―9―
Ipalagay nga nating di natin talós ang ating kasaysa- yan, at tayo'y magkátaóng mungkahiin ng mga taga- ibang lupa na sabihing tayo'y masamang lahi ó mga taong hamak ó mga ungoy įmakapagmamatuid ba kaya tayo ng hindi? Datapua't kung tayo'y mayroong Istorya ay siyang magpapatotoo ng ano man nating ibig sabi hin at ipagmamatwid dahil sa ang Istorya ang nagpapa kilala kung mayroon ó walang saysay ang isang bayan; kaya,t ang bayan lamang walang saysay kabuluhan ang walang kasaysayan ó Istorya.
Dahil nga rito ay dapat nating unahin muna ang sa ating Lupaing kinamulatan, sapagka't siya nating ma- gulang sa ating pagka mámayan; kaya't aní Rizal tung- kol sa Sariling Lupain ay; "Ikaw, ganóng ginagawa mo sa lupaing sa iyo'y nagbigay ng buhay, nagbibigay ng pagkabuhay at ng balang kaalaman mo?" At sa ganitó, bago natin siyasatin at pag-aralan ang kasaysayan nġ ibáng lupain ay ang sa atin munang kinainulatan. Saka ang pagwalang bahala sa Istorya ng Lupaing kina- mulatan ay isang pagpapakilala ng kakulangan ng pag ibig sa kanyang tinubuang lupain, dahil sa ang ganitong pagibig ó damdamin ay sa dambana ó altá ng ganyang Istorya ninita ng lalong kandili. Halimbawa, yaong mga nakabasa sa ating Istorya ng mga kasakit-sakit na inasal sa ating mga kanunuan ng mga sumakop al lu- mupig, ay siyang lalong nagmamasakit ngayon upang huwag nang sapitin pa ng kanyáng mga anák at inapó, samantalang yaong hindi ay walang bahala at palaging may malamig na loob sa ano nang gawin. Gayon din, yaong inga nakabasa sa Istorya ng kanyang lupain, ng katalinua't kabaitan ng kanyang mga kanunuan ay may lalong paggiliw sa kanyang labi ó lipi, dahil sa yao'y kanyang kapurihan at karangalan.