Jump to content

Ang Bilin ng Lobo

From Wikisource
Ang Bilin ng Lobo
by Amado V. Hernandez
300888Ang Bilin ng LoboAmado V. Hernandez

Sa gubat ay nasok ang magkaibigan
mamamaril sila ng hayop sa gubat;
walang anu-ano, sa di kalayuan,
natanaw ang isang lobong sumisibad.

Isang mamamaril ang tumakbong bigla,
umakyat sa punong simbilis ng matsing,
ang naiwa’y dagling sa lupa dumapa,
nagpatay-pataya’t nalimot ang baril.

Lumapit ang lobo’t payapang inamoy
itong nakalugmok na di humihinga,
sa malas, ang lobo ay may ibinulong,
pagkuwa’y umalis at di na nakita.

Sa puno’y bumabang hintakot ang matsing
sa nabuhay uli’y nagtanong kaagad:
“Si Lobo ay ano ang iniwang bilin?”
“Lumayo raw ako sa katotong duwag!”


This work is first published in the Philippines and is now in the public domain because its copyright protection has expired by virtue of the Intellectual Property Code of the Philippines. The work meets one of the following criteria:
  • It is an anonymous or pseudonymous work and 50 years have passed since the year of its publication
  • It is an audiovisual or photographic work and 50 years have passed since the year of its publication
  • It is a work of applied art and 25 years have passed since the year of its publication
  • It is another kind of work, and 50 years have passed since the year of death of the author (or last-surviving author)