî ibinalità sa atin ang katutubong hingíl ng kanilang mga nasà , ang kanilang pinag - aralan at ang mga iba't ibang pagkakasigá - sigalót ng buhay ng isang tao upáng mápanibulus at matutong gumawî ng di karaniwang mámalas sa mğa kinákasama . Dahil dito'y pag- katapus purihin ko , sa aking loób man lamang , ang pagmamatwíd ni Delfín kay Don Ramón at kay abogado Madlâng - layon , ay dî ko maabút isipin kung anóng kababalaghán ang nangyari , at ang isang dukhâ - bagama't periodista at nag - aaral ng Derecho - at bagong - taong nakakáibig sa isáng bathalà na ng dilág ( si Meni ) , ay makapangahás magsalitâ sa isáng kagalang- galang na ginoó , mayamang amá ng kasi at sintá , ng balá - balaking matata- pang at matutulis na pangangatwiran , katulad bagá ng sabihing :
" -Hindî pô akó - anyá - ang una - una lamang nakapagsabi ng ganyán , " kundi ang pantás na si Goethe , nang isulat niya ang sagutan ng isáng " maestro at isang alumno , tungkol sa boông pinagmulán at kasaysayan ng " yaman ó pag - aarì .
" Itinanóng , daw , ng nagtúturd : - ' Turan mo , ¿ saán galing ang kaya- " manan ng iyong amá ? —Sa amá pô ng aking amá ' , itinugón daw ng nag- “ áaral .— ‘ At ang sa amá ng iyóng amá ? —Sa amá ng amá ng aking amá.— " At ang sa amá ng amá ng iyóng amá ? -Ninákaw pô …… .. '
Ganoon din namán , si Felipe ay námulat sa kaginhawahan at kabun- yiáng handog ng kayamanan ; ngunì't nahigitán pa niyá si Delfín sa paglalat- halà ng nilalayon ng Sosyalismo ; si Felipe , na anák ng mayaman , ay siyáng mahigpit na kaaway ng kayamanan .
Nároón na rin akó sa katwiran na ang nobela ay nagsásalasáy ng isáng kabuhayan na dî man nangyari ó nangyayari , ay dî namán maliwag mangyari ; nğunì't katungkulan ng nobelista ang kathâín yaóng mğa pagka- kátaón na nagiging sanhîng malakí ng ikapangyayari ng kinákathâng buhay .
Bagama't , kung sa tayô ng araw , ang buhay ko'y untî - untî nang lúlubóg at lilisanin ang masayáng hálamanán ng pakikipagsintahan , ang pusò ko , wari ay napúpukaw ng mapanintáng mga sálitâan ni Meni at ni Delfín , noóng gabing palarin siláng tulungan sa gloryeta ng DILIM , upang magkábuhól ang kanilang kapalaran na dî namalas ng balawís na paningin ni Don Ramón . Nguni't labis sa galák ng aking pusò ang pagsurì ng aking mapansining baít ; kayâ't dî malirip kung anong dahilá't si Meni , na may hiyás ng kagandahan , kayamanan , katalinuhan , karanĝalan ; si Meni , na sukat mákita sa kasing - urì ang pagka - Adonis ó pagka - Narciso ng isáng periodistang pilipino , lakí sa hirap , ay ... mátutong maging Julieta ng isáng Romeong nagkatawang - tao at pinanganláng Delfín ... Oo na nga't ang pagsintá'y bulág , nguni't kai- langang ipakita ang pagkabulag at ipatantô ang ikinabulag ni Meni . Bukód sa rito , kung si Delfín ay likas na sosyalista , bago niyá mákilala , bago pag- nasaang pintuhùin ang isang Meni ay háhanapin na muna ang kapalaran sa kinálalagyan ng isáng Tentay , na kasi at sintá ni Felipe .
