Jump to content

Page:Pakikipagsulatan ni Rizal sa kanyang mga kasambahay, 1876-1896 (JRNCC, 1962).pdf/424

From Wikisource
This page has been proofread.
Nalalaman mo na ang nangyari kay . . . na hanggang
ngayon ay hindi makauwi ni sa kanyang bahay ni sa kanyang
bayan.
Sa dakong wakas ng iyong sulat ay sinabi mong ikaw ay
uuwi na, ikagagalak kong labis na makita ka uli rito; datapuwa't
ang mahihita mo'y isang kapahamakan; at kailan ka darating?
Inaakala kong magiging isang kapangahasan para sa iyo ang
pag-uwi sa panahong itong masama ang aming kalagayan at
tinatangkang gawin sa iyo ang lahat ng kapinsalaang magaga-
wa nila. Ikaw, higit kaninuman, ang lalong nakababatid ng
iyong kalagayan, datapuwa't tungkulin kong paalalahanan kita at
sabihin sa iyong magwari-warì ka nang kaunti pagka't inaakala
kong hindi nababagay na ikaw y umuwì, ni hindi k narara-
pat pumarito samantalang ang kalagayan ay ganito, sapagka't
nararapat mong malamang magsusumakit silang lubos upang
ikaw ay mawala sa daigdig na ito.
Kasama nito ay pinadadalhan kita ng isang sama-samang
larawan ng mga bata, na hindi pa nalalaunang kinuha.
Hanggang ngayon ay dito pa rin sa bahay na ito ako naka-
tira, datapuwa't aywan ko kung pagkatapos ay mapipilitan akong
umalis; sa anu't anuman, sakaling ako'y magbabago ng tirahan,
ay ipagbibigay-alam ko sa iyo; sakaling ninanais mong sulatan
ako ay mailalagay mo ang dating mga palatandaan.
Manatili ka nawang mabuti, magmalasakit ka nang malaki
sa ikabubuti ng abang lupang ito; mga alaala at mga mahal ng
mga bata at nalalaman mo nang ikaw ay minamahal ng iyong
magiliwing tiya.

CONCHA LEYBA

―398―