Jump to content

Page:Ang Bayang Kahapishapis - Taong 1 Bilang 2 - Ika 7 ng Setiembre ng 1899.pdf/2

From Wikisource
This page has been proofread.

Taong 1. Bilang 2.
San Francisco de Malabon Martés ika 7 ng̃ Setiembre ng̃ 1899.

SA BAYAN.


Icao, bayang Filipinas, na ang tapang mo, pagtitiis at cabaita,i, nátumpac ng̃ pagliligtas sa mang̃a anac mo sa caalipnan ng̃ castila at iyong tinamó na mahang̃o ang lipi mo sa bu­rac ng̃ capalibhasaan sa alang̃alang sa paraan ng̃ iyong Pamamahala at Constitución ay nai­tampoc mong maguing isang bayang matalino at marapat: Icao, bayang Filipinas, na, dahil sa iyong pagdidiuang, bagaman dahop sa pinagaan­hinanhin at salat sa sandata, ay minanghaan ca ng̃ boong Europa at marang̃al na nalucloc sa templo ni Marte ¿mapapayagan mo cayang ma­uagayuay sa iyong lupa ang bandila ng̃ iba at dung̃isan ang carang̃alang militar na quinam­tan mo ng̃ boong carapatan?

Cung naquipaghamoc ca ng̃ boong tapang at cabayanihan upang máligtas ang bayan sa caalipnan, lalong dapat paibayuhan ng̃ayong ang tumutung̃o ay máligtas ang iyong Inang ba­gang, ang iyong tahanan, ang iyong religión at ang puri ng̃ iyong mg̃a binibining anac. Huag lilimutin cailan man ang maraual na qui­nasapitan ng̃ mga tagalog sa América na pina­layas sa bayang capatagan at pinilit na mabu­hay sa bulubunduquin at saquiting lugal, na cung̃ di mamatay sa saquit ay sa gutom nala­lagas. Caya ang liping yaon ay malacas ang pagliit ayon sa «estadística» at hindi malayong malipol sa balat ng̃ lupa.

Hindi cait sa aquin na ang mg̃a casaliuaang palad mo, ang pagdadahop ng̃ salapi ng̃ Es­tado, ang casalatan dinadaanan ng̃ iyong mg̃a anac, ang alisnas na tayô ng̃ ina't sa at ng̃ canicanilang pagaari, ay pauang lubos na pag­suboc sa iyong pagibig sa Inang bayan; da­tapua,t, hindi mo dapat limutin na ang mg̃a bagay na iya,i, catutubo ng̃ digma at hindi nai­ilagan ng̃ alin mang bayan, huag limutan na ang mg̃a malalaquing capinsalaan ay talagang cata'i ng̃ mg̃a daguilang linalayon at anomang sapiting hirap ay maliit din, cailan ma,i, ang pacay ay ang calayaan at pagsasarili ng iyong mg̃a anac. Ang marang̃al mang si Washing­ton ay ualang dinaanan cundi duclayduclay na casaliuaang palad ng̃ unang dalauang taong ng caniyang paglalaban sa pagsasarili ng̃ América; gayon ma,i, hindi naglicat ng̃ paquiquihamac, hindi lamang laban sa caauay, cundi naman lalo't higuit pa laban sa gutom at laban sa masid­hing lamig hangang sa quinamtan ang caniyang hangad.

Gayondin namang batid co na sa caculang̃an ng̃ pagasa sa iyong pananandata, sa tacot sa tulisan, sa gutom at sa mang̃a capaslang̃an ay inisip mong tangapin ang «autonomia», alin­tanahin ang iyong pagcanación at talicdan ang iyong̃ bandilâ upang iligtas ang bayan. Dahil dito,i, catungculang cong ipaunaua sa iyo na ang pagtatagumpay ng̃ iyong mg̃a adhica ay hindi lamang nananáng̃an sa pagdidiuang ng̃ iyong sandata, madlang dahilang ang pinagbu­buhatan niya na marahil ay hindi mo quilala. pagca,t, unauna, ang calaban mo,i, hindi isang nación cundi isang partido lamang na cung hindi lumagpac bucas marahil ay sa macalaua, tang̃i sa rito ang pagca mang̃ang̃alacal ng̃ yangki, ay siyâng marahil pipilit sa caniyang maqui­paghusay sa atin dahil sa malaquing nagugu­gol ng̃ América sa digmaang ito, sa calayo sa niya, at camahalaan ng̃ caniyang pamumuhay, etc; tang̃i na ang masidhing salitan sa Silan­g̃anan ay hindi malayong manunga ng̃ casi­galotan sa mg̃a Nacióng macapilit sa Améri­cang talicdan ang hang̃ad niyang pagsacop sa Filipinas; bucod sa rito ang malinao na catoui­ran ng̃ iyong pacay na nasasapian ng̃ pagca­tulong mo sa iyong caauay na América sa pag­lansag ng̃ Gobiernong castila dito sa Sangca­puluan ay nacahalina ng̃ puso sa boong Europa ­at Japon bagay na hindi mangyaring hindi ala­lahanin ng̃ madlang marurunong sa Norte Amé­rica, pagca,t, batid nilang lubos na ang pag­tatang̃an nila sa Filipinas ay tunay na nalala­ban sa mg̃a intereses ng̃ mg̃a taga Europa at Asia.

Bago tangapin ang «autonomía» na parang huling cagámutan sa aling pagcápalaot, acala co,i, dapat muna anting gugulin ang sarisa­ring paraan sa digmá, paglaquiplaquipin ang boong hocbo, ó pagpangcatpangcating caya, ayon sa catlang̃an hangang sa maiputoc ang cahulihulihang carlutso; gayo din namang dapat nating sayurin ang lahat ng̃ dáguisunan sa di­plomacia, na huag ligtaang ang anomang ma­gagaua sa harap ng̃ Gobierno ng̃ ibang Nación na catulung̃ang ang limbagan at ang Tribuna, na magálay ng̃ Puentes, estación ng̃ uling caya, pagtutulot ng̃ pagpapasoc ng̃ canilang calacal, ó pagtatayo caya ng̃ Ferro-carril at pagbubu­clat ng̃ mina. Manghinayang ca sa mg̃a daqui­lang punyagui ng̃ iyong mg̃a anac matayo ca lamang na naciong sarili; at manghinayang ca sa macapal na buhay na pinuhunan ng̃ iyong mg̃a anac upang pagcahocbo na maipagtangol sa iyo at sa iyong catouiran; at alalahanin ang hayag mong panunumpa sa haral ng̃ boong mundo na ipagsasangalang ng̃ iyong dugo at buhay ang Pagsasarili ng̃ Bayan.

Mg̃a irog na cababayan, iyagui ang tiyaga, sa pagca,t, sa pagtatagal ng̃ laban ay naroon ang ipagtatagumpay ng̃ ating linalayon.

Cabanatuan 16 ng̃ Mayo ng̃ 1899.

T. Sandico.

LAS FILIPINAS.


(Del «Times Democrat» de New Orleans en 16 Mayo 99.)

El General Otis ha cambiado sus ideas res­pecto á la politica Filipina. Al principio decia que «la primera condición para tratar de paz era la absoluta rendición.» Pero ayer publicamos un cablegrama despachado en Manila y firmado por

Otis en que decia: «Ayer (sábado) se han re-