1 Mga Paalala ni Clemente (Recognitions of Clement Book 1)
Kabanata 1
[edit]Ako'y si Clemente, na ipinanganak sa bayan ng Roma, na mula pa sa aking kabataan ay nakipagtipan ako sa dalisay na puri; habang ang baluktot ng aking pag-iisip ay nakagapos sa akin ayon sa kadena ng pagkaligalig at pighati. Sapagka't nagmula sa akin ang kaisipan, Na hindi ko maaaring sabihin na patuloy akong humantong sa pagninilay-nilay ng aking malubhang kalagayan, at upang talakayin ang gayong mga katanungan: Kung mayroon pa ba akong buhay pagkatapos ng mamatay, o kung ako'y malipol ng lubos: kahit hindi na ako umiiral noong ako'y ipinanganak, at kung wala na roong mga ala-ala sa buhay pagkatapos ng mamatay, at gayon rin inihahabilin ng mahabang panahon ang lahat ng mga bagay sa limot at katahimikan; kung kaya't hindi lamang tayo ang nakaka-pigil, subali't wala na roong mga ala-ala na nasa atin kailan man. Ito'y umikot rin sa aking isipan: kung ang mundo'y nilikha, o kung ano iyon bago ito nilikha, o maging ito man ay namalagi sa kabilang buhay. Sapagka't parang totoo ito, na kapag ito'y nailikha, ito'y mapapasahukom sa pagkalusaw; at kung ito'y malulusaw, Ano ngang magiging buhay pagkatapos? Maliban na lamang kung ang lahat ng mga bagay ay nararapat na maibaon sa limot at katahimikan, o ng anoman ang maging isipan ng tao na hindi maka-palagay sa ngayon.
Kabanata 2
[edit]Habang ako'y palaging umiinog sa isipan kong ito at sa ganyang mga katanungan, ay hindi ko naunawaan ang gaanong pagmungkahi, na ako'y patuloy na nananabik ng kamangha-mangha ng dahil sa labis na kalungkutan; at ano ang mas malala, kung sa oras man lamang ay iniisip kong ihagis ang gayong pagsusumakit, bilang kakaunti ang gamit, na ang mga alon ng ligalig ay mas lalong tumataas sa pamamagitan ko. Sapagka't mayroon akong pinakamahusay na kasamahan, na walang ibig na pagdusahan ako sa kapahingahan; ang maghangad ng walang kamatayan: sapagka't ang kasunod na paksa'y ipinakita, at ang biyaya ng Makapangyarihang Diyos ay ipamahala, itong baluktot ng kaisipan ay humantong sa akin upang hanapin ang katotohanan, at ang pagpapasalamat sa totoong ilaw; at dahil nangyari ng matagal bago ako kinahabagan sa mga dati kong kamangmangan ay mapalad akong naniwala.
Kabanata 3
[edit]Mayroong pakikitungo sa diwa na mula pa sa aking kabataan, ang hangarin na matuto ng anomang bagay ay inihatid ako ng madalas sa mga paaralan ng mga pilosopo. Doon ay wala akong nakitang iba na gumagawa, maliban sa mga aral na walang katapusang pahayag at salungat; tunggalian ay kabayaran, at tinatalakay ang mga sining ng mga silohismo at ang mga pitagan ng mga pasya. Kung sa oras man lamang na ang aral tungkol sa walang kamatayang kaluluwa'y nanaig, ako'y nagpapasalamat; kung sa oras man lamang ito ay tinuligsa, ay umalis akong nalulungkot. Subali't walang aral sa buo kong puso ang may kapangyarihan ng katotohanan. Natatalastas kong ito lang, ang mga kuro-kuro at mga kahulugan ng mga bagay ay totoo o hindi totoong paliwanag, hindi sa pagkaakma ng kanilang uri at ng katotohanan ng mga pagtatalo, kundi dahil sa panukat sa mga talento mula sa mga taong tumatangkilik sa kanila. At sa kailaliman ng aking puso ay labis ang aking pahirap, dahil wala akong kakayahang makahawak ng anuman tungkol sa mga bagay na iyan na sinasalita bilang katibayan, ni ako man ay may kakayahang itabi ang nais na makasiyasat; datapuwa't labis kong pinagsikapang pabayaan at hamakin sila, gayon rin ang labis na pananabik, ayon sa aking pagkasabi; ang maghangad ng ganitong uri, na nangilabot sa akin nang lihim yamang may isang uri ng kagalakan, na magtataglay sa aking puso at isipan.
Kabanata 4
[edit]Anupa't ang taong kapos dahil sa pagkatuklas ng mga bagay, ay sinabi ko sa aking sarili, Bakit ginagawa natin sa walang kabuluhan, sapagka't ang hangganan ng mga bagay ay nahayag? Sapagka't pagkaraan ng kamatayan ay lalong wala na rin ako, ang aking pahirap ngayon ay walang saysay; datapuwa't kung mayroon pa bang buhay para sa akin pagkaraan ng kamatayan, ay ating panatilihin para sa buhay ang kagalakan na nauukol rito, baka marahil ang ilang malulungkot na mga bagay ay mangyari sa akin kaysa sa mga pagdurusa ko ngayon, maliban kung ako ay nararapat na mamuhay ng banal at matino; at ayon sa mga kuru-kuro ng ilan sa mga pilosopo, ay makipaghabilin ako sa daloy na may madilim na lagisgis ng Flegeton, o sa Tartaros, gaya ng Sisifos at Titios, at sa walang hanggang kaparusahan na nangasa mala-impiyernong mga dako, gaya ng Ixion at Tantalos. At nais ko muling itugon sa aking sarili: Nguni't itong mga bagay ay katha-katha; o kung ito ay tama, yamang ang paksa ay nangasa pag-aalinlangan, mas mabuti ang mamuhay ng ayon sa kabanalan. Nguni't nais kong pagnilay-nilayin ulit sa aking sarili, Papaano kapag pinigilan ko ang aking sarili mula sa libog ng kasalanan, habang walang katiyakan ukol sa gantimpala ng katuwiran? At pawang labis nang hindi ko matiyak kung ano ang katuwiran, o kung ano ang ikalulugod sa Diyos; at nang hindi ko matiyak kung ang kaluluwa ay walang kamatayan, at maging gayon na lamang ito sa inaasam, at hindi ko kinikilala kung ano ang hinaharap sa katunayan. Gayon pa man ay hindi pa rin ako makapahinga mula sa mga pag-iisip ko nitong uri.
Kabanata 5
[edit]Ano nga ang aking gagawin? Ganito ang gagawin ko. Ako'y paroroon sa Egipto, at ipapanagana ko roon ang pagkakaibigan sa mga natatanging saserdote o di kaya'y mga propeta, na pinamunuan sa mga dambana. Kung magkagayo'y papagtagumpayan ko roon ang isang mago sa pamamagitan ng halaga, at pamamanhikin ko siya sa mahiwagang sining na kanilang tinatawag, upang idala sa akin ang kaluluwa na nagmula sa mala-impiyernong dako, at kung nais ko itong isangguni hinggil sa mga gawain. Nguni't ito nga ang aking pagsasangguni, maging ang kaluluwa ay walang kamatayan. Ngayon, ang patotoo na ang walang kamatayang kaluluwa ay hindi pinangangambahan, hindi sa kung ano ang sinasabi, o sa kung ano ang aking narinig, kundi sa kung ano ang nakita ko: sapagka't kung nakita ito ng aking mga mata, ay panghahawakan ko ngang matibay na paniniwala tungkol sa walang kamatayan; at walang pagkakamali ng mga salita o di tiyak sa pakikinig ang may kakayahan palagi upang gambalain ang nanghihikayat na inilahad ayon sa paningin. Gayon pa man, Inuugnay ko ang planong ito sa isa sa mga pilosopong kilalang-kilala ko, na siya ang nagpayo sa akin upang huwag itong ipagbaka-sakali; ay sinabi niya, “sapagka't kung hindi tatalima ang kaluluwa sa paanyaya ng manggagaway, ay mawawalan ka rin ngayon ng pag-asang mamuhay ng higit, dahil sa pag-aakalang wala na roon pagkatapos ng mamatay, at dahil rin sa pagkakasubok ng mga bagay na ipinagbabawal. Kung gayon ang pagka-unawa mo sa anumang bagay, anong pananampalataya o pagpakabanal ang nanggagaling sa iyo mula sa mga bagay na hindi matuwid at hindi banal? Sapagka't sinasabi nila na ang ganitong uring mga transaksiyon ay nakamumuhi sa Pagka-diyos, at ang Diyos na rin ang nagtakda sa pakikipagtunggali sa mga yaong nanggugulo ng mga kaluluwa pagkaraan ng kanilang paglaya mula sa katawan.” Nang marinig ko ito, Ako'y totoong nataranta sa aking panukala; nguni't sa anumang pamamaraan ay hindi maaari sa akin kahit itabi ang aking pag-aasam, o iwaksi ang isipang nandurusa.
Kabanata 6
[edit]Hindi upang ito'y gawan ng mahabang kuwento habang ako'y nakikipaglaban sa ganito kalaking alon mula sa aking isipan, ay may isang balita, na nagmula pa sa dakong Silanganan na nangasa pamamahala ni Tiberio Cesar, ay unti-unting dumating sa amin; at nagkaroon ng lakas na maipalaganap sa lahat ng dako, gaya ng ilang mabubuting balita na ipinahahatid ng Diyos, na nagkalaman ang buong daigdig, at hindi ipinagdudusahan ang kalooban ng banal upang mailingid sa ikatatahimik. Sapagka't lumalaganap ito sa lahat ng mga dako, na ibinabalita na may isang tao sa Judea, na, simula sa panahon ng tagsibol, ay ipinapangaral ang kaharian ng Diyos sa mga Hudyo, at sinasabi na ang mga yaong tatanggap noon ay kinakailangang ganapin ang mga tagubilin ng Kaniyang mga utos at ng Kaniyang aral. At yaong Kaniyang sinasalita'y mapaniwala sa pagiging karapat-dapat sa karangalan, at lubos na Pagka-diyos, ay ibinanggit sa kaniya ang tungkol sa paggawa ng mga gawang makapangyarihan, at ng mga tandang kahanga-hanga at mga kababalaghan ayon sa salita lamang Niya; at dahil diyan, yamang may iisang kapangyarihan mula sa Diyos, ay binigyan Niya ng pakinig ang mga bingi, at ng paningin ang mga bulag, at ang mga pilay upang mangakatayo, at nangagpapaalis ng bawa't kahinaan at ng lahat ng mga demonyo mula sa mga tao; oo, binuhay rin naman Niya ang mga patay na nangagdala sa Kaniya; na Kaniya ring pinapagamot ang mga ketong, sa paghahanap sa kanila mula sa kalayuan; at doon ay walang basbas na hindi matutupad sa Kaniya. Ang mga ito at ganoong mga bagay ay napagtibay sa pamamaraan ng panahon, sa madalas na usap-usapan ay hindi muna, kundi ayon sa malinaw na mga pahayag ng mga taong naparito na nagmula sa kanilang tirahan; at sa pang araw-araw, ang katotohanan tungkol sa mga paksa ay isinisiwalat pa.
Kabanata 7
[edit]Sa haba ng pagpupulong ay nagpasimulang manungkulan sa nangasa iba't ibang mga dako sa lungsod, at magtalakay ng paksang ito sa pakikipanayam, at upang manangkap ng kamangha-mangha na sino itong makapangyarihan na lumilitaw, at anong pasugo ang kaniyang idinadala mula sa Diyos para sa mga tao; hanggang sa taon ring ito, ay may isang hindi kilalang tao, na nakatayo sa isang dakong may pinaka-maraming tao sa lungsod, na ipinahahayag sa mga tao, na nagsasabi: “Pakinggan ninyo ako, O kayong mga mamamayan ng Roma. Ang Anak ng Diyos ay nasa lupain na ng Judea, na ipinangangakong may buhay na walang hanggan sa bawa't isa na makadirinig sa Kaniya, nguni't sa pamamagitan ng kalagayan nang kaniyang pangangalaga sa mga gawa niya ayon sa kalooban Niya na sa Kaniya'y nagsugo, buhat sa Diyos Ama. Kaya ang nagmula sa mga bagay na masasama'y mangagbalik-loob kayo sa mabuti, at ng mga bagay na lumilipas sa mga bagay na walang hanggan. Inyong kilalanin na may iisang Diyos, pinuno ng langit at lupa, na ang matuwid na pananaw Niya ay nananahan kayong mga makasalanan sa Kaniyang daigdig. Datapuwa't kung kayo'y manumbalik, at gawin ang ayon sa Kaniyang kalooban, samakatuwid, sa panahong darating at sa pagkakaroon ng walang kamatayan ay ikalulugod ninyo ang Kaniyang mga pagpapala na hindi masabi at mga ganti.” Sa ngayon, ang taong ito na nagsasalita ng mga bagay sa mga tao ay nanggaling sa dakong Silangan, sa bayan ng Hebreo, na nagngangalang Bernabe, na sinasabing siya rin ay isa sa mga alagad Niya, at upang suguin siya ngayong katapusan, na maihahayag niya ang mga bagay na ito sa kanila na ibig na makarinig. Nang marinig ko nga ang ganitong mga bagay, ay sinimulan kong sundan siya na kasama ang mga karamihan, at mapakinggan kung ano ang kaniyang sasabihin. Tunay nga ang aking pahiwatig na walang panlilinlang roon na wika sa taong yaon, nguni't kaniya nang ipinapaliwanag na may kamusmusan, at walang anumang daya sa pagsasalita ng mga ganoong bagay ayon sa pagkarinig niya mula sa Anak ng Diyos, o pagkakita. Sapagka't hindi niya pinatotohanan ang kaniyang mga badya sa pamamagitan ng dahas ng pagtatalo, subali't mula sa mga taong nangagsitindig sa palibot niya, ay naglalahad siya ng mararaming mga saksi tungkol sa mga kasabihan at sa mga kababalaghan na kaniyang iniulat.
Kabanata 8
[edit]Sa panahong ito, yamang ang mga tao'y nagpasimulang makapahintulot ng maluwag sa kalooban para sa mga bagay na kung saan ay dalisay ang sinasalita, at mapasaklaw ang kaniyang magaan na talumpati, na sa mga yaon na nagsisipaglingap sa kanilang sarili ng pagkadalubhasa o pagkapilosopiko ay sinimulan nilang mangutya sa taong yaon, at hamakin siya, at tagain siya ng mga kalawit ng mga silohismo, gaya ng matibay na mga sandata. Nguni't hindi siya natatakot, hinggil sa kanilang katusuhan katulad na lamang ng paghihibang, ay hindi niya hinahatulan sila ng nararapat tungkol sa isang sagot, subali't matapang na itinuloy ang paksa na kaniyang itinakda bago siya. Sa pagaasam, ay may ilan na nagmumungkahi ng katanungang ito sa kaniya gaya ng sinasalita niya, Bakit lubhang nagkabuo ang isang lamok na bagama't ito'y isang hayop na maliit, at may anim na talampakan, nguni't ito'y may mga pakpak na magkakadugtong; yamang ang isang elepante, na bagama't ito'y isang malaking hayop, at walang mga pakpak, nguni't may apat lamang na talampakan? Hindi niya binibigyang pansin ang katanungan, na nagpapatuloy ng kaniyang talumpati, kung saan ay naantala ng hamong hindi napapanahon, na idinaragdag lamang itong paunawa sa bawa't pagkaantala: “Mayroon kaming tungkulin sa inyo upang magpahayag ng mga salita at ng mga gawang kamangha-mangha ayon sa Kaniya na sa amin ay nagsugo, at mapagtibay ang katotohanan tungkol sa kung ano ang aming sinasalita, hindi sa marurunong nang magkatha ng pangangatuwiran, subali't sa mga saksi na naglalahad mula sa gitna ninyo. Sapagka't kinikilala ko ang maraming nakatayo sa gitna ninyo na aking inaalala dahil sa pagkarinig namin ng mga bagay na aming narinig, at pagkakita na aming nakita. Nguni't karapatan ninyo ito na tanggapin o tanggihan ang balita na aming idinadala para sa inyo. Sapagka't hindi namin pinagbabawalan kung ano ang aming pagkaunawa para sa ikakabuti ninyo, dahil kung hindi kami magsasalita, kapighatian ay sasa amin; datapuwa't sa inyo, kapag hindi ninyo tinanggap ang aming sinasalita ay kapahamakan nga. Talagang minamadali ko na sagutin ang napakahangal mong hamon, kung may hihingin ka para sa kapakanang matuto ng katotohanan, ang ibig kong sabihin ay ang pagkakaiba ng isang lamok at ng isang elepante; nguni't ito nga'y walang katotohanan sa pagsasalita ng mga nilalang na ito sa inyo, kung ang tunay na Manlilikha sa lahat ng mga bagay ay hindi ninyo kinikilala.”
