Jump to content

Banaag at Sikat/Kabanata 2

From Wikisource
Banaag at Sikat (1906)
by Lope K. Santos
Kabanata 2:Sino si Don Ramon?
353018Banaag at Sikat — Kabanata 2:Sino si Don Ramon?1906Lope K. Santos
II

Sino si Don Ramon?

Sa mga tungkól din lamang taál na taga - Maynilà ay bihirà na ang di nakákikilala sa mukhâng habâ , mahagwáy at putî , larawang mistulà ng isang kastilàng amá , ni Don Ramón Miranda , masalapî , mapáupaháng bahay at isá sa mga matutunóg na taga- Santa Cruz . Mahihirang na ang sulok ng Maynilàng dî pa nakaáamóy sa kanyang masangsáng , mausok at mahagunót na automobil . Ang karwahe niyáng " de goma , " hila kung minsan ng isang tambál na kabayong Batangan , kapwà bala- hibong malamatsíng , at kung minsa'y ng isang alasáng mula , ay kilala na ng lahát malayò pa , dahil sa balatay na pintáng malarugo sa likod at magkábilâng tagiliran ng kaha . Palad ang hapong hindî nagígirìan niyá ó niláng mag - aamá ang boông Luneta . Sugasóg na ring panay ang mga pasyalang Santanà , ang Pandakan , Santamesa , Gagalangin , lalò na ang Singalong at Pasay na dayuhín ng kanyang mga anák na dalaga sa pag- bilí ng mga bulaklak at pasangá ng maririkít na hálamanín sa bahay .

Sa mga dúlàan , sa mga patakbuhan ng kabayo , sa mğa pistahan ng bayan , sa mga pígingan ng " matataas na tao " si Don Ramón ay di mapagkuláng .

Sa mga pahayagan ang ngalan niya'y madalás din namáng mátanghál . Nahulugan , sa halimbawà , ng isáng botones na maybató , nawalán ng isang magandáng aso , pinagtananan ng isáng alilà , nagtangkilik ng palabás - dulàan sa kapakinabangán ng binibining si S ... , ng artistang si M ... ó ibá pa , nagpanalo ó natalunan ng isá ó dalawáng kabayo , sapagka't may tatló siyáng talagang pangpátakbuhan , nakásagasà ng isang matandâng babayi ang kanyáng sasakyán sa pagpapasyál , ... ang mga nang- yayaring itó , kundi kusang máibalità ng ilán niyang kaibigang mánunulat sa pahayagan , ay siyá na sa mga pásulatán ang ma- dalás ay nagsasadyâ at sukdáng iupa'y walang kailangan , má- lagdâ lamang ang nangyari , kasama ang kanyang pangalan .

Sa pulong - pulong ng mga kapisanan niyang kinaáaniban , magíng hingil sa pangangalakal , magíng hingíl sa pamamayan , at gaya sa samahán ng mga may - arì at sa iba pa , si Don Ramón ay isá riyán sa ating mga prohombreng ma - pido - la - palabra.

Hindî pa namán kátandâan : lilimangpû't limahín lamang . Buhat ng mamatay ang kanyang asawang si aling Tanasia , balità sa kabutihan ng ugalì , nguni't mag - aalahás , ay may mga tatló nang taón hanga ngayon ang nakaráraán . Hindî pa sukat malimot sa Maynilà ang pagkamatay nitó . Labing - dalawáng kabayo ng " Funeraria Paz " ang humila sa karo ng kanyáng bangkay . Nábalità pang sapagka't siya'y mag - aalahás , at sa pagpapakilala ni Don Ramón ng kanyáng lihim na pagmamahál sa asawa , si aling Tanasia ay pinabaunan , daw , ng dalawang singsíng na lantáy na gintô at yarì pa sa una at ng isang kuwintás na tamburéng gintô ring panáy , patí ng relikaryo . Kung ito'y totoó , hindi malayòng sa pagsungaw niyá sa pintô ng Langit ay maitátanóng ni tandâng Pedro , kun ang mga alahas niyang baon ay máipupustá sa kanyáng manók na sasabunĝin . Aywán namán kun ang ipinabaong ito'y nabalità rin ng mga tanod sa Libingan . Kung hindî , ay talagang sayang . Yaón man lamang sana'y nábahagi sa kanya ng mahihirap sa katakot - takot na tinubo sa alahas .

