Jump to content

Page:Pakikipagsulatan ni Rizal sa kanyang mga kasambahay, 1876-1896 (JRNCC, 1962).pdf/451

From Wikisource
This page has been proofread.
ng gobernador kanginang umaga." Tinugon ko siya at sinabing
"Kung gayo'y bigyan ninyo ako ng isang patotoo para sa kalig-
tasan ko;" at sinagot akong hindi raw siya makapaggagawad ni-
yon sa dahilang wala siyang tinanggap na utos na pormal; at
"umagang-umaga bukas kayong dalawa ni Dandoy ay haharap
sa tribunal." "Mabuti, datapuwa't nais kong malaman muna ang
aking kasalanan, at nangangailangan ako ng isang patotoo."
Sinabi ng gobernadorsilyo na ako'y mag-antay, at siya'y magpa
pahatid-kawad sa gobernador. Nang ika-8 ay tinanggap ang
isang pahatid-kawad ng Gobernador na ganito ang sinasaad:
"Buhat sa Gobernador sa Laguna para sa gobernadorsilyo ng
Kalamba. Ipag-utos ninyong iharap sa pamahalaang ito ang mga
katauhan nina S. Ubaldo, Antonino Lopez, Leandro Lopez, Pa-
ciano Rizal, at Mateo Elejorde; kung sila'y sumuway ay ipaha-
tid silang natatanuran." Ang kinahinatnan ng utos na pahatid-
kawad, ayon sa sinasabi sa sulat ni Paciano, ay hindi pa nala-
laman. Kung anuman ang kalalabasan ay isusulat ko sa iyo
pagkatapos. Hanggang sa susunod.
Maraming kumusta at yakap ng iyong bayaw na nagmama-
hal sa iyo.

S. UBALDO
Habol: Inaakala kong tinanggap mo na ang aking kapang.
yarihang pang-ibayo ng dagat kasama ng sa kay Antonino.

Paalam.

-425-