Kabanata 9
[edit]Nang siya'y makapagsalita, lahat, ayon sa pahintulot ng sino mang may magaspang na tinig ay nagsitaas ng hiyaw sa panunuya, upang ilagay siya sa kahihiyan, at upang patahimikin siya, na tumatangis dahil isa siyang barbaro at isang taong ulol. Nang makita ko ang usapang nagpapatuloy dahil sa pamamaraang ito, na pinupuno, na hindi ko mabatid kung saan sa totoong sikap, at maalab na may banal na sigasig, hindi ko maitahimik, subali't humihiyaw akong may buong katapangan, “Pinakamatuwid ang Diyos na Makapangyarihan sa lahat na ilihim ang kalooban Niya mula sa inyo, na Siyang humula upang hindi magiging karapat-dapat sa inyo ang kaalaman ng Kaniyang sarili, bilang hayag sa mga yaon na totoong pantas, mula sa gawain ninyo ng kung ano sa ngayon. Sapagka't nang inyong makita ang mga mangangaral na yaon sa kalooban ng Diyos na dumating sa gitna ninyo, dahil sa kanilang salita'y walang maipakitang kaalaman sa pambalarilang sining, nguni't sa payak at habhab na wika ay nagtakda sila sa inyong harapan ng dakilang utos, upang ang lahat ng makakarinig ay may kakayahan sa pagsunod at sa pag-unawa ng mga bagay na sinasalita, inyong pinag-aalipusta ang mga ministro at mga sugo ng inyong kaligtasan, hindi alam na ito'y kaparusahan sa inyo na sa inyong sarili ay nagiisip ng mahusay at marikit mangusap, yaong mga taong hamak at mga taong barbaro ay mayroong kaalaman ng katotohanan; subali't, kung makarating sa inyo ito, ay hindi rin ito tatanggapin ayon sa isang dalaw, bagama't kung ang inyong pagmamalabis at kalibugan ay hindi tinututulan, ito'y nararapat sa pagiging isang mamamayan at isang katutubo. Sa gayon ay nahatulan kayo sa hindi pagtatangkilik sa katotohanan at sa pilosopo, nguni't mga tagasunod sa kahambugan at sa walang kabuluhang mga sinasabi. Inyong iniisip na ang katotohanan ay hindi tumatahan sa payak, nguni't sa mapamaraan at mapandarayang mga salita, at namunga ng hindi mabilang na mga libo sa mga salita na kung saan ay hindi maitantiya sa kasinghalaga ng isang salita. Ano nga, ang iniisip ninyo'y magiging sa inyo, kayong lahat na pangkat ng mga Griyego, kung doon ay tungkol sa isang paghuhukom ng Diyos, gaya ng kaniyang sinasabi? Nguni't ngayon ay bigyan ninyo ng labis na halakhak sa taong ito para sa inyong sariling kapahamakan, at pahintulutan ang sinuman sa inyo na makalugod ay sa akin hilingin; sapagka't sa katunayan, kayo'y nangyayamot ng mga pakinig sa pamamagitan ng inyong pagtahol kahit ang mga yao'y nagnanais na mangaligtas, at sa inyong hiyawan ay inilihis ninyo sa bugso ng kataksilan ang mga pag-iisip na nahahanda para sa pananampalataya. Anong kapatawaran ang mayroon kayo na alipustahin at gumawa ng karahasan sa tagapagbalita ng katotohanan nang siya'y naghahandog sa inyo ng kaalaman ng Diyos? subali't, kahi't na kung siya'y hindi magdala sa inyo ng katotohanan, gayon pa man, kahi't na ayon sa mabuting pakikitungo ng kaniyang layunin para sa inyo, ay nararapat ninyong tanggapin na may pasasalamat at pagbati.”
Kabanata 10
[edit]Habang ako'y humihimok sa mga ito at sa mga pagtatalo na magkatulad, isang matinding kagalakan ay pumukaw sa gitna ng mga nanonood, ang ilan ay nangahabag gaya ng sa isang taga-ibang bayan, at sinang-ayunan ang aking pananalita ayon sa pagkaakma kalakip ang damdaming yaon; ang mga iba'y magagalitin at mahihiyain, na pumukaw ang galit sa kanilang mga pag-iisip na hindi maturuan bilang marami laban sa akin at gayon din sa kay Bernabe. Datapuwa't yamang ang araw ay lumubog upang magkahapon, sa mabuting kamay ay aking kinuha si Bernabe, at ipinatuloy ko siya sa aking bahay, kahit mabigat man sa loob; at akin siyang pinapanatili roon, baka marahil ang sinuman sa mga walang galang na mga taong nagkakagulo ay pagbuhatan siya ng kamay. Samantalang kami ay lumagay sa ganitong pakikitungo dahil sa iilan na mga araw, masaya akong nakikinig sa kaniya na tinatalakay ang salita ng katotohanan; gayon pa man ay nagmamadali siya sa kaniyang pag-alis, na nagsasabing kinakailangan niya sa lahat ng paraan na ipagdiwang sa Judea ang araw ng kapistahan ng kaniyang relihiyon kung saan ay papalapit na, at upang doon siya nararapat na manatili sa hinaharap kasama ang kaniyang mga kababayan at ang kaniyang mga kapatid, na nagpapahiwatig ng maliwanag nang siya'y mangilabot sa takot sa mga nananakit sa kaniya.
Kabanata 11
[edit]Sa wakas ay aking sinabi sa kaniya, “Ipaliwanag mo lamang sa akin ang aral ng taong yaon na iyong sinasabing may lumitaw, at isasaayos ko ang iyong mga pananalita sa aking wika, at ipapangaral ang kaharian at katuwiran ng Makapangyarihang Diyos; at batay diyan, kung iyan ang nais mo ay maglalayag naman ako kasama mo, sapagka't nais ko nga na makita ang Judea, at marahil ay mananatili ako sa iyo palagi.” Ito nga'y sinagot niya, “Kung ibig mo talagang makita ang aming bansa, at matuto ng mga yaong mga bagay na iyong ninanais, magsilayag ka na kasama ako kahi't ngayon; o kung mayroong anuman na pumipigil sa iyo ngayon, ako'y mag-iiwan sa iyo sa dakong aking tinitirahan, kaya naman kung masiyahan ka sa pagparito ay madali mo akong mahahanap; sapagka't bukas ay aalis ako sa aking paglalakbay.” Nang makita kong siya'y nagtakda, ako'y lumusong kasama niya sa daungan, at maingat kong tinanggap mula sa kaniya ang utos na sa akin niya ibinigay upang mahanap ang kaniyang tirahan. Sinabi ko iyon sa kaniya, nguni't ayon sa pangangailangang makuha ang iilang salapi na naaangkop sa akin, ako'y hindi magpapaliban sa lahat, kundi ako'y dali-daling susunod sa kaniya. Nang ipinahayag nga ito sa kaniya, ipinagbilin ko siya sa kabutihan ng mga taong nag-aalaga sa daong, at malungkot akong bumalik; sapagka't ako'y nagkamit ng alaala sa pakikipag-ugnayan na mayroon ako dahil sa isang napakahusay na panauhin at isang nahirang na kaibigan.
Kabanata 12
[edit]Nang ipinatigil ko dahil sa kaunting araw, at nang itinapos ko ang gawain sa mga hakbang mula sa nalikom kung ano ang may utang para sa akin (sapagka't pinabayaan ko ang mga bagay na labis-labis sa pamamagitan ng pagnanais kong magmadali, na hindi ko maaaring hadlangan mula sa aking layunin), ako'y nagtakdang maglayag ng tuwiran sa Judea, at pagkaraan ng labing limang araw ay lumapag ako sa Cesarea Stratonis na kung saan ay pinakamalaking lungsod sa Palestina. At nang pumanaog na ako, at naghahanap para sa isang dakong panuluyan, natutunan ko mula sa usapin ng mga tao, na si Pedro, isa sa pinakamagaling na alagad Niya na Siyang lumitaw sa Judea, at nagpakita ng maraming mga tanda at mga kababalaghang ginagawa sa mga tao, ay umalis siya upang magkaroon ng isang pagtalakay tungkol sa mga salita at mga katanungan sa susunod na araw kasama si Simon, na isang Samaritano. Nang ito'y napakinggan, ay aking itinanong upang makita ang kaniyang panuluyan; at nang ito'y natagpuan ko, at ako'y nakatayo sa harapan ng pintuan, aking ipinagbigay-alam sa taga bantay-pinto kung sino ako at saan ako nanggaling; at narito, si Bernabe ay lumalapit, na sa sandaling nakita niya ako'y yumakap siya sa aking mga bisig, na umiiyak dahil sa kagalakan, at hinawakan ako sa pamamagitan ng kaniyang kamay upang ihatid ako kay Pedro. Habang itinuro niya sa akin sa kalayuan, ay sinabi niya, “Ito'y si Pedro na aking sinasalita sa iyo, gaya ng pinakadakila sa karunungan ng Diyos, at akin rin namang sinasalita sa kaniya palagi ang tungkol sa iyo. Kaya nga'y pumasok ka, gaya ng isang mabuting hayag sa kaniya. Sapagka't siya'y lubos na kilala sa lahat ng mabuti na nasa sa iyo, at ang kaniyang sarili ay may ingat sa kamalayan ng iyong pangrelihiyong layunin, na kung saan man siya'y lubhang ibig na makita ka. Sa gayo'y ikaw ang ihaharap ko sa kaniya ngayon bilang isang dakilang kaloob.” Sa oras ding iyon na ako'y iniharap, ay sinabi niya, “O Pedro, ito nga'y si Clemente.”
Kabanata 13
[edit]Datapuwa't pinakamabuti si Pedro, nang pinakinggan niya ang aking pangalan, ay kaagad siyang tumakbo at humalik sa akin. At nang oras na ipinaupo niya ako, ay sinabi niya, “Nakagawa ka ng mabuti upang matamo gaya ni Bernabe na iyong panauhin, na tagapagpangaral ng katotohanan, na walang bagay na ikatakot sa galit ng mga taong baliw. Ikaw ay pagpapalain. Sapagka't kung paano mo itinuturing na isang sugo ang katotohanang nararapat sa lahat ng karangalan, ay gayon din ang katotohanan niya'y tatanggapin sa iyo ang isang palaboy at tagaibang lupa, at ipapatala sa iyo ang isang mamamayang galing sa kaniyang sariling bayan; at kung magkagayo'y magiging labis na kagalakan sa iyo roon, sapagka't yamang ipinagkalooban na ng kaunting pagsang-ayon, ikaw ay nakasulat sa mana ng walang hanggang pagpapala. Ngayon nga'y huwag kang manggugulumihanan sa iyong sarili upang ipaliwanag ang iyong kaisipan sa akin; dahil sa pagsasalita ng tapat ni Bernabe ay ipinagbigay-alam sa akin ang lahat ng mga bagay tungkol sa iyo at sa iyong mga pasiya, halos buong araw at walang tigil, na binabalikan ang mga alaala ng iyong mabuting katangian. At maipakilala kaagad sa iyo, bilang isang kaibigan na tayo'y magkaisa sa talino, kung ano ang pinakamabuting daan sa iyo; kapag doo'y walang bagay na makahahadlang sa iyo, ay sumama ka sa amin, at iyong pakinggan ang salita tungkol sa katotohanan, kung saan kami ay pumaparoon upang ipahayag sa bawa't dako hanggang sa dumating man kami sa bayan ng Roma; at ngayon, kung may nais ka ng anuman ay magsabi ka.”
Kabanata 14
[edit]Nagkaroon nga ng pagpapaliwanag sa kaniya kung ano ang layunin na aking kinasihan mula sa pasimula, at kung gaano ako nakakaabala dahil sa walang kabuluhang mga katanungan, at ang lahat ng mga bagay na iyon na nasa una'y aking ipinahiwatig sa inyo, aking panginoong Santiago, kaya hindi ko na kailangang ulitin ang mga bagay na walang pagbabago sa ngayon, ako'y sumasangayon sa paglalakbay na kasama siya; at sinabi ko nga, “sapagka't yao'y nararapat kung ano ang ibig kong pagkamasigasig sa lahat. Datapuwa't ninanais kong ipaliwanag muna sa akin ang pamamaraan ng katotohanan, upang aking mauunawaan maging ang kaluluwa'y namamatay o hindi namamatay; at kung hindi magiging kamatayan, kahi't nangagdadala ito sa kahatulan ayon sa mga bagay na yaon na dito'y natupad. At hinahangad ko pang maunawaan kung ano baga ang katuwiran, na kalugud-lugod sa Diyos; at higit pa nga, kung ang sanglibutan ay nailikha, at kung bakit ito nailikha, at kung ito'y mapaparam, at kung magiging bago ito at mas mapabuti, o pagkaraan nga nito'y pawang wala na roon ang sanglibutan; at hindi upang banggitin ang lahat ng bagay, kundi ninanais ko na sabihin kung ano ang kalagayan ng kahalagahan sa mga ito at ganoong mga bagay.” Sa ngayon ay sumagot si Pedro, “Agad kong sinasabi sa iyo ang kaalaman ng mga bagay na ito, Oh Clemente: kaya makinig ka.”
Kabanata 15
[edit]“Ang kalooban at payo ng Diyos ay nangalihim mula sa mga tao dahil sa napakaraming mga sanhi; sa una nga, ay sa pamamagitan ng masamang pagtuturo, masamang samahan, mga masamang gawi, hindi kapaki-pakinabang na pagpapanayam at hindi makatarungang mga pagpapalagay. Sa ulat ng lahat ng mga ito na aking sinasabi, una-una'y kamalian, kasunod nga'y kadustahan, kataksilan at masasamang hangarin, kaimbutan rin at walang kabuluhang pagmamapuri, at sa ganoong mga kasamaang gaya ng iba, ay napuno ang buong bahay ng sanlibutang ito, gaya ng iba't ibang usok na malalaki, at hinahadlangan ang mga tumatahan roon dahil sa pagkakita sa matuwid na Tagapagtatag nito, at sa pagpahiwatig ng kung anong mga bagay ang sa Kaniya'y kalugod-lugod. Ano nga, ang akma sa mga yao'y nangasa-loob, nguni't sa lakas ng hiyaw ay naihatid sa unahan mula sa kaloob-looban ng kanilang mga puso upang ipamanhik ang Kaniyang tulong, na hindi lamang sinarhan ang bahay na may punong usok, nang Siya'y lumapit at binuksan ang pintuan ng bahay, kaya nga'y mapapawi ang usok na iyon na nangasa-loob, at ang liwanag ng araw na lumiliwanag sa labas ay makapasok.”
Kabanata 16
[edit]“Siya nga, ang tumutulong sa nangangailangan dahil sa bahay na puno ng kadiliman ng kamangmangan at usok ng kasamaan, ay Siya ang sinasabi namin, na tinatawag na totoong Propeta, na maliwanagan lamang ang mga kaluluwa ng mga tao, upang ang mga mata naman nila ay kanilang makita ng malinaw ang daan ng pagkaligtas. Sapagka't sa ibang paraan ay hindi ito mangyayari upang kumuha ng dakilang kaalaman at walang hanggang mga bagay, maliban sa pagkatuto niya mula sa totoong Propeta na iyon; sapagka't katulad mo ay nagpahayag ka rin ng kaunting panahon, sa paniniwala ng mga bagay at sa haka-haka ng mga sanhi, ay tinatayang na sa sukat, ayon sa mga talento ng kanilang mga tinatangkilik: anopa't pati siya at ang katulad ng sanhi ay yamang inaakalang matuwid, ngayo'y hindi matuwid; at kung ano nga sa ngayon na parang totoo, muli ay nagiging kabulaanan dahil sa badya ng isa pa. Sapagka't hinggil rito, ang karangalan ng relihiyon at banal na gawain ay kakailanganin ang anyo ng totoong Propeta, na Siya rin ang maglalahad sa atin tungkol sa bawa't bagay-bagay, na papaano mananatili ang katotohanan, at maituro sa atin kung gaano natin mapaniwala ang tungkol sa bawa't isa. At samakatuwid, bago ang lahat nang iba, ang mapagkatiwalaan nga na manghuhula ay kinakailangang siyasatin ng buong ingat; at nang minsa'y mapatunayan mo na siya'y isang manghuhula, dito'y kinakailangan mo siyang paniwalaan sa lahat ng bagay, at hindi pa upang talakayin ang mga katangian na kaniyang itinuro, kundi upang hawakan ang mga bagay na kaniyang sinasalita bilang tunay at banal; na ang mga bagay kung saan, bagama't tila'y natamo nila sa pamamagitan ng pananampalataya, gayon pa man ay naniniwala sa saligan ng pagsubok noong itinatag ang una. Sapagka't kahit minsan sa pasimula, ang katotohanan mula sa propeta ay maitatag sa pamamagitan ng pagsusuri, ang mga iba'y sa pakinig at pagganap sa saligan ng pananampalataya kung saan ito'y itinatag na siya'y guro ng katotohanan. At yamang ito ay tunay na ang lahat ng mga bagay na nauukol sa dakilang kaalaman ay kinakailangang ganapin ayon sa alituntunin ng katotohanan, kaya sa kabila ng pag-aalinlangan na walang sino man kundi Siya lamang ang nakakaalam kung ano ang totoo.”
Kabanata 17
[edit]Sa ganitong pananalita, ipinalitaw niya ang gayong pahayag at malinaw sa akin kung sino ang Propetang yaon, at papaano Siya matatagpuan, upang aking makita sa harapan ng aking mga mata at mahawakan ng aking mga kamay, ang mga patotoo na kaniyang ginawa tungkol sa katotohanang hinulaan; at ako'y nakaramdam ng matinding labis na pagtataka, kung paanong walang sinuman ang nakakakita, na bagama't inilagay sa harap ng kaniyang mga mata ang mga bagay na iyan kung saan lahat ay hinahanap. Kung saan sa pamamagitan ng kaniyang utos, na pagpasakop sa bilin ng kung ano ang kaniyang sinasalita sa akin, ako'y nagsulat ng isang aklat tungkol sa totoong Propeta, at ito'y pinadala ko sa iyo buhat sa Cesarea ayon sa kaniyang utos. Sapagka't siya'y nagsabi na nakatanggap siya ng isang utos mula sa iyo upang ipahatid sa iyo sa bawa't taon ang isang ulat ng kaniyang mga pananalita at mga kilos. Samantalang sa pasimula ng talumpati niya na kaniyang inihatid sa akin nang unang araw, nang siya'y nakapagturo sa akin ng totoong lubos tungkol sa totoong Propeta, at napakaraming mga bagay bukod pa sa idinagdag niya rito: “Magsitingin kayo,” sabi niya, “para sa hinaharap, at kayo'y magsiparito sa aming mga talakayan na pagka ano mang kagipitan ay lumitaw, aking pipigilan kasama ng mga yaon na sumasalungat; laban sa kanila, tuwing ako'y nakikipagtunggali, kung ako man ay mawari sa pagkatalo, upang ipangamba sa mga bagay na iyan ay hindi ako natatakot sa iyong pag-aakay na aking inilahad sa iyo; at dahil kung ako man ay madaig, na sa mga bagay na iyan ay hindi aariing ipagbago sa gayong dahilan na kung saan ay inihatid sa amin ng totoong Propeta. Nguni't umaasa ako na tayo'y huwag matalo sa pakikipagtuligsaan man, kapag may katuwiran sana at kapanalig ng katotohanan ang ating tagapakinig, na maaaring kilalanin ang puwersa at kaugnayan ng mga salita, at pansinin kung anong talakayan ang dumarating mula sa sopistikong sining, hindi sa naglalaman ng katotohanan, kundi sa isang larawan ng katotohanan; at ano iyon, kung saan ay sinasaysay lamang at walang pagsasanay, na umaasa sa buong kapangyarihan nito hindi sa paglitaw at panggayak, nguni't sa katotohanan at katuwiran.”