Isáng dalagang taga - San Miguel , ang mulâ nang mamatay si aling Tanasia ay nakipagmatalik nang kaibigan sa magkapatid na dalagang anak ni Don Ramón . Anáng mahahabàng dilà , ay sulsól na talaga ng iná ng tinurang dalaga ang maglalapít sa puti ng bulsá ng bagong kabábao , nagbabakásakaling siyá ang mátamaan ng hintuturò sa pinihit - pihit ng palad . Ang puti ng bulsá ng kinabibighanìan pang Don, ay mangabot - ngabot na sa buhok . Ito'y maiúupa na marahil sa mga apó upang mabu- nutan ng úban sa halagang sampû sangkuwarta . Dátapwâ't ang mğa ubang ito'y pilak din sa tingin ng mag - inang taga - San Miguel . Ang masamâ lamang , ay kung bakit pag nátaunán si ñora Loleng sa pagdalaw sa bahay ni Don Ramón , ay ipinandúdurâ siláng mag - iná ng tinurang Nora . Nagkakapansinan silá , at nagka- káparinigan . Bakit galit sa kanilá si ñora Loleng , ay ito'y may - asawa namán ? ... Sa minsang biyernes na nagkita sa pag- sisimbá sa Kiyapò , ay muntik nang gumawa ng basag - ulo ang tatló . Lumálabás ang asawa ni D. Filemón , si ñora Loleng na ngâ , ay sápapasok namán ang mag - inang taga - San Miguel . Sa pandudurâ ng Nora ay nasagiran ng kalaghalâ ang mangás ng dalaga . “ Anó ba namang babayi itó ?, " ang nasabing biglâ ng dalaga . " Bákit ? " anáng iná . " Pshé ! " at isang írap ang buông katúgunan ni ñora Loleng . Mapapalad at nagkáramihan ang taong nanasok , kaya't naputol sa gayon ang bantâ ng sunog . Paano ma'y nakapagsaksakan din ng matá at sa loob man lamang ang isa't isa'y nakapagsabing : " May araw ka rin ! " ó " Mahú- hulog ka rin sa kamay ko ... babayi ka ! " ...

Ibig mong kulilìin ang iyóng taynga ? Makipag - usap ka kay Don Ramon. Magkamali kang mábangít mo ang alinmán sa mga lalawigan ng Silangan , Tayabas , Kamarines , Batangan , Tangwáy , Kapampangan , Kailokohan , at siyá , may sálitâan na kayong para sa kalahating araw . -

–Másabi mo iyáng Batangan ( ang wíwikàin na sa iyó , sakaling Batangan ang nábangít sa kanyá ) , diyán ay hindî na dádala- wangpû ang kabayo kong nabíbilí , at halos lahát ay aking ipina- nalo sa karera . Nang panahón ni kápitáng Berto sa Lipá , ay ...

Sásaysayan ka na ng mulâ sa A hangáng Z ng kanyang nagíng buhay sa pagka - harì na ng mga mángangaliskis ng kabayo , at apò namán ng pagka - mánanaló saan mang " Hipódromo " sa Maynilà , nang panahón man ni Kastilà at ni Amerikano .

Mábangít mo kayâng nagkasunog sa Tundó ó sa Sampalok , at pag hindî iyóng narinig na sa Tundó'y may tatló siyáng bahay na páupahán , sa Sampalok ( aywán kun sa daáng Balik - balík ) ay dalawá , sa Binundók ay dalawá rin at sa Santa Cruz ay tatló pa ; anopa't sampûng lahat , na kumikita buwán - buwan ng may mga apat na libong piso . Siyá raw ay nagsisisi at dî pa dalawang mahahabàng bahay na may mga pusisión ang ná- ipatayô , nang huling pagkakapagawâ sa Tundó ; disin , anyá , kung magkasunog sa kapawiran ay sigurong sigurong sa mga pusisión mapipilit ang mga walâng máipagpagawâng nasunugan .

Magsalí - salita ka namán ng tungkol sa kasayahan ng mga buhay - binatà at buhay - dalaga , at ilálabás sa iyong ang mga bagong - tao ngayon ay malayòng - malayò na sa kapanahunan niya . Sa bawa't lalawigang narating ay nagíng amá siyá ng isá ó dalawá , na kung ngayón mangákikita , marahil dî na mapagkikilala ang marami , sapagka't iba'y mga binatà na't dalaga , iba'y may - asawa na't magugulang , búkod ang nangamatay .

Másasabi pa sa iyó ang mga katalasan ng kukó at hirap na pinuhunan niya nang , noóng binatà pa , pagkagaling sa Europa at nang mápatirá sa bayan ng M , sa Kapampangan , ay naging kaagawáng mahigpit ng Kura , sa pagpitás kay Conchitang anák na bugtong ng kasalukuyan doóng kápitán .

Máibubuhay na sa iyó sampû ng sa lahát ay matagál niyáng pakikipag - usapín sa ulo ng yaman sa isang bayan ng Batangan , dahil na dahil lamang sa isang pinagkáagawán niláng magaling na kabayo .