Ang ibig kong sabihin , ay malabò ang pagkakápintá sa mga personaheng Delfín at Felipe , at dapat magkáganitó , sapagka't ito'y dalawang tipong hindi pa natin nákikilala sa Pilipinas . Saksíng pagkatotoo ng palagay kong itó , ang mahusay at ganáp na pagkáyarì sa mga personaheng Don Ramón , Madlâng - layon , Don Filemon at Ñora Loleng , sapagka't ang mga tipong ito'y talagang mga buháy sa kapisanang pilipino , na , sa aking pagkápuná , ay totoong pinagmasdán at inusig ng kumathâ ng BANAAG At Sikat .
Sinabi ko na . Ang ipinagkaganitó ni G. Lope K. Santos ay sa pagka- hilig ng kanyáng loób sa mga bagong munakalà . Bukód sa rito , dapat nating isipin na ang BANAAG AT SIKAT ay isáng ( tendencia ) nilálayon , munì- muni ó panagimpán ng isang anák - bayang uhaw sa kalayàan at katwiran , na bábahagyang ganapin sa mğa sinupil ng yaman at puhunan .
Hangang dito ang masasabi ko sa biglâng pagmamalas sa bagong bunga na inihahandog ng kumathâ : marikít , mabanĝó at wari'y ikabúbusóg .
Maaaring ikabusóg , maáarì namáng ikamatay . Palibhasa'y di pa bihasa ang ating bayan sa Sosyalismo , kailangang huwág bíbiglâín ang pagkain ng lamán ng BANAAG AT SIKAT . At dapat kilanlín , limihin at pag-aralang kanin , sapagka't katulad ng sabi ni Felipe'y : " saán man may mámu- “ muhunán at mangagawà , may maylupà at magsasaka , panginoón at alilà , ' mayaman at dukhâ , ang mga aral ng Sosyalismo ay kailangan ; sapagka't " diyán kailan man namúmugad ang pagkaapí ng mahihinà at pagpapasasà " ng filán sa dugô ng karamihan ....
Ang pinaka - ubod ng Banaag AT SIKAT ... ¡ ah ! totoong mapaklá , hindî wari bagay sa ating nğalá - ngalá . Sa dakong hulí ay sinasabi ni Felipe : " ¡ ah ! sapagka't sa tibay ay lakás lamang ang makapag - gúguhô . Sa kapang- " yarihan ay kamatayan lamang ang makasúsupi !. Kaya ang mga harì , " ang mga pangulo , ang mga punò ay sinusunod ng buô - buông bayan , ay " sapagka't mayhawak siláng lakás ng kapangyarihan : makapagpaparusa " sa sumusuway . Kayâ makunat baguhin ang masamang samahán ngayón " ng Sangbá - sangbayanán , ay dahil sa pagmamatigás ng mga pámunùán …… .. ' Sa aking sarili , ang mga aral at pangungusap na itó ni Felipe ay dapat ipahatid sa Rusia . Sukat na ang balità sa atin , subalì pa nğâ't ang sabáy at huling pasiyá ni Delfín at ni Felipe ay " iwan nati't palipasin ang Dilim ng Gabi " .......
Palipasin ang dilim ng gabi ! Ito ay isang malaking katotohanan at mahalagang katwiran . Sayang ang tayo'y maglakád , kung dahil sa kadiliman ng gabi , ay di natin mátutuhan ang landás . Tayo muna'y mag - isip - isip bago ikilos ang kamay at paá . Ang anománg malalaking bagay na nangyari ó ginawâ ng isang bayan ay nagbuhat muna sa isang pagmu- munakalà . Bago dumating ó magkatawang - tao si Hesukristo ay .... ginanap muna ang paglalathalà ng mga propeta . Bago natin mákamtán ang mga iláng biyaya ng kalayàan , ay pinukaw muna ang ating damdamin at binuksán ang ating pag - iisip ng mga mahalagang lathalà ni Rizal !