Kabanata 18
[edit]Tungkol nga dito'y sinagot ko: “Ako'y nagpapasalamat sa Diyos na Makapangyarihan sa lahat, dahil tinuruan ako ayon sa aking kahilingan at ninanais. Sa lahat ng mga pangyayari, ay maaaring pagkatiwalaan mo ako hanggang ngayon, upang hindi na ako mag-aalinlangan kailanman tungkol sa mga bagay na iyan na aking natutunan mula sa iyo; kaya kung ninanais mo namang ilipat sa ano mang pagkakataon ang aking pananampalataya buhat sa totoong Propeta, ay wala kang kakayahan, dahil nalango ako kalakip nang buo kong puso sa kung ano ang iyong sinasalita. At upang huwag mong maisasaisip na ako'y may pag-asa sa iyo ng isang malaking bagay noong sinabi ko na ako'y hindi makakilos ng dahil sa pananampalatayang ito, iyan nga ang katiyakan ko, na kung sino man ang makakatanggap nitong salaysay ng totoong Propeta, ay hindi na gaya ng nag-aalinlangan ng sobra sa katotohanang ito pagkatapos. At dahil doon ay nananalig ako tungkol sa ganitong makalangit na turo, na kung saan lahat ng mga sining sa mahahalay na damdamin ay dinadaig. Sapagka't sa pagsalungat ng ganyang panghuhula na kahit alin mang sining ay hindi makatatayo, ni ang mga dalubhasa sa pangangatuwirang papilipit at sa silohismo; nguni't ang lahat na makakarinig sa totoong Propeta ay dapat kinakailangang pahabain kaagad ukol sa katotohanan, ni ang kalooban niya'y magbata ng mga iba't ibang kamalian, pagkatapos na sa ilalim ng kadahilanang mahanap ang katotohanan. Kaya nga, O panginoon kong Pedro, ay huwag kang mangabalisa tungkol sa akin, na sa iba kagaya ko, na hindi nakakaunawa kung ano ang kaniyang tinanggap, at kung gaano kalaki ang kaloob na ibinigay sa kaniya. Kaya siguraduhin mo na iyong binigyan ang iba ng kabutihang loob na nakakaalam at nakakaunawa sa kahalagahan nito: ni ako'y maaaring madaya sa ulat na iyan, dahil parang nakuha ko na agad ang kung ano ang aking ninanais; sapagka't marahil ang isang iyon na nagnanais ay nagkamit agad, habang ang isa pa ay hindi man marahang nagkamit ng mga bagay na kaniyang ninanais.”
Kabanata 19
[edit]Sa oras na iyon, nang pinakinggan ni Pedro ang ganitong pananalita ko, ay kaniyang sinabi: “Nagpapasalamat ako sa aking Diyos, dahil sa iyong kaligtasan at sa aking kapayapaan; sapagka't ako nga'y lubhang naaliw na makakita nang iyong matalastas ang kung anong kadakilaan ng makahulang birtud, at palibhasa, ayon sa sinasabi mo, bagaman hindi sa ganang akin, kung dapat ko bang naisin iyon (na ipinagbawal ng Diyos!), na hiwalayan ka sa ibang pananampalataya. Simula ngayon ay umpisahan mong tumira sa amin, at bukas ay pumarito ka sa aming mga pagtalakay, sapagka't makikipagtunggali ako kay Simon na isang manggagaway.” Nang nakapagsalita siya ng ganito, siya'y humiwalay upang makakain na kasama ng kaniyang mga kaibigan; nguni't pinagbilinan niya akong kumain ayon sa ganang akin; at pagkatapos ng kumain, pagkaawit niya ng papuri sa Diyos at pasasalamat, inihatol niya sa akin ang isang kadahilanan tungkol sa pamamaraang ito, at idinagdag, “Nawa'y pagkalooban sa iyo ng Panginoon upang maging katulad sa amin sa lahat ng mga bagay, na kapag tinanggap mo ang bautismo, ay makakasama ka rin namin sa dulang.” Sa ganyang pananalita, ay pinagbilinan niya akong magpahinga, dahil sa oras na ito, ang kapaguran at katagalan ng araw ay napaanyaya sa pagtulog.
Kabanata 20
[edit]Nang sumunod na ang kinaumagahan ay dumating sa amin si Zaqueo, at pagkatapos ng pagbati, sinabi niya kay Pedro: “Ipinagpaliban ni Simon ang talakayan hanggang sa ikalabing isang araw ng kasalukuyang buwan, na anopa't pitong araw, sapagka't sinasabi niya na sa oras na iyon ay gusto niya lalong walang ginagawa sa pagtatalo. Datapuwa't sa akin na tila ang kaniyang pagpapaliban niyaon ay makabubuti rin sa atin, upang sa gayo'y marami ang mangagkatipon, na maaaring mga tagapakinig man o kaya'y mga hukom ng ating pakikipagtuligsaan. Gayon pa man, kung inaakala mong angkop ito, ay ating pangasiwaan ang paminsan-minsang talakayan sa ating sarili ng mga bagay na kung saan, pinapalagay natin, na sana'y dumating sa usapin; upang gayon ang bawa't isa sa atin, palibhasa'y nalalaman natin kung anong mga bagay ang iminumungkahi, at kung anong mga kasagutan ang makapagbibigay, maaaring pagnilay-nilayin siya kung sila'y sang-ayon, o kung ang kaaway ay may kakayahang makatuklas ng anumang bagay sa layunin niya, o tanggihan ang mga bagay na ating dinadala laban sa kaniya. Nguni't kung ang mga bagay na ating sinasalita ay patunay na hindi makalulupig sa bawa't panig, mayroon na tayong pagtitiwala sa pagpasok natin sa oras ng pagsisiyasat. At tunay ngang ito'y paniniwala ko, na una sa lahat ay dapat itong ipagtanong kung ano ang pinagmulan tungkol sa lahat ng mga bagay, o kung ano ang pangunahing bagay na tinatawag nating sanhi sa lahat ng mga bagay na namamalagi: samakatuwid, kalakip ng pagpapahalaga sa lahat ng mga bagay na umiiral, kung inilikha man sila, at sa pamamagitan nino, at para kanino; kung sila'y tumanggap ng kanilang pamamalagi mula sa isa, o sa dalawa, o sa karamihan; at kung sila'y kinuha at inanyuan mula sa walang datihang pamamalagi, o sa mga iba: at kung may anumang katangian sa pinakamataas na mga bagay, o sa pinakamababa; kahit mayroong anumang bagay na mahigit pa kay sa lahat, o anumang bagay na mas mababa sa lahat; kahit may mga anumang kilos, o wala; kahit ang mga bagay na nakikita ay palagi, at lilitaw palagi; kahit pumaparito silang buhay na walang manlilikha, at lumilipas sila na walang manglilipol. Kung aking sabihin, ang pagtalakay ng mga bagay na ito ay umpisahan, iniisip ko na ang mga bagay na sinisiyasat ang kung alinman sa tinatalakay batay sa masikap na pagsusuri, ay lilinawin ng walang hirap. At kapag ang mga ito'y nalinawan, ang kaalaman ng mga nagsisisunod ay madaling makakasumpong. Inilahad ko na ang aking payo; nawa'y masiyahan ka sa pagtapat ng kung ano ang iyong iniisip sa mga kadahilanan.”
Kabanata 21
[edit]Tungkol dito'y hiniling ni Pedro: “Sabihin mo kay Simon sa sandali upang gawin ayon sa kaniyang pagbibigay-lugod, at upang siguruhing tiwasay yaong pinagkalooban ng Dakilang Diyos, siya'y nakahandang hanapin tayo palagi.” At sa oras na iyon ay lumabas si Zaqueo para ipahiwatig kay Simon kung anong isinalaysay niya. Nguni't tiningnan kami ni Pedro, at nakita niya na ako'y nalulumbay sa pagpaliban sa pagtatalo, ay kaniyang sinabi: “Ang sumasampalataya na ang sanglibutan ay pinangasiwaan ayon sa kalinga ng Kataastaasang Diyos, ay hindi kailangang magkamali, O kaibigan kong Clemente, sa kahit anumang paraan na maganap ang katangi-tanging mga bagay, palibhasa'y totoo na ang katuwiran ng Diyos ay gumagabay sa maluwag at angkop na suliranin kahi't ang mga bagay na iyan ay parang kalabisan o salungat sa ano mang gawain, at lalo na sa mga nagsisisamba sa Kaniya ng mas taimtim; anupa't siya'y panatag sa mga bagay na ito, gaya ng aking sinasabi, kung ang anumang bagay ay magkataong sumalungat sa kaniyang hangarin, ay natutunan niya kung paano itaboy ang kalungkutan mula sa kaniyang isipan dahil sa ulat na iyan, na walang dudang pinaghahawakan sa mas mabuti niyang kahatulan, na sa pamamagitan ng pamahalaan ng mabuting Diyos, kung ano man ang inaakalang salungat ay maaaring palitan ng mabuti. Kaya nga Oh Clemente, kahit ngayo'y huwag kang malulumbay sa ganitong pagpaliban ni Simon Mago: dahil naniniwala ako na ito'y ginawa sa pamamagitan ng kalinga ng Diyos, para sa ikabubuti mo; upang sa ganitong patlang ng pitong araw ay maipaliwanag ko sa iyo ang pamamaraan ng aming pananampalataya nang walang sino man ang gumagambala, at ang walang tigil na alituntunin, ayon sa kaugalian ng totoong Propeta, na Siya lamang ang nakakaalam sa panahong lumipas gaya ng una, sa panahong kasalukuyan gaya ngayon, at sa panahong darating gaya nila na lilitaw: kung saan ang mga bagay ay talagang malinaw na sinasalita ayon sa Kaniya, subali't hindi malinaw na nakasulat; anopa't lalong higit na kapag ibinabasa sa kanila, ay hindi sila matatalastas ng walang tagapagpaliwanag, tungkol sa ulat ng kasalanang lumalaki sa mga tao, gaya ng sinabi ko noong una. Sa gayon ay ipapaliwanag ko sa iyo ang lahat ng mga bagay, upang sa mga bagay na nasusulat ay maiintindihan mo ng malinaw kung ano ang nasa isip ng Tagapaglagda Ng Kautusan.”
Kabanata 22
[edit]Nang masabi niya ito, siya'y nagpasimulang magpaliwanag sa akin ng paksa sa paksa tungkol sa mga kabanata ng alituntunin na wari'y nagiging suliranin, mula sa umpisa ng paglalang kahit na sa dulo ng oras kung saan pumaroon ako sa kaniya sa Cesarea, na sinasaysay niya sa akin na ang pagpaliban ni Simon ay nag-aambag sa aking pagkatuto ng lahat ng mga bagay sa kaayusan. Sabi niya, “Sa ibang mga pagkakataon ay tatalakayin natin nang mas lubos sa sariling mga paksa na sa oras na ito'y kaagad nating sinasalita, ayon sa kadahilanan ng ating pag-uusapan na sila'y dalhin sa ating harapan; kaya nga, alinsunod sa aking pinapangako ay magtatamo ka ng lubos at sakdal na kaalaman sa lahat. Mula noon, mayroon tayo ngayon sa ating mga kamay ng pagpaliban nito, nais ko muling balikan sa iyo kung ano ang sinasalita, upang mas mabuting gunitain ito sa iyong isipan.” Pagkatapos ay sinimulan niyang pasiglahin ang aking alaala sa ganitong pamamaraan ng kung ano ang kaniyang nasasabi: “Natatandaan mo ba, O kaibigan kong Clemente, ang kasaysayan na ibinigay ko sa iyo tungkol sa walang hanggang panahon, upang maunawaang di-magwawakas?” Kasunod ay aking sinabi, “Hindi ko kailanman matatandaan ang ano man, O Pedro, kapag nawalan o nakalimutan ko iyan.”
Kabanata 23
[edit]Nang magkagayo'y si Pedro, pagkarinig ng aking sagot na may kagalakan, ay nagsabi: “Binabati kita dahil nasagot mo nang gayon, hindi dahil sa sinalita mo ang mga bagay na ito na madali, kundi dahil inaamin mo na doo'y iyong naaalala; sapagka't ang mga katotohanan na lubhang dakila ay pinakamabuting dangal sa pamamagitan ng katahimikan. Subalit sa pagtitiwala sa mga bagay na iyon na kung saa'y iyong naaalala hinggil sa mga bagay na hindi sinasalita, sabihin mo sa akin kung ano ang pumipigil sa iyo sa mga bagay na iyon na sinalita natin sa ikalawang bahagi, kung saan ay maaaring salitain nang maluwag, na ipahiwatig ang nananatili mong alaala, upang mas madali kong maituro sa iyo, at malayang buksan ang mga bagay tungkol sa kung alinman ang nais kong salitain.” Sa oras na iyon, nang maunawaan ko na siya'y nagalak sa mabuting alaala ng mga tagapakinig niya, ay aking sinabi: “Hindi lamang ako'y maalalahanin sa iyong pakahulugan, kundi gayundin sa paunang salita na iniugpong sa pagsasalaysay ng kahulugan; at tungkol sa lahat ng mga bagay na malapit noong ipinaliwanag mo, ay aking pinapanatili ng lubos ang kahulugan, bagama't hindi lahat ng mga salita; dahil ang mga bagay na iyong sinasabi ay naisagawa, ayon sa katutubo at likas sa aking kaluluwa. Sapagka't iyong ipinahawak sa akin ang pinakamatamis na saro dahil sa labis kong pagkauhaw. At yao'y huwag mong ipagpalagay na ako'y magtatalaga sa iyo ng mga salita, sa paraang walang naaalala sa mga bagay, ngayon ay dadalaw ako upang isipin ang mga bagay na sinasabi, sa kung alinman ang utos ng iyong pagtalakay ay malaking tulong sa akin; sapagka't ang daan sa kung saan mo sinasalita ang mga bagay ay sinusunod ayon sa kinalalabasan sa isa't isa, at naaayos sa balanseng pamamaraan, na doo'y walang hirap na ginugunita sa isipan ayon sa mga hanay ng kanilang kalagayan. Sapagka't ang kalagayan ng mga salita ay mapapakinabangan upang alalahanin doon: dahil kung naumpisahan mong magtalima roon ng turo-turo sa mana, kapag ang ano mang bagay ay nagkukulang, ang kahulugan ay agad iyon naghahanap; at kapag nasumpungan iyon, ay pinapanatili iyon, o sa lahat ng mga pangyayari na kung hindi iyon matuklasan, wala na doong pag-aatubili upang hingin iyon sa panginoon. Nguni't walang magpapaliban sa pagbigay ng kung ano ang iyong sakdal tungkol sa akin, sandali na lamang ay uulitin ko kung ano ang iyong inihatid sa akin tungkol sa pagpakahulugan ng katotohanan.”
Kabanata 24
[edit]“Mayroong nabubuhay palagi, mayroon ngayon, at mayroong lilitaw sa anomang panahon, na sa pamamagitan nito'y binubuhay ang unang Habilin na panganay mula sa walang hanggan; at mula sa unang Habilin ay lumabas ang ikalawang Habilin. Pagkaraan ng mga ito'y dumating ang sanglibutan; at mula sa sanglibutan ay dumating ang panahon: mula rito, ang karamihan ng mga tao; mula sa karamihan ay ang pagkahirang ng mga minamahal, mula sa taglay ang kaisahang talino ay itinayo ang mapayapang kaharian ng Diyos. Nguni't ang mga iba, na kinakailangang sundin ang mga ito, ipinangako mong sabihin sa akin sa ibang pagkakataon. Datapuwa't dito, kapag iyong ipinaliwanag ang tungkol sa paglalang ng sanglibutan ay iyong ipinahiwatig ang utos ng Diyos, “kung saa'y Kaniyang naipabalita sa kinaroroonan ng lahat na mga unang anghel, mula sa sarili Niyang galak na mabuti,” at kung saa'y Kaniyang inilagay ang walang hanggang kautusan sa lahat; at kung papaano Niya naitatag ang dalawang kaharian,—ang ibig kong sabihin ay na sa panahong kasalukuyan at na sa hinaharap,—at mga takdang kapanahunan sa bawa't isa, at pasiya upang sa araw ng paghuhukom ay asahan, kung saan ay Kaniyang itinakda, na ang paghihiwalay ay magagawa sa mga bagay at sa mga kaluluwa: anopa't ang masama nga'y ibibigay sa walang hanggang apoy dahil sa kanilang mga kasalanan; subali't doon sa mga nagsipamuhay alinsunod sa kalooban ng Diyos na Manlilikha, pagkatanggap ng pagpapala dahil sa kanilang mabubuting gawa, pagkinang ng maningning na ilaw, pagpasok sa walang hanggang tahanan, at pagtira sa walang kasiraan ay tatanggap ng walang hanggang mga handog mula sa di masaysay na pagpapala.”