Matátalós mo rin na kayâ nákilala ng mga taga - Silangan , na kung salubungin siyá roó'y parang isáng apò na nang bayan , ay sapagka't may ginawa sa kanilang bagay na kailán má'y dapat kilalanin sa kanyang utang na loob . Ang nangyari , noóng 1899 , panahón pa ng pakikibaka sa mga amerikano , ay siyá ang nakápakiharap at nakasansalà sa mga tinurang kaaway , nang makapasok na roón at magtangkâng sunugin ang mga bahay , pintungan ng palay at sampû ng simbahan . Sa nangagtágùang babayi sa mga kayungíb - yungiban ng loob at labás ng bayan , gawa ng takot sa balitang pagka - tampalasan ng nangagsipasok , ay siya ang naging anghel na tagapamagitan , upang huwag nang paggagahisín ang kanilang pagkababayi . Siya rin ang nakipag- ibigang mabuti sa Koronel amerikano , upang pagpapawalán na ang mga lalaking dinakip sa bintáng na kawal ng Bayan .

May mga iba pang kahanga - hangang pagdaranas na sa iyo'y iúukilkíl na pakingán . Gaya ng kanyang pagkakapag- " Bachiller en artes " sa " San Juan de Letrán " nang taong 1872 , at ng pagkakapag - aral sa Espanya upang makapagpatuloy sa pagmemédiko , nguni't dî nakatapos sa pagkasira ng ulo niyá sa mga babaying doo'y parang nakúkurók kung maglápitan . Nakarating sa París , sa Berlín , at kaunti nang nakaabót hangang sa Roma , at nakapagsiyám pa sana sa simbahan ng Vaticano , kundî kinapós na lamang ng baon at ayaw nang padalhán ng salapi ng nangáriritong magulang . Sa gayo'y napilitan na siyáng muwî sa sariling lupà ; at bagamán kahi't sa anóng " carrera superior " ay hindi nakapagtamó ng kákalahatì man lamang " título , " na anopa't di nakatapos ng pagmemédikong ipinag- ibayong dagat , ay walâ na namáng ipagtátanóng pa kun tung- kól din lamang sa mga lagáy , ugali at kabuhayan ng boông Europa . " Boông Europa " na ang pamarali niyáng nákilala , bagamán walâng naabót kundi Espanya , Pransiya at Alemanya lamang , at ang Italya násilip ma'y hindi pa man .

Sabihin pa ba , isáng Madrid lamang na marating , ay dî may sukat nang maipaglakô sa mga kababayang walâng nári- riníg na malakás - lakás na batingaw sa boông búhay nilá , kundî ang dating kampanà sa San Pedro .

***

Málilimutan palá natin . Si Don Ramón Miranda ay isá sa matatabâng kasapì ó kasamá sa isang malaking pagawaan ng tabako sa Maynilà . Ang ngalan ng pagawàa'y El Progreso. May apat na pung libong piso ang kanyang naáanib na salapî . Mulâ nang mabangon ang pagawàang itó at hanga ngayón , ay wala pang ibang nagkakahalinhinan sa pamamahalà kundî siya at si Don Filemón Borja .

Si Don Filemón , ayon sa kaunting nálalaman sa kanyang pagkatao , ang sabi ay ipinaglihí ng iná sa isáng " mahabàng barò " na nag - kura sa Santa Cruz nang panahon ng kastilà . Na sa pagkatuwâ ng tinurang Among dahil sa kamukhâng - kamukhâ niyá , bago namatay , ay pinamanahan ang nasabing Filemón ng may dalawang libong piso at iláng lagáy na lupà sa sakóp din ng Santa Cruz . Nang pamana hang iyon ay magbíbinatâ na .

Upáng huwág matuluyang maubos , nang nangángalahatì na ang dalawang libo , ay nagkaisip ang mag - iná na ipagbukás ng isáng Agamá ó pásanlâan ang natitirá . Kinaawaán namán ng Diyós . Dádalawá pang taón ang Agamá , ay hindî na itó lamang ang nagpapanhík sa kanilá ng kuwarta , kundî mga ibá pang limpakan . Sa mga mag - iisdâ sa Dibisorya at sa mga mángi- ngisda sa Bankusáy ay nakapagpalabás ng mga salaping pátu- buán . Sa sikapat , sampiseta ó kahatì sa piso , kun totoong gipitan , ay lumakás ng lumakás ang kúhanan at lumakí namán ng lumaki ang puhunan . Nakapagbigay ng sa palaisdaan sa Malabón , ng sa palay sa ilang magsasaká sa Kalookan , hangang náuwî sa pásanlàan ng lupà at sa wakás ay nahulog na sa kani- láng kamay .

Ang Agamá ay napabayaan na .