Sang - ayon ako sa palagay ni Delfín na " ang Sosyalismo .... ay isang " daán ó landás lamang na lalong maaliwalas at matwid , kaysa kasalukuyan “ nating nilálandás . ” Sakalì man na ang Sosyalismo ay matwid at maali- walas na landás , humimpíl muna tayo : kailangan muna ang maliwanag na ilaw ng ating pag - iisip at kailangan din naman ang sariling lakás , upang makatagal sa paglakad . Ang ilaw na lubhâng kailangan nati'y ang pagkilala sa tunay na katwilan . Ang pag - iisá , pagdadamayán , pagtitinginan at pag- iíbigan , ang siyáng tunay na lakás . Yamang malimit bangitín ng kumathâ si Juan Grave , mangyayari namáng ilagay sa bibig ng matimpîng loob ni Delfín , ang isang pananagót sa mapusók na si Felipe . Ganitó : " Siyá na ang kapangyarihan ng karunungan , siyá na rin naman ang dahás ng kalá- kasan . Ang taong marunong ay may kautangan sa kapisanan . Ang taong marunong ( ganoón din ang mayaman ) ay dî dapat humigit ng pangangaila- ngan , kaysa mahirap . " At dugtungán pa natin ng ganitong sabi : " Lahát ay maykatwirang humanap ng ikagíginhawa , lahat ay bahagi lamang ng kapisanan : ang malakás ay tumulong sa mahinà , ang marunong ay mag- : turò sa mangmáng , nang ang lahat ay tumamó ng kaginhawahan . Kapág ang karunungan at kayamana'y ipinagkaít ó ipinagmalakí ng íiláng mapa- palad , libo - libong mahirap ang manghihimagsik."
Mğa anák - bayan , mga mangagawà , basahin ninyo ang Banaag at Sikat at malasin kung tapát na sa inyóng loób ang bagong landás na kanyáng itinúturò sa inyó . Kung sakali at minámagalíng , hanapin ninyó at gamitin ang liwanag ng katwiran .
Mğa marurunong , mga mayayama't may - impók na pag - aarì , basahin din naman ninyo ang BANAAG AT SIKAT : dito ninyó mápapakingán ang kalunos - lunos na daíng ng mahihirap . Kung kayó ang dahil ng kanilang makamandag na damdamin , huwág ipagkaít , madaling igawad ang kauntîng unas na taglay ng labis - labis ninyong kaginhawahan .
Huwag katwiranin , nino pa man , na walâ pa sa panahón ang pananim ng BANAAG AT SIKAT . Sinásabi sa Florante na :
" Kung maliligò ka'y agad nang áagap nang di ka abutin ng tabsíng ng dagat . "
Noóng taong 1902 , nang binabalak pa lamang ang pagtatatag ng Kapi- sanan ng mga mangagawà , ako'y nápapamaáng at sinasabi ko rin na dî pa panahón ; nguni't nákikita na natin ang mga nangyayari . Náragdagán na ang upa as mĝa mangagawà , marunong na siláng magsitutol , malimit na ang aklasan , may kapisanan na silang maayus .
Ang mundo'y lumálakad, ang sabi ng isang pahám . Dahil dito'y dî mápapawaglit ang Pilipinas sa kilos at paglakad ng Sangkatauhan . Kailan ma't inilathalà ang mga pangaral , walâng sala at sísibúl ang mga damdamin . Ang mga manunulat ay di na nasisiyahan sa pagsasalaysay ng mğa palá- sintahan lamang . Ngayón , bawa't kathâ ay may nilalayon ó tinútungo na mahahalagang bagay . Lumipas na ang panahón ng Mil y una noches ; dî na lubhâng pansín siná Escrich , Dumas , atb . Ngayo'y kapanahunan niná Zola , Tolstoy , Baroja , Kropotkine , Grave , Marx , Reclus , Antich , Malato , Bakounine . .....