Kabanata 25
[edit]Habang ako'y nagpapatuloy sa ganitong paraan, sumiglang may galak si Pedro, at nabalisa sa akin na parang ako'y naging kaniyang anak, baka sakaling makaligtaan ko sa pag-aalala sa mga iba, at malagay sa kahihiyan dahilan sa mga naririto, at kaniyang sinabi: “Sukat na, O Clemente, sapagka't ipinahayag mo ang mga bagay na ito ng mas malinaw kaysa aking sarili na ipinaliwanag sa kanila.” Nang magkagayo'y sinabi ko, “Ibinigay sa akin ng saganang turo ang kapangyarihan ng maayos na pagsasalaysay, at sa paglalahad ng mga bagay na iyon ng malinaw sa kung saan mayroong pagkakataon. At kung tayo'y gumamit ng turo sa pagpahayag ng mga kamaliang galing sa kalaunan, pinapahamak natin ang ating sarili ayon sa kariktan at kakinisan ng pananalita; datapuwa't kung ating iakma ng turo at biyaya ng pananalita sa badya ng katotohanan, iniisip ko na hindi ang kaunting lamang ay makuha sa gayong paraan. Marahil, panginoon kong Pedro, hindi mo mahahaka sa kung anong pasasalamat ang naghatid sa akin sa lahat ng mga natira tungkol nga sa iyong tagubilin, nguni't sa bukod-tanging pahayag ng ganyang turo na iyong ibinigay: May iisang Diyos na lumikha sa sanglibutan, at sa kanila, dahil Siya'y sa lahat ng mga bagay na matuwid, na bibigyan ang bawa't isa ayon sa kaniyang mga gawa. At pagkaraan na iyong dinagdagan: Sapagka't ang badya ng ganitong paniniwalang di mabilang na mga libong mga salita ay inihahatid sa dakong harap; nguni't sa mga iyon na sa kaniya'y isinaalang-alang ang kaalaman ng totoong Propeta, lahat ng kakahuyang ito sa mga salita ay mapuputol. At sa ganitong salaysay, buhat nang maihatid mo sa akin ang isang panayam hinggil sa totoong Propeta, ipinapatatag mo akong may buong tiwala ng iyong mga badya.” At sa oras na iyon, pagkatalastas na ang kabuuan ng lahat ng relihiyon at kabanalan ay nababatay rito, agad akong sumagot: “Ipinagpatuloy mong mahusay nang higit sa lahat, O Pedro: kaya sa panahong darating, ay ipaliwanag mo ng walang alinlangan, gaya ng sa isa na nakatatalastas na kung ano ang pinagsasaligan ng pananampalataya at pagkabanal, ang mga sali't-saling sabi ng totoong Propeta, na wari'y talagang nagpatotoo, na Siya lamang ang dapat paniwalaan. Nguni't ang ganyang paliwanag na kinakailangang may mga panggi-giit at mga pagtatalo, ay inilaan para sa mga hindi naniniwala, na sa iyo'y hindi ka pa akmang hinatulan upang ilagak ang di-maikakailang pananampalataya ng biyayang nauukol sa hula.” Nang sinalita ko nga ito, ay aking dinagdagan: “Nangako ka na ibibigay mo ang dalawang bagay sa tamang panahon: una'y ang paglalahad nito, sa pagka musmos at malaya sa lahat ng pagkakamali; at saka ang isang paglalahad ng bawa't sariling paksa na tila nagbabago sa takbo ng iba't ibang klaseng mga tanong na pumupukaw. At pagkatapos nito ay iyong ipinaliwanag ang karugtong ng mga bagay sa ayos mula sa pasimula ng sanglibutan, na gaya din sa kasalukuyang panahon; at kung ikalulugod mo, maaari kong ulitin ang kabuuan mula sa alaala.”
Kabanata 26
[edit]Dito'y sumagot si Pedro: “Ako'y lubhang naaaliw, O Clemente, na ipinagtatagubilin ko ang aking mga salita sa gayong tiwasay na puso; sapagka't sa pag-aalala ng mga bagay na sinalita ay isang palatandaan ng pagiging handa ang pananampalataya mula sa mga gawa. Datapuwa't hindi siya maliligtas, na dahil sa kaniya'y ninanakaw ng masamang demonyo ang mga salita ng kaligtasan, at ang mga ito'y inaagaw sa kaniyang alaala, na bagaman hangad niya ito; sapagka't sinasayang niya ang daan batay sa alinmang buhay ang naaabot. Kaya bagkus ay ulitin namin kung ano ang sinasabi, at patunayan ito sa iyong puso, iyan ay, sa anong pamamaraan o sa kanino nilikha ang sanglibutan, upang makapagpatuloy tayo sa pakikipagkaibigan sa Maylalang. Nguni't ang pakikipagkaibigan Niya ay matiwasay ayon sa pamumuhay ng lubos, at sa pagsunod sa Kaniyang kalooban; na ang kalooban ay ang kautusan sa lahat na nabubuhay. Samakatuwid ay aming isisiwalat agad ang mga bagay na ito sa iyo, para mas tiyak itong matandaan.”
Kabanata 27
[edit]“Sa pasimula, nang nilikha ng Diyos ang langit at ang lupa, na katulad sa iisang bahay, ang anino na inilitaw ng mga lamang nauukol sa lupa'y napabilang sa kadiliman kung saan ang mga bagay na ito ay naisama doon. Nguni't kung ang kalooban ng Diyos ay may iniharap na liwanag, ang kadilimang iyan na idinulot ayon sa mga lilim ng mga laman ay kaagad itinataboy: at sa wakas ay itinalaga ang liwanag para sa araw, kadiliman para sa gabi. At ang tubig sa ngayon na nasa sanglibutan, sa pagitan ng unang langit at lupa, na namuo gaya ng hamog, at gaya ng bubog, ay napaluwang, at ang pagitan ng langit at lupa'y nahiwalay ayon sa kalawakan ng ganitong uri; at tinawag ng Maylalang ang kalawakang iyan na langit, anopa't tinawag sa pangalan ng dating gawa niyaon: at hinati naman Niya sa dalawang bahagi ang kaanyuan ng daigdig, na bagaman ito'y isang bahay lamang. Ang dahilan ng paghahati ay ganito, na ang bahagi sa itaas ay magkaroon ng isang dakong tahanan para sa mga anghel, at para sa mga tao ang sa ibaba. Pagkatapos nito, ang lugar ng dagat at look na ginawa ay tumanggap ng bahagi mula sa tubig kung saan nanatili sa ibaba, ayon sa utos ng Kalooban na walang hanggan; at ito'y umaapaw sa mga guwang at padaluyan, ang lupaing tuyo'y lumitaw; at ang pagkakaipon ng mga tubig ay nagiging mga dagat. At pagkaraan nito, ang lupa na lumitaw ay nagkakatubo ng iba't ibang klaseng mga damo at mga mababang punong kahoy. Nagbigay rin naman ito ng mga bukal at mga ilog, hindi lamang sa mga kapatagan, kundi sa mga bundok. At lahat nga ng mga bagay ay nakahanda, upang ang mga tao na makapanirahan doon ay magkaroon sila ng kapangyarihan na gamitin ang lahat ng mga bagay na ito ayon sa kanilang nais, samakatuwid baga'y sa ikabubuti man o sa ikasasama.”
Kabanata 28
[edit]“Pagkatapos nito ay pinagayakan Niya ng mga bituin ang nakalitaw na langit. Inilagay rin Niya ang araw at ang buwan doon, upang masiyahan ang araw sa liwanag ng isa, at saka ang gabi para sa iba; at sa panahong yaon na ang mga ito'y magiging tanda ng mga bagay sa nakalipas, ngayon at hinaharap. Sapagka't ginawa ang mga ito para maging tanda ng mga panahon at ng mga araw, bagama't nakikita nga ng lahat ang mga ito, na sa marurunong at matatalino lamang ang nakaka-unawa. At nang makaraang ito, na inilagay Niya ang mga nilalang na nabubuhay upang magka-anak sa lupa at sa mga tubig, ay lumikha Siya ng Paraiso, na Kaniya rin naman pinanganlang dako ng mga katuwaan. Nguni't pagkatapos ng lahat ng mga bagay na ito ay lumikha Siya ng tao, na sa pagsasalaysay ay may inihanda Siya sa lahat ng mga bagay, na ang kaluluwa niya ay datihan, at ginawa ang lahat ng mga bagay na iyon para sa kaniya, na ibinigay sa kaniyang kapakinabangan, at ipinagkaloob upang kailangan sa kaniyang tahanan.”
Kabanata 29
[edit]“Lahat nga ng mga bagay sa langit, at sa lupa, at sa mga tubig ay natapos, at ang sangkatauhan din naman ay dumadami, sa ikawalong salit-saling lahi, ang banal na mga tao, na nanirahan sa pamumuhay ng mga anghel, palibhasa'y tinutukso ayon sa kagandahan ng mga babae, ay nangahulog sa halohalo at wala sa katuwirang mga pag-uugnay sa mga ito; at buhat noo'y kumikilos sa lahat ng mga bagay ng walang katuwiran, at walang kaayusan, kanilang binabago ang kalagayan ng pamumuhay ng tao at ang kabanalan na nagtatakda ng kaayusan sa buhay, na ano pa't maging sa paghihikayat o pagdadahas ay kanilang pinipilit ang lahat ng mga tao upang magkasala laban sa Diyos na Maylalang sa kanila. Sa ikasiyam na salit saling lahi ay ipinanganak ang mga higante, na tinatawag naman mula noong unang panahon, hindi ang paa ng dragon, na ayon sa mga katha-katha ng mga Griyego ay ikinikuwento, nguni't mga tao na may malaking mga katawan, na ang mga butong may malaking sukat na di kawasa ay nagpapakita pa rin sa ilang mga dako para sa pagpapatotoo. Datapuwa't ang makatarungang kalinga ng Diyos laban sa mga ito ay nagpadagsa ng isang baha sa sanglibutan, upang ang lupa'y mapalinis mula sa kanilang karumihan, at ang lahat ng dako ay maiuuwi sa isang dagat ayon sa kasiraan ng mga makasalanan. Subali't may nasumpungang isang taong matuwid sa panahong iyon, na ang pangalan ay Noe, na dinala sa loob ng isang arka kasama ang tatlo niyang mga anak at mga asawa nila, ay nagiging mananakop sa sanglibutan matapos ang paghupa ng mga tubig, kasama ng mga hayop at mga binhi roon na kaniyang ikinulong kasama niya.”
Kabanata 30
[edit]“Sa ikalabingdalawang sali't-saling lahi, noong binasbasan ng Diyos ang mga tao, at sila'y nagpasimulang dumami, kanilang tinanggap ang isang utos na sila'y huwag titikim ng dugo, sapagka't sa pagpapaliwanag rin tungkol dito ay nagpaparating ng delubyo. Sa ikalabingtatlong sali't-saling lahi, nang gumawa ng hindi mabuti sa kaniyang ama ang pangalawa sa tatlong anak ni Noe, at sinumpa sa pamamagitan niya, siya'y nagdala ng kalagayang pagkaalipin sa kaniyang angkan. Habang ang nakatatanda niyang kapatid na lalaki ay nagkamit ng bahagi ng tahanang dako sa gitnang lupain ng sanglibutan, na lalawigan ng Judea; kinamtan ng bunso ang dakong silanganan, at kalunuran ang sa kaniya. Sa ikalabingapat na sali't-saling lahi, isa sa isinumpang lahi noong una ay nagtayo ng isang dambana sa mga demonyo, para sa layunin ng mahiwaga na mga sining, at naghandog roon ng dumugong mga hain. Sa ikalabinglimang sali't-saling lahi, inilagay ng mga tao ang anito at saka iyon sinamba sa unang pagkakataon. Hanggang sa panahong yaon na ang wikang Hebreo ay nagdala ng tanging kapamahalaan, na ibinigay ng Diyos sa mga tao. Sa ikalabinganim na sali't-saling lahi ay nagsilipat ang mga anak ng mga tao sa silanganan, at pumaroon sa mga lupain na itinalaga sa kanilang mga magulang, bawa't isa'y nakatatak sa dako ng mayroon siyang pinakabahagi ayon sa kaniyang sariling katawagan. Sa ikalabingpitong sali't-saling lahi ay naghari si Nimrod sa Babilonia, at nagtayo ng isang lungsod, at buhat doon ay nangibang-bayan siya sa mga taga Persia, at saka tinuruan niya sila upang sumamba sa apoy.”
Kabanata 31
[edit]“Sa ikalabingwalong sali't-saling lahi ay naitayo ang mga bayang nakukutaan, ang mga hukbo'y binuo at nasasakbatan, ang mga hukom at ang mga batas ay ipinagtibay, ang mga templo ay itinayo, at ang mga prinsipe ng mga bansa ay isinasamba na parang mga diyos. Sa ikalabingsiyam na sali't-saling lahi, ang mga lahi niya na isinumpa pagkaraan ng bahang gumunaw ay yumaon sa dako pa roon ng kanilang mga hangganan na kinamtan nila ayon sa bahagi sa mga lupain ng kanluran, inilipat sa mga lupain ng silanganan yaong mga nagkamit ng gitnang bahagi ng sanglibutan, at ipinagpatuloy nila hanggang sa Persia, samantalang marahas rin nilang kinuha ang ari-arian ng lupain na kanilang pinalayas sila. Sa ikadalawampung sali't-saling lahi, namatay ang anak na lalaki sa unang pagkakataon bago ang kaniyang ama, dahil sa salang pakikiapid sa kamag-anak.”
Kabanata 32
[edit]“Sa ikadalawampu't isa ng sali't-saling lahi ay may isang lalaking matalino, sa lahi ng mga yaong pinalayas, na pinaka matandang anak sa angkan ni Noe, na ang pangalan ay Abraham, na mula sa kaniya nanggaling ang ating bayang Hebreo. Kapag ang buong daigdig ay muling pinalaganap ng mga kamalian, at kapag sa pangingilabot ng mga sala ay nakahanda ang kapahamakan niyaon, sa pagkakataong ito'y hindi sa pamamagitan ng tubig, kundi sa apoy, at nang nakalaylay na ang parusa sa buong lupa, simula sa Sodoma, kinamtan ng Diyos ang taong ito na ang buong daigdig ay huwag mapahamak, ayon sa katuwiran ng kaniyang pakikipagkaibigan sa Diyos, na kinalulugdan siya. Ang ganito ring tao sa una, palibhasa'y dalubhasa sa bilang at ayos ng mga bituin, ay nakakakilala sa Maylalang, at nakakaunawa na ang lahat ng mga bagay ay pinangalagaan ayon sa Kaniyang talaga, samantalang ang lahat ng mga iba ay sa kamalian. Kung saan din naman ang anghel, na nakatayo sa tabi niya dahil sa pangitain, ay nagsaysay pa sa kaniya nang lubos tungkol sa mga bagay na iyan na kaniyang pinasimulang ipahiwatig. Nagpakita din siya sa kaniya kung ano ang nauukol sa kaniyang lahi at kaapuapuhan, at nakapangako sa kaniya na ang mga nayon doon ay maibabalik kay sa ibigay sa kanila.”
Kabanata 33
[edit]“Kaya't si Abraham, nang nais niyang matuto ng mga layunin tungkol sa mga bagay, at sinasadyang magnilay-nilay sa kung anong isinalaysay sa kaniya, ay napakita sa kaniya ang totoong Propeta, na tanging nakakaalam ng mga puso at haka mula sa mga tao, at isiniwalat sa kaniya ang lahat ng mga bagay anoman sa ninanais niya. Kaniyang tinuruan siya ng kaalaman mula sa Maykapal; ipinahayag ang pinagmulan ng sanglibutan, at pati ang katapusan nito; ipinakita sa kaniya ang walang kamatayang kaluluwa, at ugali ng pamumuhay na kalugud-lugod sa Diyos; gayundin isinaysay ang pagkabuhay na mag-uli ng mga patay, ang paghuhukom sa hinaharap, ang gantimpala ng mga mabubuti, ang kaparusahan ng mga masasama,—lahat ay isinaayos ayon sa matuwid na paghatol: at nang ibinigay ang lahat ng balitang ito ng may kasapatan at malinaw sa kaniya, ay muli Siyang umalis sa hindi nakikitang tahanan. Subali't habang si Abraham ay nasa kawalang malay pa rin, gaya ng aming sinabi sa iyo noong una, dalawang anak na lalake ang ipinanganak sa kaniya, na ang una'y tinatawag na Ismael at ang ikalawa'y si Eliezer. Mula sa una ay nanggaling ang tampalasang mga bansa, mula sa ikalawa ay ang bayan ng mga taga Persia, ang ilan sa kanila ay may pagkukupkop sa kaugalian ng buhay at sa mga samahan ng kanilang mga kapuwa, ang mga Brahma. Ang mga iba'y nanirahan sa Arabia, na ang ilan rin sa kanilang kaapuapuhan ay nagsipangalat sa Egipto. Mula sa kanila, ang ilan sa mga Indiano at mga Egipcio ay natutong mangagtuli, at mangagtalimang dalisay kay sa mga iba, na kahit pagkaraan ng ilang panahon ay nangagbalik sa kasamaan ang pinakamahalaga sa kanila kung ano ang patotoo at tanda ng kadalisayan.”
Kabanata 34
[edit]“Gayon pa man, ayon sa pagkamit niya ng dalawang anak na ito noong panahon habang nabubuhay pa siya sa kamangmangan ng mga bagay, pagkatanggap ng kaalamang galing sa Diyos ay itinanong niya sa Matuwid na maging karapat-dapat siya upang magkaanak sa piling ni Sara na talagang asawa niya, bagaman siya'y baog. Siya'y nagkaanak ng isang lalake, na ipinangalan niyang Isaac, na sa kaniya'y dumating si Jacob, at sa kaniya ay ang labingdalawang patriarka, at sa mga ito'y ang labingdalawang pitumpu't dalawa. Ang mga ito'y dumating sa Egipto kasama ang buong angkan nila noong nangyari ang kagutom; at sa pagdaan ng apat na raang taon, na dumami ayon sa basbas at pangako ng Diyos, sila'y dinadalamhati ng mga Egipcio. At nang dinadalamhati sila ay napakita ang totoong Propeta kay Moises, at saka sinugatan ang mga Egipcio ng sampung salot, nang ayaw nilang paalisin ang bayang Hebreo mula sa kanila, at kaniyang dinala ang bayan ng Diyos palabas ng Egipto; at nagsibalik sa kanilang lupaing tinubuan. Nguni't ang mga Egipciong yaon na nakaligtas mula sa mga salot, palibhasa'y hinawaan ng malaking poot mula sa kanilang hari, ay hinabol ang mga Hebreo. At nang maabutan nila sila sa tabi ng dagat, at inisip nilang puksain silang lahat, ay ibinuhos ni Moises ang pagdarasal sa Diyos, na hawiin ang dagat sa dalawang bahagi, ano pa't ang tubig ay nakatangan sa kanan at sa kaliwa na parang nagyeyelo, at tumawid ang bayan ng Diyos na gaya ng sa tuyong daan; nguni't ang mga Egipciong nangaghabol sa kanila, na nagsidaling pumasok ay pawang nangalunod. Sapagka't noong lumabas ang huli sa mga Hebreo, ay nalunod sa dagat ang huli sa mga Egipcio; at pagdaka'y ang mga tubig sa dagat, na nangataling gaya ng sa hamog ayon sa kaniyang kapangyarihan, ay nangakalas ayon sa kapangyarihan niya na ipinatali niya doon, at ibinalik ang kanilang likas na kalayaan, na ipinarusa sa masamang bansa.”