Marahil may mga dalawangpûng taón na si Filemón nang sila'y makapagpagawa at makabili ng ilang bahay na hanga ngayo'y pina úupahan . Siyáng pag - aasawa kay ñora Loleng , taga - Troso , na ang sabihan namán ng makakatíng dilà ay naging kaisáng sukláy ng isáng magbabalát na insík , na nuwî at namatay na sa Sungsóng . Aywán kung katotohanan itó ; nguni't ang dî maikakaila , ay ang pagka - ayaw na ayaw sa kanyá ng iná ni Filemón , hangang ang ikinamatay na raw tulóy noóng 1885 ay samâ rin ng loob sa manugang .

Si Filemón ay di nag - aral na gaya ni Don Ramón ; nguni't nagtininti - mayor daw yatà sa Santa Cruz , at tila ang katungku- lang itó , at ang malaki nang kayamanan ay siyáng nagbigay sa kanya ng Don.

Si Don Filemón man ay matabâ ring kasapì sa El Progreso. May nagsasabing malakí pa ang kanyáng puhunang sapì sa kay Don Ramón , at may nagsasabi namang malaking di palák ang dito . Nguni't walang kailangang ang bagay pang ito'y matiyák . Ang di na maipagtátanóng ay ang pagka - Director gerente ni Don Ramón sa págawàan , at ang pagka - Administrador ni Don Filemón , nang mga araw na itong isinásaysay natin .

***

Sa gayong pagkakaharap - harapan sa loob ng kamalig , ang unang napag - usapa'y ang pagsisisi ni Don Filemón at dî nakapagdalá roón ng orkesta , kundi man iláng tao ng " Orkesta Rizal , " ay kahi't man lamang isang samahán ng mga Ban- durristang Troso ó Dulumbayan . Gaano na ang maiúupa at maipakákain . Sana'y nalubós ang kasayahan sa batis at sa boóng pagtirá sa Antipulo .

–Hindi mo ba máipasundô ang orkesta ng " Gran Compañía ? "–ani Don Ramón sa kaibigan .

–Abá , siyá ngâ : nákita ko mandín sina Marianito kagabí , at may narinig akong tugtugan sa kabilâng daán ng ating bahay . Hindi sásalang silá na ngâ .

–" Orkesta - Reyes " ngâ pô ang narito–ang sabád ng parmaseútiko Morales .–Paris - paris pa pô ang mga damít - tagalog nilá . Nguni't marahil ay hindi makapáparito ngayón , sapagka't nárinig ko kanginang umaga sa patio ang sáli - sálit âang pagka- tapos na pakatapos ng misa , ay may sayawan siláng áatupagin .

–Sayang !–ani Don Ramón–masaráp na lalò sana ang ating lechonada rito , kung may tugtugan !

Nang walang mangyari sa ganitong nais , ang sálitâa'y nagkásuót - suót kun saán - saán . Nápag - usapan na roon ang magandáng tátayô sa tablá si San Miguel , nápakatamís ang tinig ni Carpena , gayón din ang mga katuwâ - tuwâng kilos ni Alianza , ang kahalá - halakhák na si Molina , at lahát na halos ng artista ng " Gran Compañía . " Sina Korang Basilio , Titay Molina , Tagaroma , López , Ilagan , Carvajal , Ratia at iba pang bantóg na artista sa ibang samahán , ay nagkásaliw - saliw din namán sa bibig ng nangag - uusap na pawàng lalaki . Anopa't ang kapulungan ay naging mahigit pa marahil sa isang upahang Jurado ó Taga - hatol . Nang másambít na ang nagsisilabás , ay napag - usapan namán patí ang lalong magagaling na dulàng pina- lálabás sa Maynilà , gayón din ang ngalan ng mga mángangat- hâng Reyes , López , Mariano , Remigio , at kung síno - sino pa .

Ang magandang binibining si P ... sa Kiyapò ay bumilí ng isang palabas at napatátangkilik kay Don Ramón sa kanyáng kapakinabangán . Tinangihán nitó at ang dinahila'y ang nag- kátaóng sigalót sa pagawaan nang mga araw na yaón , na iláng daáng mangagawà ng tabako , babayi't lalaki , ay nagsi - aklás . Dito nápauwî ang salitaan.

–Ngayon pa ba akó makapag - padrino !–ani Don Ramón.–Ang mga tabakero at tabakera ko ay kasalukuyang nag - lolokó . May isang lingó nang nangag - welga .

–Anó pô namá't nangag - welga ? –ang mapusók na usisà ni Morales .

Si Don Filemón na ang sumambót ng sagót.