Namámanaag na ang Sosyalismo . Kung kailán itó lálaganap sa kapili- pinuhan , ay di pa natin masásabi , at dî namán itó sukat pagtalunan . Ang di natin maipagkákailâ ay totoong kumákapál ang bilang ng mga dukhâ , at saan ma'y itinátatág ang kanilang kapisanan ng mga mangagawà .
May nagsasabi - parte interesada - na ang BANAAG AT SIKAT ay parang isáng lasong inihalò sa pulót , upang marapating lasapín at lunukín ng mga anak - bayan . ¿ At sa anóng dahil ? -Anyá'y ikagúguló ng bayan , ikapáparam . ng kapayapaan . Ito'y maling akalà at pagpapalagay na walâng wastô , Dapat ipabatid sa mga mangagawà ang lahát ng bagay at pangaral na nasá- saklaw sa Sosyalismo . Ang masama'y papanatilihin ang mga taong - bayan sa kamangmangán , sapagka't kung magkáganitó , ay padádalá sa mğa tam- palasang udyok ng mga mapagpangáp na mánunubús . Ang mga taong- bayan , sa ganang sarili nilá , ay maibigín sa kapayapaan . Ibig nilang mabihis sa kahirapan ; nguni't hangáng makafilag , ay lumálayo sa sígalutan .
Sa madaling sabi : ang BANAAG AT SIKAT ay maáarìng huwarán ng mğa mánunulat ng nobelang tagalog , tungkol sa maayus at magaáng pagsasalay- sáy , ganoon din sa pagkakatníg ng punò at dulo ng salita . Ang mga bahaging " Sa batis ng Antipulo " at " Sa isáng Pásulatán " , ay mapagkukunang halimbawa ng mabuting pagsasalaysáy , bagama't maminsan - minsa'y may- mápupunang salitâng anaki'y lagdâng kastilà , katulad ng sinasabi sa bilang 65 , bahaging ika V , na ganitó : " Huwag kang matakot : higit kailán ma'y " ngayón máipakikita sa akin ang tunay mong pagdamay sa dináramdám " ko . " Marahil akó ang námamalî ; nguni't ang karaniwang bigkás natin ay ganitó : “ Ñgayón ko lamang mákikita ang iyong pagdamay at tunay na pagdaramdám . " Ganoón man , ang mga kabiglaáng ito'y maipalálagáy na dahon ng maririkít at mababangóng bulaklák .
Dapat ding tularan ang adhikâ ni G. Lope K. Santos na hiyasan ang bawa't bahagi ng mga pagkukurò at pagpapalagáy , upáng máwatasan ang tinútungo ng salita . Walâng pakikinabangin sa isáng sálaysaying walang ibinabalità kung dî ang mga nangyari : dapat bigyán ng kahulugán ang nangyari , ihanay ang katwiran kung bakit nangyayari at ipahalumatyág ang mangyayari . Kung payák na palásintahan lamang ang mapupuná ; kung wala nang gagawin kung di magsalaysay ng buhay na katuwâ - tuwâ , 6 dili kaya'y kágulat - gulat , ang katulad nati'y naghéhele lamang sa isáng sangól .
May palagay akó na sa ibáng OBRA ay ipakíkilala pa ni G. Lope K. Santos na siya'y mabuting retratista ng kanyang mga personahe . Tila mandín kailangang tularan niya ang ginagawa ng mga dakilang Maestro na gaya ni Zola : siyasatin at panooring mabuti ang buhay , bago isulat ang ibúbuhay .
Ang BANAAG AT SIKAT ay panganay na anák ng nobelista . Magandáng tindíg , at matalino . Kulang pa lamang ng pagkilala sa lakad ng panahon at tinútungo ng Sangkatauhan . At ang lalòng mabuti sana'y isilíd sa puso't pag - iisip ni Delfín at ni Felipe ang tunay na damdamin ng Ináng - Bayan : ang maging nasyong malayà't maykasarinlán .
Maynilà , Disyembre , 1906 .
Macario Adriatico