Kabanata 35
[edit]“Pagkatapos nito, ay inihatid ni Moises ang bayang Hebreo palabas sa ilang, ayon sa iniutos ng Diyos, na ang kalinga ay sa lahat; at pagkaiwan sa pinakaikling daang patungo sa Egipto hanggang sa Judea, ay dinala niya ang bayan sa mahabang pagliliko sa ilang, upang sa turo ng apat na pung taon, ang karanasan ng pagbabagong ugali ng buhay ay makapagpapaalis ng mga kasamaan na kumakapit sa kanila sa totoong malaon na pakikitalik sa mga kaugalian ng mga Egipcio. Samantalang sila ay dumating sa Bundok ng Sinai, at mula rito ay ibinigay sa kanila ang batas na may mga tinig at mga tanaw mula sa langit, na nakasulat sa sampung utos, na ang una at kalubus-lubusan ay Siya lamang na Diyos ang nararapat nilang sambahin, at huwag gagawa para sa kanila ng kahit anong anyo o hugis sa pagsamba. Datapuwa't nang sumampa si Moises sa bundok, at nanatili doon ng apat na pung araw, ang bayan, bagaman kanilang nakita ang Egipto na sinaktan ng sampung salot, at ang dagat ay hinawi at nilampasan sa pamamagitan nila sa paglakad, ibinigay rin sa kanila ang mana mula sa langit dahil sa tinapay, at inumin ay pinunan sa kanila mula sa bato na sumunod sa kanila, kung saan ang uri ng pagkain ay nagiging anomang lasa sa sinomang may nais; at kahit na malagay sa ilalim ng napakainit na pook ng langit, ay tinatakpan sila ng isang ulap sa araw, upang hindi sila mangapaso sa init, at saka sa gabi ay tinatanglawan ng isang haligi ng apoy, baka ang kakilakilabot na kadiliman ay madagdagan sa pag-aaksaya sa ilang;—ang bayan rin na iyon, sinasabi ko, noong nalabi si Moises sa bundok, ay gumawa at sinamba ang isang ginintuang ulo ng guya, batay sa anyo ni Apis, na kanilang nakita sa Egipto na sinasamba; at pagkatapos ng napakarami at napakadakilang mga kababalaghan na nakita nila, ay walang kakayahan upang linisin at hugasan ang mga pagkahawa ng dating gawi mula sa kanilang sarili. Sa ganitong kasaysayan, inihatid sila ni Moises sa napakalawak na palibot ng ilang, na iniwan ang makipot na daang patungo sa Egipto hanggang sa Judea, baka sakaling may kakayahan siya, gaya ng aming nabanggit noong una, upang maiwasan ang mga kasamaan ng dating gawi sa pamamagitan ng pagpalit ng bagong karunungan.”
Kabanata 36
[edit]“Samantala nang matalastas ni Moises, na tapat at pantas na tagapamahala, ang bisyo ng paghahandog sa mga diyus-diyosan ay lubhang nakatanim sa bayan dahil sa kanilang kaugnayan sa mga Egipcio, at ang ugat ng kasamaang ito'y hindi makuha mula sa kanila, kaniya ngang pinapayagan sila na makapaghandog, nguni't ito'y pinahintulutang gawin para lamang sa Diyos, upang sa anomang paraan ay kaniyang mahiwalay ang kalahati ng labis na kasamaang tinanim, na iniwan ang ibang kalahati upang maituwid ng iba, at sa panahong darating; sa pamamagitan Niya, sa makatuwid baga'y tungkol na rin sa kaniya ay sinabi niya, ‘Palilitawin ng Panginoon ninyong Diyos ang isang propeta sa inyo, na siya ninyong maririnig kagaya ko, ayon sa lahat ng mga bagay na Kaniyang sasalitain sa inyo. Sinomang hindi makikinig sa propetang yaon, ang kaluluwa niya ay mahihiwalay mula sa kaniyang bayan.’”
Kabanata 37
[edit]“Bilang karagdagan sa mga bagay na ito, ay nagtalaga naman siya ng isang dako na ito'y nararapat lamang sa kanila upang maghain sa Diyos. At lahat ng ito'y nakaayos sa ganitong pagtanaw, na kapag dumating ang tamang panahon, at kanilang matutunan sa pamamagitan ng Propeta na ang Diyos ay naghahangad ng kaawaan at hindi alay, makikita nila Siya na nagtuturo sa kanila na ang dakong pinili ng Diyos, na nararapat diyan na ang mga biktimang inihahandog sa Diyos, ay ang kaniyang Karunungan; at yaong sa ibang panig ay kanilang mapakinggan na ang dakong ito, na wari'y pinili dahil sa ilang panahon, na madalas ginugulo kagaya ng masasama na sumalakay at nandarambong, ay tila nawasak sa huli. At sa kaayusan upang tatakan ito sa kanila, kahit bago pa man ang pagdating ng totoong Propeta, na agad magtatakwil sa mga alay at sa dako, ito'y madalas na nilolooban ng mga kaaway at natutupok ng apoy, at dinala ang bayan sa pagkabihag sa mga tagaibang bansa, at saka ibinalik nang lumagak sila sa habag ng Diyos; upang mangaturuan sila sa pamamagitan ng mga bagay na ito na ang bayan na naghahandog ng mga alay ay itinatangay at ibinibigay sa mga kamay ng kaaway, nguni't ang mga gumagawa ng habag at katuwiran ay walang mga alay na ligtas na sa pagkabihag, at naibalik sa kanilang lupaing tinubuan. Subali't nangyari na napagunawa ito ng totoong kaunti; sapagka't ang lalong malaking bilang, bagaman kanilang nalalaman at nasusunod ang mga bagay na ito, ay nakatali pa sa hindi makatuwirang paniniwala ng mga karaniwang tao: sapagka't ang mabuting paniniwalang may kalayaan ay ang tangìng karapatan ng kaunti.”
Kabanata 38
[edit]“Si Moises nga, nang maisaayos ang mga bagay na ito, at nang maihalal niya na una si Josue sa bayan upang kaniyang dalhin sila sa lupain ng kanilang mga magulang, siya mismo'y umahon sa bundok ayon sa iniutos ng Diyos na buhay, at doon namatay. Nguni't ganito ang kaugalian ng kaniyang kamatayan, na kahit isa'y walang makakita sa kaniyang libingan hanggang ngayon. Kaya, nang makarating ang bayan sa lupain ng kanilang mga magulang, sa pamamagitan ng kalinga ng Diyos, sa kanilang unang simula ay dinaanan ang mga nananahan sa masasamang mga angkan, at sila'y nagsipasok sa mana ng kanilang ama, na ipinamahagi sa kanila ng sapalaran. Sapagka't pagkatapos noon ng ilang panahon ay nangagpupuno sila hindi ng mga hari, kundi ng mga hukom, at nanatili sa kaunting payapa na kalagayan. Datapuwa't nang sila'y humahanap para sa kanila ng mga maniniil kay sa mga hari, kasunod pati ng hangaring nauukol sa hari ay nagtayo sila ng templo sa dako na itinalaga sa kanila para sa panalangin; at kaya, dahil sa pagsunod sa mga masasamang hari, ang bayan ay nahulog sa lalong malaki at lalo pang malaking kasamaan.”
Kabanata 39
[edit]“Datapuwa't nang nalalapit na ang pagkakataon upang mapunan kung anong kulang sa mga kaugalian ni Moises, gaya ng aming sinabi, at upang magpakita ang Propeta, na hinulaan niya na Kaniyang paalalahanan sila na tumigil sa paghahain ayon sa habag ng Diyos; baka sakaling mapaniwala nila na sa pagtigil ng alay doon ay walang kapatawaran sa kanila ng mga kasalanan, Siya'y nagtatag ng bautismo ng tubig sa gitna nila, na sila'y mangapatawad sa lahat ng kanilang mga kasalanan sa pamamagitan ng pagtawag sa Kaniyang pangalan, at sa hinaharap, na sinusunod ang sakdal na pamumuhay ay mananahan sa walang kamatayan, palibhasa'y dinalisay hindi sa pamamagitan ng dugo ng mga hayop, kundi sa pamamagitan ng paglilinis na galing sa Karunungan ng Diyos. Sa dakong huli naman, isang malinaw na pagpatunay nitong dakilang hiwaga ay pinupunan dahil sa katotohanan, upang ang bawa't sumampalataya sa Propetang ito na ipinahula ni Moises ay binabautismuhan sa Kaniyang pangalan, hindi masasaktan mula sa kapahamakan ng digmaan na nagbabanta sa hindi sumasampalatayang bansa, at dako rin; nguni't yaong mga hindi nagsisampalataya ay magiging mga patapon sa kanilang dako at kaharian, na kahit laban sa kalooban nila ay kanilang maunawaan at talimahin ang kalooban ng Diyos.”
Kabanata 40
[edit]“Ang mga bagay ngang ito ay pinaayos ng una, na Siyang inaasahang dumating, na magdadala ng mga tanda at mga himala ayon sa Kaniyang mga katibayan na Siya'y dapat mahayag. Nguni't hindi rin naman sumampalataya ang bayan, bagama't pinahubog sila sa pananampalataya ng mga bagay na ito sa lubhang maraming mga panahon. At hindi lamang sila'y hindi sumampalataya, kundi dinagdagan pa nila ng pamumusong sa kawalan ng pananampalataya, at sinasabi na Siya'y isang taong matakaw at isang manginginom ng alak, at Siya'y pinakilos ng demonyo, kahit Siya na dumating para sa kanilang kaligtasan. Sa gayong saklaw ay nanaig ang kasamaan sa pamamagitan ng sangay ng mga masama; anopa't nagnanasang masangkot ang halos lahat sa masamang kakutyaan, datapuwa't sa Karunungan ng Diyos ay nakatutulong doon sa mga nagmamahal sa katotohanan. Kaya pinili Niya kami na labingdalawa, ang unang nagsisampalataya sa Kaniya, na pinanganlan Niyang mga apostol; at pagkatapos ay ang ikalawa na pitumpu't dalawang pinakasubok na mga alagad, na, kahit pahalagahan ang halimbawa ni Moises sa ganitong paraan, ang karamihan ay magsisampalataya na ito Siya na pinahula ni Moises, ang Propetang darating.”
Kabanata 41
[edit]“Datapuwa't sasabihin siguro ng mga iba na mangyayari sa kahit sinong makitulad sa dami; nguni't ano ang ating ipapahayag sa mga tanda at mga himala na Kaniyang ginawa? Sapagka't nakagawa si Moises ng mga himala at mga lunas sa Egipto. Siya rin naman na kaniyang ipinagpaunang sabihin na magbabangon Siya ng isang propeta kagaya niya, kahit na Siya'y nanggagamot ng bawa't karamdaman at sakit sa mga tao, na gumagawa ng mga himalang di-mabilang, at ipinangaral ang buhay na walang hanggan, ay minadali ng mga taong makasalanan sa krus, na ito’y ginawa, gayon pa man, sa pamamagitan ng Kaniyang kapangyarihan ay pinalitan ng kabutihan. Sa madaling salita, habang Siya'y nahihirapan, buong daigdig ay nagbata sa Kaniya; sapagka't ang araw ay nagdilim, ang mga bundok ay nayanig, ang mga libingan ay nangabuksan, ang tabing ng templo ay nahapak, ayon sa panaghoy dahil sa pagkawasak na nagbanta sa dako. At ngayon, bagaman ang buong daigdig ay nakakilos, ang kanilang mga sarili rin ay hindi man ngayon mangakilos sa pagsasaalang-alang ng ganito kalaking mga bagay.”
Kabanata 42
[edit]“Subali't yamang kinakailangan na ang mga Hentil ay maitawag sa lugar ng mga hindi nanatiling mananampalataya, ano pa't ang bilang ay pararamihin na naipakita kay Abraham, ang pangaral ng mapagpalang kaharian ng Diyos ay ipinahatid sa buong sanglibutan. Sa kasaysayang ito ay nangagagambala ang mga espiritu ng sanglibutan, na nagsisilaban palagi sa mga humahanap ng kalayaan, at nagsisigamit sa mga makina ng kamalian upang sirain ang gusali ng Diyos; habang doon sa mga nagmamadali sa luwalhati ng kaligtasan at kalayaan, na matapang na ginaganap ayon sa kanilang panananggalang sa mga espiritung ito, at sa pagpapagal ng malaking alitan laban sa kanila, ay nagsipagkamit ng putong ng kaligtasan na may mga palad ng pagtatagumpay. Samantala, nang magdusa na Siya, at nilamon ng kadiliman ang sanglibutan mula sa ikaanim hanggang sa ikasiyam na oras, pagsikat muli ng araw, at ang mga bagay ay naibalik sa kinagawian nilang daan, kahit nangagbalik ang mga masamang tao sa ganang kanilang sarili at sa dati nilang mga kaugalian, ang kanilang pangamba ay nangabawas. Sapagka't ang ilan sa kanila, na nagsipagbantay sa dako kalakip nang buong pag-iingat, nang sila'y hindi makapagpigil sa muli Niyang pagbangon, ay nagsabing Siya'y isang manggagaway; ang mga iba'y nangagpakunwari na Siya'y ninakaw.”
Kabanata 43
[edit]“Gayon ma'y ang katotohanan ay nanaig kahit saan; sapagka't sa patotoo ay ginawa ang mga bagay na ito sa pamamagitan ng dakilang kapangyarihan, na talagang kakaunti kami ay naging daan sa kaunting araw, sa pamamagitan ng tulong ng Diyos, na mas malayo kay sa kanila. Ano pa't ang mga saserdote ay nangatakot ng paminsan, baka sakaling sa kalituhan nila, ayon sa kalinga ng Diyos, ang buong bayan ay magsiparito sa aming pananampalataya. Samakatuwid sila'y nangagsugo ng madalas sa amin, at tinanong kami na kami ay makikipagpanayam sa kanila tungkol kay Hesus, kung Siya kaya ang Propeta na ipinahula ni Moises, na Siya ang Kristo magpakailan man. Sapagka't sa katangian lamang nito ay tila may anomang pagkakaiba sa pagitan namin na nagsisampalataya kay Hesus, at ng mga Hudyong hindi nagsisampalataya. Datapuwa't habang sila'y madalas na nakikiusap sa amin ng gayon, at hinanap namin sa tamang panahon, ang linggo ng mga taon ay natapos mula sa pagdurusa ng Panginoon, ang Iglesiya ng Panginoon na itinayo sa Herusalem ay lubhang dumami at lumago ng sagana, palibhasa'y pinamunuan ng pinakamabuting mga batas ni Santiago, na itinalagang obispo roon ng Panginoon.”
Kabanata 44
[edit]“Datapuwa't nang kami na labingdalawang apostol, sa araw ng paskua, ay nagsipagtipon kasama ng isang malawak na karamihan, at nagsipasok sa loob ng iglesiya ng mga kapatid, bawa't isa sa amin, sa kahilingan ni Santiago, ay karakarakang nagpahayag, sa pandinig ng bayan, kung anong ginawa namin sa bawa't dako. Habang nagtuloy pa ito, si Caifas, na dakilang saserdote, ay nagpadala ng mga saserdote sa amin at sa amin ay tinanong niya na kami'y magsiparoon sa kaniya, upang mapatunayan namin sa kaniya na si Hesus ay ang walang hanggang Kristo, o siya sa amin na Siya'y hindi, at sa ganito'y ang buong bayan ay magkakasundo sa isang pananampalataya o sa iba; at ito'y kaniyang pinapakiusapan kami upang gawin. Nguni't ipinagpaliban namin ito ng madalas, na hinahanap lagi sa lalong madaling panahon.” Nang magkagayo'y akong si Clemente, ay sumagot nito: “Inaakala ko na ang suliraning ito, kung Siya ay Kristo, ay may malaking kabuluhan sa pagkakatayo ng pananampalataya; sa ibang paraan ay hindi nga madalas na hihingi ang dakilang saserdote na matuto at makapagturo siya tungkol kay Kristo.” At si Pedro: “Nakasagot ka nang wasto, Oh Clemente; sapagka't sinoman ay hindi nakakakita na walang mga mata, ni nakakarinig na walang mga pakinig, ni nakakaamoy na walang mga butas ng ilong, ni nakakatikim na walang dila, ni nakakahawak ng anomang bagay na walang mga kamay, gayon din naman ay hindi mangyayari, na walang totoong Propeta, na makatalastas kung ano ang nakalulugod sa Diyos.” At sumagot ako: “Natutunan ko na sa iyong tagubilin na itong Propeta na totoo ay ang Kristo; nguni't gusto ko sanang matuto kung ano ang Kristo, o kung bakit Siya tinawag, upang hindi maglalabo at mag-aalangan sa akin ang paksa ng napakalaking kabuluhan.”