–Ano't nag - welga ? ... Itanóng mo kina Delfín at Felipe . Silá ang mga sukat makaalám kung mabubuti nang tao ngayón ang ating mga " obrero ; " sapagka't siláng dalawá , sa balità ko , ay kabilang sa mga nangangatawán at taga - tangól ng " Unión del Trabajo . "

Ang matá ng lahát na magkakaulóng ay nábuntón kay Delfín . Ito'y náuupô sa dalawang biyák na kawayang talî sa mğa haligi ng kamalig , pinaka - bangkô na sa gayong mga bukid . Si Felipe , isá pang nábangít ni Don Filemón , ay walâ roó't nali- ligò pa . Nang maramdaman ni Delfín na siyá ang napagti- tinginanan , ay lalong nabaklá ang loob sa pasundót na salitâ ng amá ni Isiang , kaya't nakapagsalitâ :

–Hindî pô akó ang sukat matanóng sa aklasang iyán sa págawaan ninyó ; sapagka't bagamán ako'y naáanib ngâ rin sa " Kapisanan ng Pag - gawâ sa Pilipinas , " nğunì'y ibá ang aming Balangay at ibá namán ang sa mga Tabakero .

–Aaah , hindi mo palá nálalaman !–ang patuyâng sambót ni Don Filemón .–Akala ko , kayâ totoóng mahahangas ang mğa tabakero namin , nang magsabing hindi silá makapápasok hangang hindi tinátaasán ang bayad sa kanilang bitola , ay sa- pagka't magaling na magaling na ang inyong Unión , punô na ng salapi ang inyong kaha , at kayóng lahat na násasapì , taba- kero at hindi , ay nag - aambag - ambagan , upang mapasukò kaming mğa mámumuhunán ...

Náramdaman ni Delfín ang iwà . Masakit na totoó . Hindî na ang mga tabakero ni siyá lamang ang iníiwàan , kundî ang buô nang Kapisanan . Kailangan nang tumupád sa katung- kulang pagtatangól . Nguni't ang dalawang matandang kausap ay kapwa kinaáalang - alanganan . Si Don Ramón ay amá ni Meni ... Si Meni ay kanyáng búhay ... Nang nag - úulik siyá , si Don Ramón na ang nagsaysay :

–Tignán na ang pagkawalâng kasaysayan ng inyong sinásabing Unión ! Tignán ninyo ang mga kabutihang náituturô niyán sa mga mangagawàng pilipino ! Mulâ nang makilala rito ang Unión Obrera ay dumalás na ng dumalás ang mga welga . Munting makagalít at dî silá pabayaan ng aming mga pinakamaestro na mag - aaksayá ó magnakaw ng mga kapa at sigaro, nangagsumbong - sumbóng na at nangaghingi - hinging palitán ang maestrong kinagagalitan . Kapag sumumpóng sa kaniláng ulo ang pataasán ang upa sa gayo't ganitong bitola , siya nang igígiít sa iyo , kahi't na alám nilang mahinà ang mga " pedido . " Kung hindi mo másunód ang kanilang mga " capricho , " walâ nang pangahas kundi ang welga . Sa amin nama'y anó kun sila'y mangag - welga ? Síno ang mawawalán ? Ang mga dating nánasok sa El Progreso ay may mga isáng libo't limang daán katao , babayi't lalaki , batà't matatandâ , sa lahat - lahát na gagawín ; may tatlóng daán lamang naman ang ayaw magsipasok na iyán , isáng daáng babayi at dalawáng daáng lalaki ; ¿ gasíno na siláng makikipagtígasan sa " casa ? " Kásakdalang magdamay - damay na siláng lahát , ¿ kamí bang mga " capitalista " ang magbabahág ng salawál ? kami ba ang magúgutom ? May salapî kamí : kákain hindi man gumawâ ni magpagawâ . Tubò lamang ng salapî , kahi't dî kumilos sa hihigán , ay búbuhay na sa amin habang panahón . Silá ?

–Sugál namán ang háharapín ; kung walâng máisugál , magnakaw ...

Itó ang mga isinambót pang salitâ ni Don Filemón , na nakapagpalatang pa sa paglalamíg - lamigan ng binatàng naá- alang - alang .

–Malakí nang totoo ang niwáwakwák niláng sugat sa akin !–ang nawikà sa sarili .–Ako'y hindi nilá dapat pagparingán ng ganitó ! —anyá pa .

At pagkakuwa'y iniunat ang ulo at tinugón na ng salág- iwà ang dalawang matandâng walâng patumangâ sa mga mará- litâng tao .

–Don Ramón at Don Filemón ,–ang sinabing may kahalong ngiting pilit nagkakamalî pô kayó ng paglaít sa " Kapisanan ng Pag - gawa , " dahil lamang sa nagsiaklás sa inyong gawàan ! Maáarì pông hindî loob ng Pámunuán namin ang kanilang ginawâ , ó kaya'y hindi nálalaman nang magkágayón na . Sa ganitong paraa'y nagkulang silá sa Alituntunin ; dátapwâ sa maypagawâ ó ginagawan ay maaaring may katwiran siláng huwag mag- sipasok , málaman 6 hindi ng aming Pangulo .

