provincia ñg Bulacan at Laguna, ay ang namamatay arao
arao sa ating bayan humigit cumulang sa labing anim. At si
Yná naman ay namatáy ná, pati ng caniang anac na si Munda,
pati ng asaua nia at isa pa mang anac; gayon din naman ang
alila ni Sra. Sisa na si Punzó at ang ating camaganac na si
Sra. Victoria sa Meisic. Sa aua naman ng P. Dios ay tayong
mag cacapatid ay hindi nag cacasaquit nitong cólera pati naman
ñg ating mañga magulang ay hindi pa dinadapuan nitong saquit na ito; at cia co naman laguing hinihingi sa mahal na
Virgen sa arao at gabi na cung mangyayari ay huag muna tayong babauasan hangan hindi tayo nagquiquita. Caya pag pi
litan mong mabalic cang madali at talastas mo na man matatanda na ang ating mañga magulang at icao ay siang laguinnaalaala at gayon din naman caming mañga capatid mo.
Yto na lamang at uala nang iba, quinucumusta co ang lagay mo dian, at cung cami naman ang yong maitatanong ay mabuti aua ñg P. D. at hindi nag cacasaquit at paris din ñg dati. Ybinabalita co naman sayo na si na Millong at si na Ycang, pati ni Chabeng, ay matataba at si Trining naman ay dalaga ná.
- Ang iyong kapatid,
- OLIMPIA RIZAL.
- Ang iyong kapatid,