Kabanata 45
[edit]Nang magkagayo'y nagpasimula si Pedro upang ipabatid sa akin sa ganitong uri: “Noong nilikha ng Diyos ang sanglibutan, bilang Panginoon ng sansinukob, ay nagtalaga Siya ng mga pangulo sa ilang mga kinapal, na kasingpantay sa mga punong kahoy, at mga bundok, at mga bukal, at lahat ng mga bagay na ginawa Niya, gaya ng aming sinabi sa iyo; sapagka't ito'y lubhang mahaba sa pagbanggit roon na isa-isa. At naglagay Siya ng anghel bilang pangulo sa mga anghel, espiritu sa mga espiritu, tala sa mga tala, demonyo sa mga demonyo, ibon sa mga ibon, hayop sa mga hayop, ahas sa mga ahas, isda sa mga isda, tao sa mga tao, na Siya'y si Hesukristo. Nguni't Siya ay tinatawag na Kristo ayon sa mabuting pamamalakad sa iglesiya ng pananampalataya; sapagka't kung paanong may ilang mga pangalan na karaniwan sa mga hari, gaya ni Arsaces sa mga Taga-Persia, Cesar sa mga Taga-Roma, Faraon sa mga Egipcio, ay gayon din tinatawag na Kristo ang isang hari sa mga Hudyo. At ang kadahilanan ng pagpapangalan nito ay ganito: Kahit Siya nga'y Anak ng Diyos, at ang pinagmulan ng lahat ng mga bagay, Siya'y naging tao; sa Kaniya noong una ay pinahiran ng Diyos ng langis na kinuha sa kahoy mula sa punong kahoy ng buhay: sa pagkapahid nga nang ganiyan ay tinatawag Siyang Kristo. Kaya, bukod dito, ayon sa pasiya ng Kaniyang Ama, Siya rin naman ay nagpapahid ng kaparehong langis sa bawa't isa sa mga banal pagka sila'y pumariyan sa Kaniyang kaharian, para sa kanilang pagpapain ayon sa mga gawa nila, kung paano sila nagsipagkamit sa kabila ng mga paghihirap sa daan; ano pa't ang kanilang ilaw ay magniningning, at palibhasa'y nangapuspos sila ng Banal na Espiritu, sila'y mangagdulot ng walang kamatayan. Nguni't sumasagi sa isipan ko yaong ipinaliwanag ko sa iyo ng sapat ang buong klase ng sangay na kung saan kinuha ang unguento.”
Kabanata 46
[edit]“Datapuwa't ngayon din naman ay aking gugunitain sa iyo sa pag-aalala ng lahat ng mga bagay na ito, sa pamamagitan ng napakaikling pagtatanghal. Sa kasalukuyang pamumuhay, si Aaron, na unang dakilang saserdote, ay pinahiran ng kabuuan mula sa pagkapahid na ginawa ayon sa halimbawa ng unguentong ukol sa espiritu na aming sinasabi noong una. Siya'y prinsipe ng bayan, at gaya ng isang hari ay tumanggap ng mga unang bunga at buwis mula sa bayan, bawa't tao; at pagka naisagawa ang katungkulang paghahatol sa bayan, ay humahatol siya sa mga bagay na malinis at mga bagay na hindi malinis. Nguni't kung ang sinomang pinahiran ng gayong unguento, ayon sa pinanggalingan ng katangian doon, siya ay naging hari, o propeta, o saserdote man. Kung ang ganito nga na pansamantalang biyaya, na ipinapatambal sa mga tao, ay totoong mabisa, pagnilay-nilayin mo nga kung gaano kabisa ang unguentong kinatasan ng Diyos mula sa sanga ng punong kahoy ng buhay, nang makapagbigay ng totoong mabuting mga pangulo ang gawa ng mga tao sa gitna ng mga tao. Sapagka't kung alin sa kasalukuyang panahon ay mas dakila kay sa propeta, mas bantog kay sa saserdote, mas mabunyi kay sa hari?”
Kabanata 47
[edit]Dito'y aking tinugon: “Aking naaalaala Pedro, ang tungkol sa unang tao na iyong sinabi sa akin na siya'y isang propeta; nguni't hindi mo sinalita nang pinahiran siya. At kung walang propeta na walang pangpahid, papaano naging propeta ang unang tao, yamang siya'y hindi pinahiran?” Nang magkagayo'y si Pedro, na ngumingiti, ay nagsabi: “Kung ang unang tao ay nanghula, tunay na siya ay pinahiran din naman. Sapagka't kahi't siya man ang nagsulat ng batas sa kaniyang mga pahina ay tahimik ayon sa kaniyang pagkapahid, gayon man ay maliwanag siyang iniwan sa atin upang talastasin ang mga bagay na ito. Sapagka't yamang, kung sinabi niya na siya'y pinahiran, ay hindi magiging pangamba na siya rin naman ay isang propeta, bagama't hindi nakasulat sa batas; kaya, dahil sa katotohanang siya'y isang propeta, totoong gayundin naman na pinahiran siya, sapagka't kung walang pagkapahid ay hindi siya magiging propeta. Nguni't higit mo pa na sinasabi, Kapag naikatha ni Aaron ang pangpahid, ayon sa sining ng tagapagpabango, paano napahiran ang unang tao noong panahon ni Aaron, ang mga sining mula sa pagkatha ay hindi pa natutuklasan?” Nang magkagayo'y sumagot ako, “Huwag kang magkakamali ng pag-unawa sa akin, Pedro; sapagka't hindi ako nagsalita ng ganiyang kinathang unguento at langis na lumilipas, kundi yaong madali at walang hanggang unguento, na iyong sinaysay sa akin na nilikha ng Diyos, ayon sa kanino mang wangis ay iyong sinasabi na ang iba'y kinatha ng mga tao.”
Kabanata 48
[edit]Datapuwa't sumagot si Pedro, na may anyong galit: “Ano! inaakala mo ba, Clemente, na lahat kami ay nangakakaalam sa lahat ng mga bagay nang dumating ang kapanahunan? Nguni't hindi upang dalhin ngayon sa ating minumungkahing talakayan, kahit ang iyong pagkasulong ay mas hayag, ang mga bagay na ito ay aming lilinawin nang lalong totoo sa ibang pagkakataon.” “Datapuwa't gayon pa man, ang saserdote o ang propeta, na pinahiran ng kinathang unguento na nilagyan ng apoy sa dambana ng Diyos, ay kinikilala sa buong daigdig. Nguni't pagkatapos ni Aaron, na isang saserdote, ay tumanggap ng tubig ang isa pa. Hindi ko sinasalita ang tungkol kay Moises, kundi ang tungkol sa Kaniya na nasa tubig ng bautismo, ay tinatawag ng Diyos ang Kaniyang Anak. Sapagka't si Hesus ang pumawi sa apoy na pinagningas ng saserdote para sa kasalanan, sa pamamagitan ng biyaya ng bautismo; dahil sa panahon nang napakita Siya, ay natigil ang pagpapahid, na ang pagkasaserdote o nauukol sa hula o pagkaharing ministerio ay ipinagpulong.”
Kabanata 49
[edit]“Kaya't sa pagdating Niya ay hinulaan ni Moises, na nagbigay ng kautusan ng Diyos sa mga tao; maliban sa isa pa sa harapan niya, gaya ng pagbalita ko sa iyo. Kaya nagpahiwatig Siya na Siya'y darating, na talagang nagpakumbaba sa Kaniyang unang pagdating, nguni't dakila sa Kaniyang ikalawa. At ang una nga'y naganap na; mula nang Siya'y dumating at nagturo, at Siya, ang Tagahatol sa lahat, ay hinatulan at pinatay. Datapuwa't sa ikalawa Niyang pagdating ay darating Siya upang humatol, at parurusahan talaga ang mga masama, nguni't dadalhin ang mga banal sa bahagi at samahan kalakip Niya sa Kaniyang kaharian. Ngayon ang pananampalataya ng Kaniyang ikalawang pagdating ay nakabatay sa Kaniyang simula. Sapagka't ang mga propeta—lalong lalo na si Jacob at saka si Moises—ay nagsalita tungkol sa una, nguni't ang ilan naman ay sa ikalawa. Datapuwa't ang karangalan ng panghuhula ay kalimitang ipinapakilala sa ngayon, na hindi sinalita ng mga propeta ang tungkol sa mga bagay na darating, ayon sa pagkakasunud-sunod ng mga bagay; sa ibang paraan ay basta-basta silang mag-aakala na gaya ng mga taong pantas upang sapantahain kung ano ang pagkakasunud-sunod ng mga bagay na itinuro.”
Kabanata 50
[edit]“Nguni't ganito ang aking sinasabi: Iyan ay aasahan na tatanggapin si Kristo ng mga Hudyo, na sa kanila'y dumating Siya, at magsisampalataya sila sa Kaniya na inaasahan para sa kaligtasan ng bayan, alinsunod sa mga kaugalian ng mga magulang; datapuwa't upang magsitutol sa Kaniya ang mga Hentil, dahil walang pangako ni pahayag na ginawa sa kanila tungkol sa Kaniya, at totoong Siya ay hindi na ipinakilala sa kanila kahit sa pangalan. Gayon man ang mga propeta, na salungat sa utos at karugtong ng mga bagay, ay nangagsabi na magiging pag-asa Siya ng mga Hentil, at hindi ng mga Hudyo. At gayon ang nangyari. Sapagka't nang dumating Siya, sa anomang paraan ay hindi Siya nakilala ng mga wari'y umaasa sa Kaniya, sa kahihinatnan ng sali't saling sabi ng kanilang mga ninuno; samantalang yaong mga hindi nakarinig tungkol sa Kaniya sa anomang paraan, ay sumasampalataya na dumating Siya, at umaasa na darating Siya. At tapat na lumabas nang gayon ang hula sa lahat ng mga bagay, na nagsasabi na Siya ang pag-asa ng mga Hentil. Sa makatuwid ay nangasinsay ang mga Hudyo tungkol sa unang pagdating ng Panginoon; at sa punto lamang nito ay may pagkakaalitan sa pagitan namin at sa kanila. Sapagka't kinikilala rin nila at hinihintay na si Kristo ay darating; kundi Siya'y dumating na sa kaamuan—na tinatawag din Siyang Hesus—hindi nila matalastas. At dakila ang pagpapatunay nito tungkol sa pagdating Niya, na ang lahat ay hindi nanganampalataya sa Kaniya.”
Kabanata 51
[edit]“Siya nga'y itinalaga ng Diyos sa katapusan ng daigdig; sapagka't di mangyayari na ang mga kasamaan ng mga tao ay mapapawi ng iba, kung mamalaging buo ang kalikasan ng angkang pantao, ibig sabihin, sa paraa'y nananatili ang kalayaan ng kalooban. Ito ngang kalagayan, na nanatiling tapat, ay dumating Siya upang mag-paanyaya sa lahat na matutuwid para sa Kaniyang kaharian, at doon sa mga nagnanais na masiyahan sa Kaniya. Sapagka't ang mga ito ay ipinaghanda Niya ng mabubuting bagay na hindi masabi, at ng bayang Herusalem sa kalangitan, na lalong lumiliwanag kay sa liwanag ng araw, para sa tahanan ng mga banal. Nguni't ang liko, at ang masama at doon sa mga nagsitanggi sa Diyos at nangaglaan sa buhay na ipinagkaloob sa kanila sa iba't ibang mga kabuktutan at nangahilig sa gawi ng kasamaan, ang panahon na ibinigay sa kanila para sa paggawa ng katuwiran ay ibibigay Niya sa tama at karapat-dapat na paghihiganti. Datapuwa't ang natira sa mga bagay na magagawa pagkatapos, ay wala sa kapangyarihan ng mga anghel o ng mga tao man ang makapagsaysay o makapagbigay-alam. Ito lamang ang sa atin ay sukat na upang matuto, na ibibigay ng Diyos sa mabubuti ang walang hanggang pag-aari ng mabubuting bagay.”
Kabanata 52
[edit]Pagkasabi niya nang gayon, ako'y sumagot: “Kung ang mga yaon ay mangagagalak sa kaharian ni Kristo, na ang Kaniyang pagdating ay makakasumpong ng katuwiran, lubusan nga bang mawawalan ng kaharian ang mga yaon na nangamatay bago ang pagdating Niya?” At sinalita ni Pedro: “Pinipilit mo akong banggitin ang mga bagay na hindi mailarawan, Oh Clemente. Datapuwa't kung paanong pinahintulutan ang pagsasaysay sa kanila hanggang ngayon, ako'y hindi uurong sa paggawa ng gayon. Talastasin mo nga ang Kristo, na buhat sa pasimula at palagi, ay parating naroroon sa mga banal, bagama't lihim, sa lahat ng salit-sali nilang lahi: lalong lalo na sa mga nagsipaghintay sa Kaniya, na sa kanila'y madalas Siyang napakita. Nguni't ang panahon na magkaroon ng muling pagkabuhay sa mga katawan na naglalaho ay hindi pa; subali't ito ay inaakalang maigi sa kanila na kagantihan mula sa Diyos, upang ang sinomang masusumpungang matuwid, ay manatiling mas matagal sa loob ng katawan; o sa kaliitliitan, kung paano'y maliwanag na may kaugnayan sa mga nakasulat sa alituntunin hinggil sa isang taong tunay na matuwid, na siya ay inilipat ng Diyos. Gayon din ang iba'y gumagawa ng pagbibigay-lugod sa Kaniyang kalooban, na bagama't inilipat sa paraiso, sila'y mananatili sa kaharian. Datapuwa't kahit sa mga hindi lubos na tumupad ng utos ng katuwiran, kundi nagkaroon ng mga bahagi ng kasamaan sa kanilang laman, ang kanilang katawan nga'y napapawi, subali't naiingatan ang kanilang diwa sa mabuti at mapagpalang tinitirahan, upang sa pagkabuhay na maguli ng mga patay, kung mapapanumbalik ang kanilang sariling katawan, na bagaman nilinis sa pamamagitan ng pagkatunaw, ay makamtan nila ang walang hanggang mana sa kasukatan ng kanilang mga mabuting gawa. Sa makatuwid ay mapapalad ang lahat ng mga nagsipagkamit sa kaharian ni Kristo; sapagka't hindi lamang sila mangatatakas sa mga parusa ng Sheol, kundi mangatitira din namang walang kasiraan, at magiging una na makakita sa Diyos Ama, at sa mga una'y mangagtatamo ng antas ng karangalan sa harapan ng Diyos.”
Kabanata 53
[edit]“Kaya't wala mang kaunting hinala tungkol kay Kristo; at ang lahat ng hindi mananampalatayang Hudyo ay nagsigulo ng walang katapusang galit laban sa amin, sa takot na baka sakaling Siya, na kanila Siyang ipinagkasala. At ang takot nila ay pawang lumalaki ng lalong matindi, sapagka't nakakaalam sila na kapag ipinako na nila Siya sa krus, ang buong sanglibutan ay magpapakita ng pakikiramay sa Kaniya; at ang katawan Niyang iyan, bagaman kanilang binantayan ng mahigpit na pag-iingat, saan ma'y walang masumpungan, at saka ang mga karamihang di mabilang ay nagsisilakip rin sa pananampalataya Niya. Kung saan sila, pati ng dakilang saserdote na si Caifas, ay nangagpumilit na magpadala sa amin ng paulit-ulit, upang ang pagsisiyasat ay itatag tungkol sa katotohanan ng Kaniyang pangalan. At kung patuloy nilang ipinamamanhik na sila'y mangatuto o magsipagturo man tungkol kay Hesus, maging Siya ang Kristo, ay minagaling namin na umahon sa templo, at patotohanan tungkol sa Kaniya sa harapan ng buong bayan, at paratangan ang mga Hudyo ng maraming mga hunghang na bagay na kanilang ginagawa sa panahong yaon. Sapagka't nagkabahabahagi na ang bayan sa maraming mga pangkat, mula pa noong mga araw ni Juan Bautista.”
Kabanata 54
[edit]“Sapagka't kahit malapit na ang pagbangon ni Kristo para sa pagpawi ng mga alay, at para sa kaloob ng biyaya ng bautismo, ang kaaway, pagkaunawa sa mga hula na malapit na ang pagkakataon, ay gumawa ng mga iba't ibang sekta sa gitna ng mga tao, upang, kung mangyari na pawiin ang datihang pagkakasala, ang huling kamalian ay hindi na maitutuwid pa. Kaya, ang unang sekta, ay itong mga tinatawag na mga Saduceo, na halos lumago sa panahon ni Juan. Ang mga ito, na wari'y mas matuwid kaysa sa mga iba, ay nangagpasimula silang humiwalay mula sa kapulungan ng mga tao, at tumanggi sa pagkabuhay na maguli ng mga patay, at mangagpahayag sa pamamagitan ng pangangatuwiran ng kapusungan, na sinasabing hindi karapat-dapat na ang Diyos ay sambahin, kahit sa ilalim ng pangako sa isang ganting pala. Ang unang gumawa ng ganitong paniniwala ay si Dositeo; ang ikalawa ay si Simon. Isa pang sekta ay yaong sa mga Samaritano; sapagka't ikinakaila nila ang pagkabuhay na maguli ng mga patay, at iginigiit na ang Diyos ay hindi marapat isamba sa Herusalem, kundi sa Bundok ng Gerizim. Sila nga'y umaasa nang matuwid sa totoong Propeta mula sa mga hula ni Moises; nguni't sa kabuktutan ni Dositeo ay nangapigil sila sa pagsampalataya na si Hesus ay Siya na kanilang hinihintay. Ang mga eskriba rin at mga Fariseo, ay nangahantong sa panibagong sekta; nguni't ang mga ito, na nagsipagbautismo kay Juan, at pinanghahawakan ang salita ng katotohanan, na tinanggap mula sa kaugalian ni Moses bilang susi sa kaharian ng langit, ay nagsikubli sa mga pakinig ng mga tao. Oo, bagaman ang ilan sa mga alagad ni Juan, na mga inaaring dakila, ay nagsihiwalay sa mga tao, at itinanyag nila ang kanilang pinuno bilang Kristo. Nguni't nangahanda ang lahat ng sektang ito, upang sa pamamagitan nila ay mahadlangan ang pananampalataya kay Kristo at sa bautismo.”