–At anó ang kaniláng kákatwiranin ? Anó pa ang ibig sa amin ? Yaóng bitolang dating ibinabayad sa kanilá ng piso , ngayo'y piso't isang peseta na ; yaóng dating tatatlóng - salapiín ngayo'y dadalawahín na ó dalawa't labing anim pa ; ang noong araw ay apat na piso , sampû , labing - isá ang sang - millar, ngayo'y mang - limá na , labing - dalawá at labing - tatló't kalahatì . Mahigit pa sa diez por ciento ang dagdag namin ! Samantalang sa " Germinal " ay hustóng diez por ciento ngâ lamang sa lahát ng bitola ; sa " La Flor de la Isabela " ( Compañía Tabacalera ) ay may dinag- daga't may hindî , hindi pa patas ang bayad sa gawa ng babayi at gawa ng lalaki ; sa " La Insular , " " Alhambra " at iba pa ay nangagdagdag ng gayón din namán . Anopa't lumabás pumasok sa diez por ciento ang itinaás ngayón ng upahán . Anó pa ang ibig ? Ciento por ciento ba ?

–Don Ramón ,–ang tugón ng binatà–ang damdám ko pô sa inyo ay malaking malakí nang sabihin ang sampû sa sang- daán ( 10 por 100 ) na ngayo'y naging karagdagan sa mga taba- kero . Labing anim na kuwarta sa piso ! Lálabing anim pô ba lamang kaya ang itinaas ng bawa't pisong halaga ng anománg kákanin ? Ibayo po at dalawang ibayo pa ang halagá ngayón ng mga pagkain , pananamít , pamamahay at iba pang kailangan ng mga mangagawà . Dingin ninyó't itó lamang ay mapagpá- patakaran na natin ng nagiging búhay nilá sa panahóng itó .

–Ah , hindi na kailangan ! .. –ang putol ni D. Filemón .

–Hintáy pô silá't ang sálitâan nati'y hindî namán máda- lian ! Ang pagkain : bigás na dating labing - anim ó sikapat sangsalóp , ngayo'y sangpiseta , kahatì ó kahatì't waló na , sa makatwid , nag - ibayo at mahigit pa . Iyáng kábabâ - babàang pang - ulam na tinapá , tuyô at mga gulay : ang dating tinapá't tuyong dalawá sangkuwarta ó limá ang dalawá , ngayo'y mabuti nang dî magtigalawa ó tatló ang apat ; ang mga gulay na dating nápanghihingî lamang ó sa pagbili ng sangkuwarta'y may sukat nang ipagpunô sa ulam ng mahihirap , ngayo'y pulós nang biní- bilí ng mahál . Ang kamahalan ng mga kahoy na pangatong , ang kasalatán ng tubig , ang halaga ng mga kasangkapan sa pag- lulutò at pagkain , ay makáipat na nag - ibayo . Ang pananamít namán : kayong babarùin at sasalawalín na dating nakukuha sa halagang sikolo ó labing - anim na kuwarta sang - bara , ngayo'y hindi na mabibilí ng mamiseta ó mangahatì : anopa't isáng kasúutan lamang , hindi na amerikana't pantalón , ay ipinangá- ngailangan na ng anim na sikapat ó pisong pangbilí . Isama rito ang pag - iibayo ng bayad sa mánanahì . At ang sambalilo , sapatos ó sinelas at iba pang pangbihis sa katawán na hindî maáaring walâ sa pangingilag sa sakít . Tungkól namán sa pamamahay : may - sarili ó umúupa ang mangagawà . Kung may - sarili , ¿ di ba't sa maliít mang tahanan ngayo'y dî pa máipagpagawa ang halagang limangpû ó sangdaáng piso ? Nasísiràan at ipinak úkumpuní ; nasúsunog at nagpapagawâng mulî't muli ; nágigibâ at ipinatátayô , ibinabayad ang bahay ó ang lupàng kinátitirikan ng kung anó - anóng buwís ; nápapanganib na parati sa pagluluwáng ng mga lansangan , sa mga atang at paghi- higpit ng Sanidad , at sa iba pang mga atas ng pámunuáng - bayan ; palibhasa'y maliliit na bahay , kaya siyang tabóy - tábuyan at pabu- hat - buhat hangáng málayô sa mga kabayanan at sa poók ng mga táhanan ng mayayaman . Kung umúupa namán , ay halos isá ng ikatlóng bahagi ng kaniláng sinásahod ang náibabayad sa mga tahanang anaki'y lungâ lamang ng hayop . Ang lahat nang itó , Don Ramón , Don Filemón , ay masasabing haláw pa lamang sa mga bagay bagay ngayóng kinapag - gúgugulan ng nakikita ng mga mangagawà ; anino lamang ng talagang katotohanan . Nğunì , sukat na namang makapagpahakà sa inyó , kun ang diez por cientong dagdag ay katamtaman na sa pagkakátaás ng halaga ng lahát na kailangan ng mga tabakero . Ang nasabi ko sa mga tabakero ay siyá ring nangyayari sa mga iba pang magpapaupáng mahirap . At saka bilíng - bilingín man ang búhay ng mangagawà , ay walâ ring kinauuwîan kundî ang puhunan . Nagpapaupá sa puhunan at ang napagpaupahán ay ibinabayad sa puhunan din !