Kabanata 55
[edit]“Gayon pa man, gaya ng aming pagpapasimulang sabihin, noong madalas na nagsugo ang dakilang saserdote ng mga saserdote upang ipagtanong sa amin na kami ay makapagtalakay sa isa't isa tungkol kay Hesus; kung inaakala sa akmang panahon, at kami ay nagsiahon sa templo, na ikinalugod ng buong Iglesiya, at, palibhasa'y nangakatayo pati ng aming mga kapatid na mananampalataya sa mga hakbang, ang mga tao'y nagsitahimik nang lubos; at pinasimulan muna ng dakilang saserdote na payuhan ang mga tao upang magsipakinig sila nang matiyaga at tahimik, at magsisisaksi at magsihatol tungkol sa mga bagay na sinasalita sa panahong yaon. Datapuwa't sa ikalawang dako, na pinupuri ng maraming pagpupuri ang seremonya o alay na ipinagkaloob ng Diyos sa angkan ng mga tao para sa kapatawaran ng mga kasalanan, ay kaniyang nasumpungang kasiraan dahil sa bautismo ng aming Hesus, kung paano ang pagkadala kamakailan lamang sa pagsalungat sa mga alay. Nguni't si Mateo, pagsalubong sa kaniyang mga panukala, ay maliwanag na nagpakita, na ang sinomang hindi magtamo ng bautismo ni Hesus ay hindi lamang mapapalayas mula sa kaharian ng langit, kundi hindi magiging walang panganib sa pagkabuhay na maguli ng mga patay, kahit na siya'y magtumibay sa kaukulang karapatan ng mabuting pamumuhay at matuwid na kalooban. Nang maisagawa na ang mga ito at gayong mga pagpapahayag, ay ipinatigil ni Mateo.”
Kabanata 56
[edit]“Subali't ang pangkat ng mga Saduceo, na tumanggi sa pagkabuhay na maguli ng mga patay, ay nasa kagalitan, na anopa't ang isa sa kanila ay sumigaw sa gitna ng mga tao, na sinasabing ang mga nangagkakamaling labis, na nangagdilidili na ang mga patay ay bumabangon sa anomang panahon. Dahil sa pagsalungat sa kaniya, pagsagot ni Andres na aking kapatid, ay isinaysay na walang kamalian, kundi ang matatag na batayan ng pananampalataya, na bumabangon ang mga patay, alinsunod sa Kaniyang turo na hinulaan ni Moises na Siya ang totoong Propetang darating. Sabi niya, ‘O kung hindi ninyo iniisip na ito yaong ipinahula ni Moises, inyo muna itong sisiyasatin, na ano pa't kung maliwanag ito na mapatunayan Siya, ay hindi magkaroon ng pag-aalinlangan pa tungkol sa mga bagay na Kaniyang itinuro.’ Ang mga ito, at ang maraming mga bagay na katulad nito, si Andres ay nagtanyag at nagpatigil pagkatapos.”
Kabanata 57
[edit]“Datapuwa't may isang Samaritano, na nagsasalita laban sa bayan at sa Diyos, at nagbabadya na hindi muling mabubuhay ang mga patay, ni mapapanatili man ang pagsamba sa Diyos na nasa Herusalem, kundi ang Bundok ng Gerizim ay nararapat na igalang, at saka dinagdagan pa niya ito sa pagsalungat sa amin, na ang aming Hesus ay hindi Siya na isinaysay ni Moises bilang Propeta na darating sa sanglibutan. Sa kaniya at sa iba na nagalalay sa kaniya sa kung anong sinasabi niya, si Santiago at Juan, na mga anak ni Zebedeo, ay matapang na nakikipagtalo; at bagama't sila'y mayroong utos na huwag magsipasok sa kanilang mga bayan, ni ipadala man sa kanila ang salita ng pangangaral, baka ang kanilang pagtalakay, maliban na makulong sila, ay makakasira sa pananampalataya ng mga iba, nguni't kanilang tinugon ng gayong maalam at mabisa, upang ilagay nila sila sa walang katapusang katahimikan. Sapagka't tumalumpati si Santiago tungkol sa pagkabuhay na maguli ng mga patay, kalakip ng pagpapayag ng buong bayan; habang nagpakita si Juan na kung ibig nilang pabayaan ang karayaan ng Bundok ng Gerizim, ay makikilala nila dahil diyan na si Hesus ay Siya ngang inaasahang darating, ayon sa panghuhula ni Moises; sapagka't, kung paanong ginawa ni Moises ang mga tanda at ang mga kababalaghan, ay totoong ginawa rin ni Hesus ang gayon. At walang pag-aalinlangan doon, dangang ang kawangis ng mga tanda ay nagpatotoo sa Kaniya upang maging propeta na sinabi niya na darating Siya, ‘kagaya rin niya’. Pagkasaysay ng mga bagay na ito, at ng higit sa gayong pinangyarihan, sila'y naglikat.”
Kabanata 58
[edit]“At narito, ang isa sa mga eskriba, na humihiyaw mula sa kalagitnaan ng mga tao, ay nagsalita: ‘Ang mga tanda at mga kababalaghan na ginawa ng inyong Hesus, ay hindi niya ginawa bilang isang propeta, kundi bilang isang manggagaway. Sa kaniya'y maningas na nakasalubong si Felipe, palibhasa'y naglalahad siya sa pamamagitan ng pangangatuwirang ito ay tinuligsa rin niya si Moises. Sapagka't nang gumawa si Moises ng mga tanda at ng mga kababalaghan sa Egipto, gaya rin naman na ginawa ni Hesus sa Judea, walang pag-aalinlangan na ang anomang sinabi tungkol kay Hesus ay masasabi din tungkol kay Moises. Pagkalikha ng mga bagay na ito at ng katulad nitong mga pagtutol, si Felipe ay tumahimik.”
Kabanata 59
[edit]“Datapuwa't pagkarinig nito ng isang Fariseo, ay sinumbatan si Felipe dahil inilagay niya si Hesus sa kapantayan kay Moises. Na sa pagsagot ni Bartolome, ay matapang na isinaysay na huwag lamang naming sasalitain na si Hesus ay kapantay kay Moises, kundi Siya'y lalong dakila kay sa kaniya, sapagka't talaga ngang si Moises ay propeta na gaya rin naman ni Hesus, nguni't si Moises ay hindi si Kristo na gaya ni Hesus, at kaya't walang dudang Siya ay lalong dakila na isang propeta at Kristo kay sa kaniya na isang propeta lamang. Pagkatapos na maisakatuparan ang ganitong serye ng pangangatuwiran, siya'y tumigil. Pagkatapos niya, si Santiago na anak ni Alfeo ay nagbigay ng salaysay sa mga tao, sa kaalaman ng paglalahad na huwag kaming magsisampalataya kay Hesus sa saligan na nagsipagsaysay ang mga propeta hinggil sa Kaniya, kundi bagkus ay magsisampalataya kami sa mga Propeta, na sila'y mga totoong Propeta nga, dahil ang Kristo ay nagpapatotoo sa kanila; sapagka't iyan ang pagkaharap at pagparito ni Kristo na ipakilalang mga totoong propeta sila: sapagka't kinakailangang dalhin sa pamamagitan ng pinuno ang patotoo sa mga mababa, hindi ng mga mababa sa kanilang pinuno. Pagkatapos ng mga bagay na ito at ng maraming mga pahayag na pareho, ay tumahimik rin si Santiago. Pagkatapos niya ay nagpasimula si Tadeo na paratangan ng masidhi ang mga tao nang sila'y hindi sumampalataya kay Hesus, na gumawa ng napakaraming kabutihan sa kanila, sa pagtuturo sa kanila ng mga bagay na galing sa Diyos, sa pagpapaluwag sa mga napipighati, pagpapagaling sa mga may sakit, pagsaklolo sa mga dukha; nguni't para sa lahat ng bunga na ito ay naging kamatayan at poot ang kanilang pagsauli. Nang maisaysay na niya ang mga ito at ang marami pang mga bagay na gayon sa mga tao, siya'y naglikat.”
Kabanata 60
[edit]“At narito, iginiit ng isa sa mga alagad ni Juan na si Juan ay ang Kristo, at hindi si Hesus, yamang si Hesus din mismo ang nagsabi na si Juan ay lalong dakila kaysa lahat ng mga tao at lahat ng mga propeta. ‘Kung,’ ang sabi niya, ‘siya nga'y lalong dakila kaysa lahat, dapat siya'y manatiling pinakadakila kaysa kay Moises, at kay Hesus din. Nguni't kapag siya ang pinakadakila sa lahat, samakatuwid ay nararapat siyang maging Kristo.’ Dito'y ipinahayag ni Simon na Cananeo, na si Juan ay lalong dakila kaysa lahat ng mga propeta at kaysa doon sa mga ipinanganak ng mga babae sa katunayan, nguni't hindi siya ang lalong dakila kay sa Anak ng tao. Kaya si Hesus rin naman ay Kristo, samantalang si Juan ay propeta lang: at may malaking pagkakaiba sa kaniya at kay Hesus, na gaya ng sa pangunahin at sa Kaniya; o gaya ng sa Kaniya na nagbibigay ng kautusan, at sa kaniya na nananatili sa kautusan. Nang isinagawa na ang mga ito at ang parehong mga pahayag, ay natahimik din ang Cananeo. Pagkatapos niya, si Bernabe na tinatawag rin namang Matias, na humalili bilang isang apostol sa luklukan ni Hudas, ay nagpasimulang magpayo sa mga tao na huwag nilang pakundanganan ng pagkamuhi si Hesus, ni mangagsasalita man ng masama sa Kaniya. Sapagka't nararapat, kahit sa isa na mapasa walang malay o mapasa hinala tungkol kay Hesus, na mas higit pang mahalin kaysa kamuhian Siya. Dahil idinugtong ng Diyos ang gantimpala sa pag-ibig at ang parusa sa pagkamuhi. ‘Sapagka't ang katotohanan mismo,’ sinasabi niya, ‘na ginampanan Niya ang katawang Pagkahudyo, at ipinanganak Siya sa mga Hudyo, bakit hindi ito ipinaudyok sa ating lahat na ibigin Siya?’ Pagkasabi niya nito, at ng marami sa gayong pinangyarihan, siya'y huminto.”
Kabanata 61
[edit]“Pagkatapos ay itinangkang tuligsain ni Caifas ang mga turo ni Hesus, na sinasabing Siya'y nagsasalita ng mga bagay na walang kabuluhan, sapagka't sinasabi Niya na ang mga dukha ay pinagpapala; at pinangakuan ng mga gantimpalang nauukol sa lupa; at inilagay ang pangunahing kaloob sa manang nauukol sa lupa; at ipinangako na ang mga nangakapanatili sa katuwiran ay mangabubusog ng pagkain at inumin; at saka maraming mga bagay sa ganitong klase ay pinagbilinan Siya ng pagtuturo. Sa kasagutan ni Tomas, ay nagpapatotoo na ang kaniyang paratang ay walang kabuluhan; palibhasa'y nagpapakita na ang mga propeta, na sinasampalatayanan ni Caifas, ay nagsipagturo sa mga bagay na ito na mas mainam, at hindi nila ipinakita kung saang paraan nararapat ang mga bagay na ito, o kung paano sila mauunawaan; na anopa't itinuro ni Hesus kung paano sila makuha. At pagkasabi niya ng mga bagay na ito, at ng mga iba mula sa gayong uri, si Tomas din naman ay hindi umimik.”
Kabanata 62
[edit]“Dahil doo'y tiningnan uli ako ni Caifas, at kung minsa'y sa landas ng babala at kung minsa'y sa paratang na iyan, sinabi na dapat kong pigilan para sa panahong darating sa pangangaral ni Hesukristo, upang huwag kong gawin ito sa ikapapahamak ng sarili ko, at upang ako, na ako rin ay nadadaya, ay huwag ding mangdaya sa mga iba. At bukod dito, ay pinaratangan niya ako ng kapangahasan, dahil, bagaman ako'y walang pinag-aralan, mangingisda, at hamak, ako'y naglakas-loob na gampanin ang ministerio ng guro. Ayon sa sinalita niya sa mga bagay na ito, at mas marami sa gayong uri, sinabi ko sa kasagutan, na ako'y nagtamo ng kakaunting panganib, kung hindi Kristo ang Hesus na ito, ayon sa kaniyang sinabi, sapagka't tinanggap ko Siya bilang isang guro ng kautusan; subali't siya'y nasa kasindak-sindak na panganib, kung ito ay talagang Kristo, na walang pagsalang gaya Niya: sapagka't sumasampalataya ako sa Kaniya na nagpakita; ngunit para kanino pa niya ilalaan ang kaniyang pananampalataya, na hindi nagpakita kailanman? Nguni't kung ako, na isang mangmang at walang pinag-aralan na tao, gaya ng inyong sinasabi, isang mangingisda at isang hamak, ay mas nakakaunawa kaysa matatandang pantas, ito, sabi ko, ay nararapat hampasin lalo sa inyo ng kilabot. Sapagka't kung ako'y nakipagtalo sa anumang turo, at nagwagi sa inyo mga taong pantas at may pinag-aralan, makikita na aking itinamo ang kapangyarihang ito sa pamamagitan ng matagal na pagkakatuto, at hindi sa pamamagitan ng biyaya mula sa dakilang kapangyarihan; datapuwa't ngayon, kapag kaming mga taong hindi bihasa ay manganghikayat sa inyo mga taong pantas at dinaig namin kayo, ayon sa aking sinabi, sino yaong may anumang kahulugan ang hindi nagpapahiwatig na ito ay hindi gawa ng pantaong kapitaganan, kundi ng dakilang kalooban at handog?”
Kabanata 63
[edit]“Kaya kami ay nangatuwiran at nangagpatotoo; at kami na mga taong walang pinag-aralan at mga mangingisda, ay nangagturo sa mga saserdote hinggil sa isang bukod-tanging Diyos ng langit; ang mga Saduceo, hinggil sa pagkabuhay na maguli ng mga patay; ang mga Samaritano, hinggil sa pagkasagrado ng Herusalem (hindi sa kami ay magsipasok sa kanilang mga bayan, kundi mangakipagtalo sa kanila nang hayagan); ang mga eskriba at ang mga Fariseo, hinggil sa kaharian ng langit; ang mga alagad ni Juan, upang huwag ipagdusa si Juan na maging katitisuran sa kanila; at ang lahat ng mga tao, na si Hesus ay ang walang hanggang Kristo. Sa wakas ay aking pinagsabihan sila, datapuwa't, bago kami magsiparoon sa mga Hentil, upang ipangaral sa kanila ang kaalaman ng Diyos Ama, sila'y makipagkasundo rin sa Diyos, na tinatanggap ang Kaniyang Anak; sapagka't aking ipinakita sa kanila na sa ibang paraan ay hindi sila maliligtas, maliban na lamang kung sa pamamagitan ng biyaya ng Espiritu Santo ay magmadali silang mangaghugas batay sa binyag ng makatatlong tawag, at magsitanggap sa Komunyon ni Kristo na Panginoon, na Siya lamang ang dapat nilang sampalatayanan tungkol sa mga bagay na Kaniyang itinuro, upang sa gayon ay maging dapat sila sa pagkamit ng walang hanggang kaligtasan; nguni't sa ibang pagkakataon ay hindi lubusang mangyayari sa kanila na magsitalaga sa Diyos, kahit na magsipagningas sila sa libong dambana at sa libong matataas na dambana para sa Kaniya.”
Kabanata 64
[edit]“‘Sapagka't kami,’ sinabi ko, ‘ay nakatitiyak sa kabila ng paghihinala na ang Diyos ay nagalit nang lalong malaki sa mga alay na inihahandog ninyo, pagkalipas na ng panahon tungkol sa mga alay; at dahil hindi ninyo kinikilala na ang panahon sa paghahandog ng mga handog ay lumipas na, samakatuwid ay mawawasak ang templo, at ang kasuklamsuklam na sumisira ay tatayo sa dakong banal; at saka ang Ebanghelyo ay ipangangaral sa mga bansa para sa patotoo laban sa inyo, upang mahatulan sa pamamagitan ng pananampalataya nila ang kawalan ninyo ng pananampalataya. Sapagka't ang buong daigdig sa iba't ibang mga panahon ay nagdusa dahil sa mga sarisaring karamdaman, o kalimitan mang lumalaganap sa lahat, o sadyang umeepekto. Kaya't kinakailangan ng isang manggagamot upang dalawin sila sa ikaliligtas. Sa gayon ay aming pinatotohanan sa inyo, at ibinabalita sa inyo kung ano ang nakatago sa bawa't isa sa inyo. Nasa sa inyo ang paggunita kung ano ang para sa ikabubuti ninyo.’”
Kabanata 65
[edit]“Nang salitain ko ito, ang buong karamihan ng mga saserdote ay nasa pag-iinit, pagka't aking isinaysay sa kanila ang pagbagsak ng templo. Na noong si Gamaliel, pangulo ng bayan, ay nakakita—na aming kapatid sa lihim dahil sa pananampalataya, nguni't ayon sa aming payo ay nanatili sa gitna nila—dahil sila'y galit na galit at nangaudyokan ng matinding poot laban sa amin, tumindig Siya at nagsabi, ‘Tumahimik kayo ng kaunting oras, Oh mga taong taga Israel, sapagka't hindi ninyo napaguunawa ang paglilitis na nakakabit sa inyo. Kaya huwag kayong mangakialam sa mga taong ito; at kung anuman ang kanilang pinagkasunduan sa pasiya na nauukol sa tao, ay agad mawawasak; nguni't kapag sa Diyos, bakit kayo mangagkakasala na walang dahilan, at magsisipanaig na walang anoman? Sapagka't sinong makapagpapadaig ng kalooban ng Diyos? Ngayon nga, mula noong araw ay lulubog na pagabi, ako'y makikipagtalo rin sa mga taong ito bukas, sa ganito ring dako, sa inyong pakikinig, na anopa't aking mapagtutulan nang hayagan, at bawa't pagkakamali ay maliwanag kong mapasinungalingan.’ Sa pagsasalita niya nito ay napatigil ang kanilang poot sa ilang saklaw, lalo na sa pag-asa na kami ay mahatulan na may kamalian ng madla sa darating na araw; at gayon niya pinayaon na tiwasay ang mga tao.”
Kabanata 66
[edit]“Nang magsiparoon nga kami kay Santiago, samantalang isinalaysay na namin sa kaniya ang lahat na ginawa at sinabi, kami ay nagsikain ng hapunan, at nagsipanatili na kasama siya, na nagpapalipas ng buong gabi sa pagdaraing sa Makapangyarihang Diyos, upang maipahayag ng talumpati sa nalalapit na pagtatalo ang hindi mapagdududahang katotohanan ng aming pananampalataya. At nang kinabukasan, si Santiago na obispo ay umahon sa templo na kasama kami, at kasama ng buong iglesiya. Doo'y nasumpungan namin ang lubhang karamihan, na nangag-aabang sa amin mula sa kalagitnaan ng gabi. Kaya't tumindig kami sa gayon ring dako gaya ng una, na nangakatayo sa mataas na lupa, para kami ay makita ng lahat ng mga tao. Datapuwa't pagka ang malalim na katahimikan ay nakamtan, si Gamaliel, na sa aming pananampalataya, gaya ng aming sinabi, nguni't nanatili siya sa kanila ayon sa pagiging katiwala, na kung mangagtangka sila ng anumang mabigat o labag sa katuwiran sa ano mang oras laban sa amin, ay kaniya mang pigilan sila sa pamamagitan ng bihasang pinagtibay na payo, o pagsabihan kami, upang kami man ay maging sa aming bantay o kami'y magsilihis;—kaya siya, gaya ng pag-asal niya sa amin, ay nakatitig muna nang buo kay Santiago na obispo, at nagsalita sa pamamaraang ito:—
Kabanata 67
[edit]“‘Kung akong si Gamaliel, ay humatol ng walang kahihiyan maging sa aking pagkatuto o sa aking katandaan upang matutunan ang anoman sa mga sanggol at sa mga mangmang, baka sakaling mayroong anoman na sa kapakinabangan o sa kaligtasan na maitatamo (sapagka't siyang namumuhay na may katuwiran ay nakaaalam na walang bagay ang mas mahalaga kay sa kaluluwa), hindi baga dapat itong maging layunin ng pagmamahal at pagnanais sa lahat, upang matuto kung ano ang hindi nila napag-alaman, at maituro kung ano ang kanilang napag-aralan? Sapagka't pinakatotoo na walang pagkakaibigan, ni pagkakamag-anak, ni pagkakadakila ng kapangyarihan, ang dapat na maging mas mahalaga sa mga tao kaysa katotohanan. Kaya't kayo, Oh mga kapatid, kung nalalaman pa ninyo ang anomang bagay, ay huwag kayong mangagpaurong sa paglalatag sa harap ng bayan ng Diyos na naririto, at pati sa harap ng inyong mga kapatid; habang ang buong bayan ay kusa at nasa lubos na kapayapaang makikinig kung ano ang sasabihin ninyo. Sapagka't bakit hindi gagawin ng bayan ang ganito, pagka nakita din nila ako tulad nila na nagnanasang matuto mula sa inyo, kung sakaling ipahayag pa sa inyo ng Diyos ang anoman? Nguni't kapag kayo ay kulang sa anomang bagay, ay huwag kayong mahihiyang magsipagturo sa amin sa gayon ding paraan, upang papunuin ng Diyos kahit ano ang kinukulang sa bawa't panig. Datapuwa't kung kayo'y binabagabag nga ng anomang takot sa katuwiran ng ilan sa aming bayan na ang kanilang mga kaisipan ay nangakapinsala laban sa inyo, at kung sa takot ng kanilang karahasan ay hindi kayo nangahas magsalita ng inyong mga damdamin ng hayag, upang aking iligtas kayo sa takot na ito, ay isinusumpa ko sa inyo nang hayagan sa pamamagitan ng Makapangyarihang Diyos na nabubuhay magpakailanman, na huwag kong itutulot ang sinoman para pagbuhatan kayo ng kamay. Kaya, mula nang mayroon kayo nitong pawang mga tao na mga saksi sa aking panunumpa nito, at pinanghahawakan ninyo ang tipan ng aming banal na seremonya na parang isang angkop na sangla, hayaang makapagsaysay ang bawa't isa sa inyo kung ano ang napag-aralan niya na walang kahit anong pag-aalinlangan; at sa katahimikan at masigasig ay mangakinig tayo mga kapatid.’”
Kabanata 68
[edit]“Ang mga salitang ito ni Gamaliel ay labis na hindi nakalulugod kay Caifas; at nang pinagdudahan siya, ayon sa inaakala ko, ay nagpasimula din siyang magparatang ng mainam sa mga pagtalakay: sapagka't, nang siya'y ngumiti sa anomang sinalita ni Gamaliel, ay tinanong ng pangulo ng mga saserdote ang tungkol kay Santiago, pangulo ng mga obispo, na ang panayam hinggil kay Kristo ay huwag mahayag maliban sa mga Banal na Kasulatan; ‘upang maalaman namin,’ sabi niya, ‘kung si Hesus kaya ang totoong Kristo, o hindi.’ Saka sinabi ni Santiago, ‘Dapat muna nating siyasatin mula sa anong mga Kasulatan ang bukod-tanging panggagalingan natin sa ating pagtalakay.’ Nang magkagayo'y bahagya siyang sumagot, sa kung hanggang saan pagtagumpayan ng katuwiran, na nararapat Siyang manggaling sa batas; at pagkatapos ay ibinanggit naman niya ang tungkol sa mga propeta.”
Kabanata 69
[edit]“Sa kaniya ay nagpasimulang magpahayag ang aming Santiago, na kahi't ano pa mang sinalita ng mga propeta ay kinuha sila mula sa kautusan, at kung ano ang sinalita nila ay nasa alinsunod ng kautusan. Nagsalaysay din siya ng kaunti tungkol sa mga aklat ng mga Hari, sa anong landas, at kailan, at para kanino sila sinulatan, at papaano nila gamitin ng marapat. At nang matalakay na niya ng mas lubos ang hinggil sa kautusan, at madala na, sa pamamagitan ng isang pinakamalinaw na paglalahad, sa kaliwanagan ang anomang mga bagay roon hinggil kay Kristo, ay ipinakita niya ayon sa pinakamasaganang mga patotoo na si Hesus ay ang Kristo, at sa Kaniya ay natupad ang lahat ng mga hulang nangasaysay sa Kaniyang mapagpakumbabang pagdating. Sapagka't ipinakita niya na ang dalawang pagdating Niya ay nahulaan: isa sa pagpapakumbaba, na Kaniyang natupad na; ang iba sa kaluwalhatian, na inaasahan upang ganapin, pagka Siya'y paririto upang magbigay ng kaharian sa mga yaon na nagsisampalataya sa Kaniya, at nagsitalima sa lahat ng mga bagay na iniutos Niya. At pagkatapos niyang mapagturuan nang maliwanag ang mga tao tungkol sa mga bagay na ito, ay dinagdagan pa niya ito: Maliban na lamang kung mabautismuhan sa tubig ang isang tao, sa pangalan ng pinagtatlong kapalaran, ayon sa itinuro ng totoong Propeta, siya'y hindi makakatanggap ng kapatawaran sa mga kasalanan ni makapasok sa kaharian ng langit; at ipinahayag niya na ito'y tagubilin ng di-ipinanganak na Diyos. Kung saan ay dinagdagan pa niya ito: ‘Huwag ninyong isiping isinasaysay namin ang tungkol sa dalawang Diyos na di-ipinanganak, o ang isa'y nahati sa dalawa, o ang gayon ay nagiging lalaki at babae. Nguni't aming isinasaysay ang tungkol sa bugtong na Anak ng Diyos, hindi buhat sa ibang pinagbubuhatan, kundi sariling buhat na di masaysay; at nangagsasalita rin kami tungkol sa Banal na Espiritu.’ Datapuwa't nang magsalita siya ng mga iba pang bagay tungkol sa bautismo, dahil sa pitong magkakasunod na araw ay hinihikayat niya ang lahat ng mga bayan at ang dakilang saserdote na sila'y mangagmadali kaagad na tanggapin ang bautismo.”
Kabanata 70
[edit]“At noong nasa puntong iyon ang mga usapin na sila'y magsilapit at magpabautismo, ang isa sa aming mga kaaway, pagpasok sa templo kasama ng ilang mga lalaki, ay nagpasimulang magsisigaw, at magsabi, ‘Anong sadya ninyo, Oh mga taong Israel? Bakit kayo nangagmamadali? Bakit walang hunos-dili kayong inakay ng lalong mga taong maralita, na nilinlang sa pamamagitan ni Simon, isang mahiko?’ Habang siya'y nagsasalita nang ganito, at nagdaragdag pa sa gayong pinangyarihan, at saka habang si Santiago na obispo ay nagpapabulaanan sa kaniya, ay pinasimulan niyang pukawin ang mga tao, at magtanim ng kaguluhan, ano pa't ang mga tao'y hindi puwedeng makarinig kung ano ang sinabi. Kaya siya'y nagsimulang magpadaan sa lahat sa pagkalito na may paghihiyaw, at magpawalang-bisa kung ano ang isinaayos sa maraming gawa, at manungayaw sa mga saserdote sa oras ding yaon, at saka magpasiklab ng galit sa kanila kalakip ng mga mapanirang-puri at pagmamalabis, at kagaya ng isang taong baliw, ay mag-udyok ng bawa't isa sa pagpatay, na nagsasabi, ‘Anong ginagawa ninyo? Bakit kayo nangagdadalawang-isip? Oh mga matamlay at mga tining, bakit hindi natin sila dakpin, at pagwaraywarayin ang lahat ng mga kasamahan?’ Nang masabi na niya ito, siya muna, pagkasamsam sa isang matibay na sigsig mula sa dambana, ay nagbabala ng pang-uusig. Pagkatapos ay ang mga iba rin, pagkakita nga sa kaniya, ay nangadala sa gayong kahandaan. Saka humantong ang kaguluhan sa magkabilang panig, ng mga nambubugbog at mga binugbog. Napakaraming dugo ang nabubo; at may magulong pagtakas sa kalagitnaan, na kung saan linusob ng kaaway si Santiago, at saka binato siya ng patiwarik sa taluktok ng mga baytang; at sa pag-aakalang siya'y patay na, ay hindi na niya nililingap pang magparusa ng kapinsalaan sa kaniya.”
Kabanata 71
[edit]“Datapuwa't ibinuhat siya ng aming mga kaibigan, sapagka't sila ay mas marami at mas makapangyarihan kaysa sa iba; subali't, dahil sa pagkatakot nila sa Diyos, sila rin ay higit pang nangagpapahirap upang mangalipol sa pamamagitan ng mahinang dahas, kaysa pumapatay sila ng mga iba. Datapuwa't nang gumabi na ay sinarhan ng mga saserdote ang templo, at nagsibalik kami sa bahay ni Santiago, at saka nagpalipas roon ng gabi sa pagdarasal. Pagkatapos, bago lumiwanag ang araw ay bumaba sila sa Jerico, sa bilang ng limang libong katao. Pagkaraan nga ng tatlong araw ay dumating sa amin ang isa sa mga kapanalig mula kay Gamaliel, na aming ibinanggit noong una, na may dalang balitang lingid para sa amin na tinanggap ng katunggaling yaon ang bilin mula kay Caifas, ang pangulong saserdote, upang kaniyang dakpin ang lahat na nagsisampalataya kay Hesus, at puntahan ang Damasco kasama ang kaniyang mga liham, at upang doon rin, na gumugugol ng tulong sa mga hindi nananampalataya, siya'y makapanira sa mga masugid; at upang siya'y magmadali sa Damasco lalong-lalo na sa ganitong kadahilanan, dahil naniniwala siya na doon tinakasan ni Pedro. At tungkol sa tatlumpung araw pagkatapos ay huminto siya sa kaniyang paglalakad kahit na dumaraan siya sa Jerico na patungo sa Damasco. Sa araw na iyon ay nawala kami, nang mangakapunta na sa libingan ng dalawang kapatid na nangagpapaputi sa kanilang sarili tuwing taon, na pinipigilan sa pamamagitan ng himala ang galit ng marami laban sa amin, dahil nakita nila na ang aming mga kapatid ay pinaalalahanan sa harapan ng Diyos.”
Kabanata 72
[edit]“Noong kami nga'y nangakahimpil sa Jerico, at ibinigay ang aming mga sarili sa pagdarasal at pag-aayuno, si Santiago na obispo ay nagpadala para sa akin at ipinadala ako rito sa Cesarea, na nagsasabing sinulatan siya ni Zaqueo mula sa Cesarea, na ang isang Simon, ang Samaritanong mahiko, ay nagpapaligaw ng karamihan sa aming bayan, na nagpapahayag na siya ang Katindigan,—alalaong baga, sa ibang salita ay ang Kristo, at ang malawak na kapangyarihan ng dakilang Diyos, na nakalalamang sa Lumikha ng daigdig; nang panahon ding yaon na ipinakita niya ang maraming mga kababalaghan, at ipinag-alinlangan ang ilan, at nagsikiling sa kaniya ang mga iba. Kaniyang ipinagbigay-alam sa akin tungkol sa lahat ng mga bagay na pinalinaw hinggil sa taong ito mula sa dating mga naging kasamahan niya o kaya'y mga naging alagad man niya, at pagkatapos ay nagsisampalataya kay Zaqueo. ‘Hindi nga kakaunti roon, O Pedro’ sabi ni Santiago, ‘para sa kaligtasan nino man ay kinakailangan mong makaparoon at makipagtalo sa mago at saka magturo ng salita ng katotohanan. Kaya huwag mong ipagpapaliban; ni huwag kang magdadalamhati na ika'y mag-isang umalis, yamang nalalaman na ang Diyos ni Hesus ay kasama mong yayaon, at tutulungan ka, at sa madaling panahon, sa pamamagitan ng Kaniyang biyaya, ay magkakaroon ka ng maraming mga kasama at mga karamay. Ngayon ay siguraduhin mo na iyong padalhan ako sa pagsusulat bawat taon ng isang ulat ng iyong mga salita at mga gawa, at lalong-lalo na sa katapusan ng bawat pitong taon.’ Sa mga pahayag na ito ay pinaalis niya ako at sa anim na araw ay dumating ako sa Cesarea.”
Kabanata 73
[edit]“Nang pumasok ako sa bayan, ang aming pinaka minamahal na kapatid na si Zaqueo ay sinalubong ako; at niyakap ako, saka ako'y dinala sa panuluyang ito, na siya rin mismo ay nanatili, at itinatanong sa akin tungkol sa bawa't isa sa mga kapanalig, lalong-lalo na tungkol sa aming marangal na kapatid na si Santiago. At nang sinabi ko sa kaniya na pilay pa rin siya sa isang paa, sa kaniyang pagtanong kaagad sa usaping ito, ay aking isinalaysay sa kaniya ang lahat na aking ipinaliwanag ngayon sa iyo, kung paano kami ipinatawag ng mga saserdote at ni Caifas na dakilang saserdote sa templo, at kung paano si Santiago na arsobispo, na nakatayo sa taluktok ng mga baytang, sa pitong magkakasunod na araw ay ipinakita ang lahat ng mga tauhan mula sa mga Kasulatan ng Panginoon na si Hesus ay ang Kristo; at kung paano, noong sumang-ayon ang lahat upang magpabautismo sa kaniya sa pangalan ni Hesus, ginawa ng isang kaaway ang lahat ng mga bagay na iyon na kung saan ay ibinanggit ko na, at kung saan ay hindi ko na kailangang ulitin.”
Kabanata 74
[edit]“Nang marinig ni Zaqueo ang mga bagay na ito, ay kaniyang sinabi sa akin sa pagbalik tungkol sa mga gawa ni Simon; at samantalang si Simon rin—kung papaano niya narinig ang tungkol sa aking pagdating na hindi ko mabatid—ay nagpadala ng isang mensahe sa akin, na nagsasabi, ‘Tayo'y magsipagtalo bukas sa pakinig ng mga tao’. Na aking sinagot, ‘Mangyari nawa, ayon sa iyong ninanais.’ At ang pangako ko na ito ay nahayag sa buong bayan, ano pa't, na dumating sa araw ding yaon, napag-alaman mo man na ako'y magkaroon ng talakayan kasama si Simon sa susunod na araw, at nang iyong masumpungan ang aking tinitirahan, ayon sa mga direksiyon na iyong tinanggap mula kay Bernabe, ay dumating sa akin. Nguni't gayon din ako nagalak sa iyong pagparito, upang madaliin ng aking pag-iisip, hindi ko mabatid kung paano ako naudyokan, na ipaliwanag agad ang lahat ng mga bagay sa iyo, saka lalong-lalo na ang pinakamahalagang bahagi sa ating pananampalataya, tungkol sa totoong Propeta, na Siya lamang, wala akong pag-aalinlangan, ang hustong saligan para sa buong aral natin. Pagkatapos, sa kasunod na bahagi, ay aking isisiwalat sa iyo ang higit pang lihim na kahulugan ng nasusulat na batas, sa pamamagitan ng mga ilang paksa nito, na may pagkakataong isiwalat; ni ako man ay magtatago sa iyo ng mabubuting bagay tungkol sa mga kaugalian. Datapuwa't ang natitira, magmula sa darating na panahon, ay iyong pakikinggan sa araw-araw sa karugtong ng mga katanungan na maitataas sa talakayan kasama si Simon, hanggang sa makarating tayo sa bayan ng Roma sa pamamagitan ng tulong ng Diyos na kung saan ay naniniwala tayo na ang ating paglalakbay ay itutuwid.” Akin ngang ipinahahayag na akin siyang pinagkakautangan ng loob nang buong pasasalamat ukol sa kung ano ang sinaysay niya sa akin at ipinapangako na nais kong gawin kaagad ng lalo ang lahat na kaniyang iniutos. Pagkatapos, nang mangakakain na, ay pinagbilinan niya akong magpahinga, at pinilit rin niya ang kaniyang sarili na magpahinga.