Ang dalawáng mámumuhunáng kausap sa boông ipinahayag na itó ni Delfín ay nangatuyán halos ng laway . Ang mga ibá pang kaulong ay napapakagát - labì . Si Don Ramón , nang mákitang nangigitil ang kanyáng kasamáng Don Filemón , ay nagpáunáng sumagot ng may kalamigán at pagkapayapà pa :

–Dami mong nasabi sa pagkabuhay ng mga mangagawà ! Dátapwa't hindi mo naalaala ang pagsasabong nilá lingó - lingó , ang maghá - maghapon ó puyatáng pagpapanginge ng mga asá- asawa nila , ang kahambugán niláng mahigit pa sa gaya naming mayayaman , maging sa pagkain ng masaráp , magíng sa pag- bibihis ng marikít . Marami akóng nákikita riyáng mga mag- aaráw ó kawaníng sumásahod ng labinglimá ó dalawangpu't limáng piso sangbuwán , na kung magsikain ay talo pa yatà akó , at kung magsigayák ng mahál na damit ay parang daíg pa si kápitáng Luis sa yaman . Hála , sabihin mo sa akin ngayón ang kamahalan ng pagkain , ng damit at ng pamamahay , at ang kauntián ng kaniláng sinásahod ! ... Nálalaman mong walâ kang kita kundi sangsalapî , ¿ anó't gúgugol ka ng piso ? Walâ kang salapi sa Bangko , ¿ anó't dádalhin sa sabong ang pinaghá- hanapan lingó - lingó ? Wala kang almasén ng damit , anó't magbibihis ng mahál at maririkít ? Hindi ba makálilibong hambóg pa ang mahihirap kay sa mayayaman ? ... At kung wa- lâng maipagsusunod sa ganitong kahambugán , sasabihing mali- liit ang upa sa kanilá ng pinápasukan ! ...

Halos mapapalakpák si Don Filemón , nang marinig ang ganitong mga winikà ng kasapì , at sa galák ay nasabing :

–Iyán , iyán ngâ ang palabasán ninyó ng katwiran , mga taga- " Kapisanan ng Pag - gawâ ! "

Ang pagtatalo ay nakurò ni Delfíng lumúlubhâ . Tila ang pagpapakundangan ay dapat na ngâ munang isa isáng tabí . Hindi niyá náakalàng sa pagparoón , ay mapapasuóng sa gayón . Sa isang hagis ng matá sa nangagkákalipon , ay walâng unang nakapanglaw sa loób , kundi ang isá man doo'y wala siyáng kilalang makakáwatas ng kanyang mga kákatwiranin . Dalawáng matandang walâng nakikilalang diyós kundi ang mukhâ ng Salapî : si Morales na walâng pinag - aralan kundi ang pagtimpla ng gamót : si Bentus at si Pepito na walâ namang nalálakasán máliban sa pagpilì at pagsusuot ng mahuhusay at pangi- las na damít : ang isa pang binatàng kilalá ni Turíng , nguni't di kilala natin : ang mga taong - batis , dalawang maghahamaká at ilán pang taong nagdating - dátingan , na , nang dî mangaká- paligò , ay nawili na lamang sa pakikinig sa nangagtatalo . Ano- pa't para - parang mga lego kung baga sa lamán ng misál ... Nguni't kahiyâan na itó . Hindi maáarì ang di manangaláng .

–Ang takaw sa sabong , sa panginge at iba pang sugál na inyóng sinabi ,–ang sa gayo'y isinagót - sampû ng kapalalùan sa pagkain at pagbibihis ng mga mangagawà , ay dî ko pô pinú- puwing . May pagka - totoó rin ngâ pô . Dapwà't huwag niyong akalaing ang lahát na iya'y ináaring mabuti ng aming Alitun- tunin at Kapisanan . Sa aming mga papulong at pahayagan ang mga hidwâng asal na iya'y inúusig at ipinakikilalang ma- samâ . Danga't dî namán mangyaring mawalâ sa isang walís lamang ng Kapisanan , sapagka't ang nakakasalungat na nami'y ang mga pámunuáng - bayan din : nagbabawal kun turan , bago'y nagpapalayaw . Sa lahát ng malalaking kalayaang nakita ko na itinawíd dito sa atin ng bagong - panahón , ay walâng nagá- ganap na masakit , kundî ang kalayaan sa pagsampalataya at sa pagsusugál . Ang kalabisán ng samâ nitóng hulí , ay pagka't tin útulungan pa ng pagbabawal , pagbabawal na lalòng nagpá- pasabík sa matatakaw sa sugál ...

Nğunì , mğa ginoó , tapatín na natin ang sálitâan . Ang mga inisá - isá ninyóng samâ , ay dahon at bunga na lamang ng sawing pamumuhay ng mga mangagawà . Iya'y mga sakít na dî mapabubuti , kundi muna gamutín ang mga ugát na pinag- múmulán . Ang ugát ng lahát na iyán ay ang kanilá ring pagka- marálita . At ang pinaka - patabâ naman ay ang masasamâng halimbawa na sa kanila'y ipinakikita ng Sosyedad . Paanong hindi maipagsasápalarán sa sugál ang isá ó láng pisong naáagaw ng mangagawà sa kanyang bibig , sa siya'y wala nang kaásaasang guminhawa kun sa kaunting sahod lamang mag - áantáy ?

Paanong hindi ipagbabakásakaling manalo ang munting puhunan sa sugál , ay nakapag - úudyók sa kanya ang lagím sa dami ng mga pangangailangan ng sariling buhay , ng kanyang pagka - amá sa bahay at ng pagka - taong - bayan , mga kailangang patong - patong at di maiiwasan , nguni't dî namán makayang sapatán ng munting nápapagpaupahán ? Paanong hindi sa guní - guní man lamang ng pananalo ay nánasàin niyáng malunasang bigla ang kasawiang palad , sa pamamagitan ng isáng biglâ ring dating ng kapalaran ? At ano ang hindî ilalagô ng mga bisyong iyán sa gitna ng mga nagsalimbáy nating ugalì, na pagtakpán ang mğa dálitâ ó lungkót ng buhay ng mga dingal ng pagsasayá , ng mga parayà ng limot , sa ang sugál ay ipinalá- lagay na libangan ó pang - aliw ?

Tungkol sa pagbibihis ng maringal , ¿ bákit hindi gagawì ng ganito ang mahihirap man , sa hanga ngayo'y kagáwìan pa nating ayos at pananamit ang siyang tingnan sa tao , upang máki- lala kung mapagtitiwalaan 6 hindi at kung mapagpápakun- danganan ? Míminsan ba ba tayong nakakakita riyán ng mga taong lilimá - limahîd na siyáng madalás pagkámalán ng mğa pulés , ó kung magsipasok at magmakaawà man sa mğa págawàan ó sa mğa bahay - kalakal , ay ni dî ibig harapin ng nilá- lapitan , mahanga'y pinagsásalooban pa ng : " Ito'y hampás - lupà , " " ito'y patay - gutom , " " ito'y mukhang magnanakaw , " " ito'y hindi mapagtitiwalaan , " " itó'y dapat sa Bilibid " at ng kung anó - anó pang mga kaupasalàan ? Turan ninyó ngayón , ¿ hindî pô ba pag - uudyók ang mga palagay na ganyán upang ang isáng dukhâng nag - aagaw búhay saan man , ay mapilitan at mágawî na hangan sa kapalaluan ng pagbibihis ?

Bagay naman sa pagkain ng masaráp - saráp na aninyo'y alangán sa mga mangagawà , ¿ diyatà't magíging sala ang gayón ay sa siyang kinakailangan ng naúubos niláng lakás sa pag- gawâ ? Ang hakà ninyo'y isa pang nagpapalinaw ng pagka- maramot at pagka - malupit ng salapi . Sa ganáng mámumu- hunan ang pagkain ay dapat isunód sa salapi ng kákain , at dî sa pangangailangan niyang mabuhay at sa pagsasauli ng nawa- walang lakás sa pag - gawâ . Anopa't kun sino ang mga walâng gawa kundi magbilang ng salapî , ay siyang nagkákaín pa ng mabubuting pagkain , at ang mga oras - oras ay hapô at pawisán , ay siya namang napaglilipasán ng gútom , siyáng bagay na lamang magkain ng gúlay . Itó ang pátakarán ng mga himagál ( salario ) sa pag - upa ng maypuhunan sa mangagawà : ang halaga ng upa ang bagayan ng buhay ng mangagawà , at hindi ang ikabubuhay nitó ang bagayan ng upa . Karumal - dumal na kabuhayan ng tao ! ...